Pages: 12

  2008-05-27 01:03:44

Gela5555
» FTalker
FTalk Level: zero
263
0
1969-12-31

wanna share it to all of you guys. "...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas an

wanna share it to all of you guys. "...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo." "...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo." "nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures." -ABNKKBSNPLAko?? ______________________________________________________________________________ "mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher." "...ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. walang "iba". wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: "Sana nagpatawa ka na lang!" Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa 'ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro..." "iba ang informal gramar sa mali!!!" "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko." "kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo" "kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko" "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka." "hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa " -Stainless Longganisa ______________________________________________________________________________ "kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko." "dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela." "Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay." -MACARTHUR ______________________________________________________________________________ "iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala" "mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala" -Alamat ng Gubat ______________________________________________________________________________ "Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?" "hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan" "Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!" -Paboritong Libro ni Hudas

Last edited by Gela5555 (2008-05-27 01:05:25)

Pages: 12

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 09:12

[ 12 queries - 0.015 second ]
Privacy Policy