Pages: 12

  2008-05-27 01:14:59

Gela5555
» FTalker
FTalk Level: zero
263
0
1969-12-31

Nagbabasa ako ng libro ni Bob Ong, nang madaanan ko ‘tong linyang to: Sa isang anekdota ni Rizal, ikinuweto niya nang minsang lapitan si Pilosopo Tasyo ng dalawang bata. Isa sa mga bata ang may ikinu

Nagbabasa ako ng libro ni Bob Ong, nang madaanan ko ‘tong linyang to: Sa isang anekdota ni Rizal, ikinuweto niya nang minsang lapitan si Pilosopo Tasyo ng dalawang bata. Isa sa mga bata ang may ikinukubling ibon sa kamay. Para subukin ang talino ng matanda, pinahulaan nila dito kung ang ibon ay buhay o patay. Kung sasabihin ni Pilosopo Tasyo na buhay ang ibon, sasakalin ng bata ang leeg nito upang pabulaanan siya. Kung sasabihin niya namang ang ibon ay patay, pakakawalan lang ito ng bata para ipakitang nagkamali siya. Buhay ba o patay? Ano man ang isagot ni Pilosopo Tasyo, mapapahiya siya sa dalawang bata. Kung kaya’t sinabi ng maalam na matanda: “Ang sagot ay nasa inyong kamay.” Hindi ko alam, pero talagang nabilib ako dyan. Parang ang simple lang, pero complex. Nagulat ako.

Last edited by Gela5555 (2008-05-27 11:01:14)

Pages: 12

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 04:57

[ 12 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy