Pages: 12

  2008-05-17 03:56:27

kristina08
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
681
0
1969-12-31

[quote]Ewan ko ba pero wala akong maisip na idudugtong sa isa kong story na prei..pano </3 ako..T.T Puro ganito lang pumapasok sa isip ko eh..ahrn..i'm full of grudge ryt now, wanna share..=D ok lang

[quote]Ewan ko ba pero wala akong maisip na idudugtong sa isa kong story na prei..pano </3 ako..T.T Puro ganito lang pumapasok sa isip ko eh..ahrn..i'm full of grudge ryt now, wanna share..=D ok lang kahit walang magbasa, bahala kau di tau bati..lols joke lang!:lol: cgeh i'll start it nah!:wallbash:[/quote] ________________ [b]Intoduction:[/b] ________________ [quote]"Rica?..Rica?..kumusta ka na?" for many times she's doing this, again hinawi niya ulit ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito. Puno siya ng pag-aalala para rito. Hindi lang dahil sa wala ito sa katinuan kundi wala na rin itong makakasama pa sa buhay. "Sinabi ko na sayong hindi ako baliw" dire-diretso at walang emosyong sabi nito. "Rica.." "Hindi ako baliw!!" at agad siyang sinunggaban nito. "Ikaw! ikaw! ikaw!..hindiii! tumigil ka!!!" at hinawakan ng magkabilang kamay ang kanyang leeg at diniinan ang pagkakahawak dito. "R-rica,h-hindi a-a-ak mak-kahinga..p-please l-let m-me --" "Tumigil ka! Ilabas mo ko rito! Darating na siya! kailangan,oo kailangan!hindi!!" binitawan siya nito't lumundag pababa sa kama. Nagtatakbo sa loob ng maliit na silid na kinaroroonan nilang dal'wa. "Asan! asan na!? wala rito..hindi!!" umiyak ito at humagulhol. Ngunit maya-maya'y tumawa ito at tumingin sa kanya. Masama. Nakakatakot. =D [i]Hindi ko na kaya to. Rica please..[/i] "Nurse! Nur--!" agad na naputol ang pagtawag niya dahil sa pagsigaw nito. "Ikaw! San mo nilagay ang piano ko!? San!? magsalita ka kundi papatayin kita!!" "Nurse!!!" hindi na siya makakilos sa kinauupuan. Sa estado ng pag-iisip ng kaibigan,hindi malayong baka mapatay nga siya nito. Bumukas ang pinto,kasunod nung ang pagtawag ng nurse sa doktor. "Doctor Enriquez! si Rica nagwawala na naman!" Agad na dumating ang doktor na may kasama pang ibang nurse. Tulong-tulong nilang iginupo ang malakas na pagpupumiglas ni Rica hanggang sa maturukan na ito ng pampatulog. Maya-maya pa'y bumigay na ang katawan nito't nakatulog na. Hudyat na rin upang lumabas na sila sa silid upang di pa ito magulo. "Doc, bakit ganon?may 2 buwan na siyang nandito pero bakit parang wala siyang pinagbago?" "Sa totoo lang Ms. Cruz wala pa talagang ipinagbabago ang kaibigan mo mula ng dalhin siya dito. Maging ikaw, ayaw mong sabihin sa'kin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa kanya kaya hindi rin namin siya magawan ng tulong upang gumaling. Karamihan ng mga nurse dito takot sa kanya. madalas siyang magwala, bayolente siya, naninira ng gamit sa loob ng silid niya, kung minsan nagpupumilit lumabas dahil kailangan daw niyang hanapin ang piano niya, magagalit daw si Meko, papatayin na raw siya, isusunod na. Ms. Reiko, bakit di mo sabihin sa'kin ang mga nangyari? Anong meron sa piano? at sino si Meko?" mahabang sabi ng doktor. "Doctor.." "Bakit?handa ka na bang sabihin sa'kin ang lahat?" "Hini ko po alam kung sino si Meko..pero alam ko ang tungkol sa piano.." [i]Meko..?babae..[/i] [i]Hindi kaya....?[/i] [align=center][img]http://i28.tinypic.com/33fdqiv.gif[/img][/align][/quote]

Last edited by kristina08 (2008-06-27 11:04:51)

Pages: 12

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 01:06

[ 12 queries - 0.017 second ]
Privacy Policy