Pages: 12

  2008-05-20 03:27:33

kristina08
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
681
0
1969-12-31

[quote]Ewan ko ba pero wala akong maisip na idudugtong sa isa kong story na prei..pano </3 ako..T.T Puro ganito lang pumapasok sa isip ko eh..ahrn..i'm full of grudge ryt now, wanna share..=D ok lang

[quote][b]@ Jhayyuliajay:[/b] ok,thanks..:D [b]@ emodon:[/b] my friends told me so..I already told themm the whole story..=D[/quote] ----------------------- [b]Chapter 1[/b] ----------------------- "Wow! Mom! is this our new house?! Ang ganda! so classy!" "I'm glad you love it Rica" "Of course Mom.. Hey look!" "Rica, dahan-dahan sa pagtakbo!" "Yes Dad! Look oh! ang ganda ng mga roses na to! Hmm..bloody red" "Yes, sure it is sister" "Reiko!"she gave her a hug,"kelan ka pa--" "Your Mom told me so bestfriend" "Really!?so, ilang araw ka rito?and look at our new house" then she threw an amazed look at the house,"ang ganda no?" "Oo maganda nga,and look, may attic pa! btw, 1 week ako dito" "Talaga? wow! dyan ako magru-room!" "Why not? pangarap mo na yun dati pa, ang babaw mo talaga! :lol:" "Ikaw talaga! lika na nga sunod tayo kina mommy sa loob." "Sure..nagbibiro lang ako,lika na" Something got up in her upon entering the house. It's sure beautiful but there's something she can't even explain. Made in Narra ang sahig nito, pihadong kung may magtatangkang magnakaw, maririnig kagad ang mga yapak nito. Maganda rin ang sky blue wallpaper ng dingding. Napansin lang niya na ang ibang parte ng bahay ay madilim pero sa living room, maliwanag, well-ventilated in partner with hanging plants. Hanggang 2nd floor ang bahay kung titingnan sa labas pero may attic room ito kaya masasabi na rin niyang hanggang 3rd floor ito. Maganda ito, loob at labas pero hindi talaga niya malaman kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya. Nasa 1st floor pa lang sila noon nang magyaya paitaas si Rica. "Reiko, punta tayo sa attic room" "Sige" Hindi na nito nahintay ang sagot niya't nagpaalam kagad sa ina. "Mom, punta lang kami sa attic" "Ha?m-may attic pa pala ito, hindi ko napansin ng bisitahin namin ito noon..well sure you can go" "ok!" Agad siya nitong hinila papaitaas. Nasa 2nd floor pa lang silang dal'wa nang mapansin niya ang kinalalagyan ng attic. Kataka-takang parang ibinukod lang talaga ang kwartong 'yon sa mga kwarto sa 2nd floor. May catwalk na katapat mismo ng pinto ng attic. Bigla syang kinilabutan. Hindi niya alam at hindi dapat dahil mukha namang maganda ang kwartong iyon. Pero bakit nga ba? "Reiko, ayun yung hagdan, halika na!" "H-ha? "Bakit ba parang wala ka sa sarili mo Rei?" "Wala ito, m-may..ah! ano..wala basta!" ":lol: paranoid!" Umakyat na ito, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Nasa catwalk na sila at habang papalapit sa pinto ng attic ay parang lalong nanghihina ang mga tuhod niya. [i]Bakit ganon? nararamdaman din kaya ito ni Rica?[/i] Binuksan na ni Rica ang pinto, medyo sumara ito ng pumasok kaya kinailangan niyang hawakan ang doorknob. Nanginginig niyang hinawakan ang doorknob at pilit na binalewala ang nararamdaman saka binuksan ang pinto..

Last edited by kristina08 (2008-05-20 03:30:10)

Pages: 12

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 09:55

[ 12 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy