[b]CHAPTER III - Im Wondering Who's She Is.. III.[/b]
[b]Duch[/b]: Mizel, nandito na ko.
[b]Mizel[/b]: Duch, bat ba ganto sila sakin? Ayoko na mag aral! Ayoko na dito!
[b]??[/b]: Uh, excuse me? Ang ingay ingay nyo dito eh. Wag nga kayo magdrama dito sa comfort room!
[b]Duch[/b]: Bakit?! Sino ba kayo para paalisin kami dito? Ang kakapal ng muka nyo ah.
[b]Lois[/b]: O bakit, baka hindi mo ako nakikilala dito?!
[b]Duch[/b]: Bakit?! cno ka nga ba dito?
[b]Mizel[/b]: Ihinto nyo yan! Please.
[b]Lois[/b]: ..may araw ka rin sakin Duch.
[b]Duch[/b]: Bakit?! Natatakot ba ako sayo?!
[b](Umalis si Lois ng comfort room)[/b]
[b]Mizel[/b]: Cuz, pasensya na ah, hindi ko kaya mag tagal dito.
[b]Duch[/b]: Pero cuz, tiisin mo muna. Kakayanin mo din naman yan eh, Actually nung una din naman..
Ganyan din ung ngyari sakin sa school na to eh.
[b]Mizel[/b]: Pasalamat ka cuz, malakas ka sakin.
[b]Duch[/b]: Sigena, pumasok ka na.. Okay?
[b]Mizel[/b]: Pero cuz, pwede mag recess muna tau? Wala kc ako kasama nito sa cafeteria eh.
[b]Duch[/b]: Cuz.. May klase pa ko eh. Nagpaaalam lang ako sandali.
[b]Mizel[/b]: Pero..
[b]Duch[/b]: Go cuz! cheerup! Kaya mo yan. Cous sige kailangan ko na talaga umalis.
[b]..After 2 years & 7months.[/b]
..Uy friend, malapit na ang PROM natin, hahaha may kadate ka na?
.. Ah, haha. Hindi ko nga alam kung pupunta ako sa prom eh, lam mo na.
.. Asus, hoy ikaw! Pag hindi ka nakapunta o pumunta sa prom, Magkalimutan na.
.. Huy, kung anu anu snsbi mo. Ikaw talaga.
[b](Binuksan na nila ang pintuan patungo sa kanilang room.[/b]
[b]Mizel[/b]: Kailangan mo nalang akong intindihin Lois, alam mo nanaman diba?
[b]Lois[/b]: Na anu? Na wala kang pang arkila o pambili ng damit?
[b]Mizel[/b]: Parang ganun na nga, Kasi alam mo naman, Magcocollege na rin si Harvii.
[b]Lois[/b]: Okay, here's the deal.. Papautangin nalang kita. Pagnaka raos ka na, dun ka nalang magbayad.
[b]Mizel[/b]: Ay anu ka ba? Eh kung wala akong ipangbayad jan?!
[b]Lois[/b]: Wag mo na problemahin yun, ang problemahin mo.. Kung sino magiging kapartner mo.
..Uy mga dudies, nanjan na pala kayo.
[b]Lois[/b]: Oh kayo pala.
[b]Shirow[/b]: Lois, hahaha. Himala! Pumasok ka ata.
[b]Yuna[/b]: You know what Lois, ure such a loser. You failed to pass your project in English.
[b]Lois[/b]: I dont care, duh. Buti naman kasi kung kalevel ko ang teacher natin dun.
[b]Eejhay[/b]: Bakit? Hindi ka ba natatakot na baka bumagsak kapa sa ibang subjects??
[b]Lois[/b]: Hindi nuh, di lang naman ako ang bagsak dun diba?! Pati rin naman si Shirow!
[b]Yuna[/b]: Is that true? OMG! Hunnie. You need to explain why! C'mon here!
[b]Shirow[/b]: but Hunnie..
[b](Lumabas ang dalawa ng room)[/b]
[b]Mizel[/b]: Uy guys, kamusta na kayo?
[b]Jeca[/b]: Oh, were fine. Haha tgnan mo ung dalawang yun. Para silang engot.
[b]Eejhay[/b]: Ay nga pala Mizel, may partner ka na sa prom?
[b]Jeca[/b]: Ay Eejhay, ako wala pa.
[b]Eejhay[/b]: Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, So Mizel, meron ba?
[b]Mizel[/b]: Eh, yun nga ang problema ko ngayon, wala pa akong kapartner.
[b]Lois[/b]: So Mizel, he's the one.
[b]Jeca[/b]: Hay nako Eejhay, bat di nalang ako?! Naku!
[b]Eejhay[/b]: Pwede ba Mizel?
[b]Mizel[/b]: Ahmm, pwede naman. *Napangiti*,
[b](Pagkatapos ng klase, ay dali daling umuwi si Mizel, para ibalita sa kanyang pamilya ang tungkol sa nalalapit nilang prom)[/b]
[b]Mizel[/b]: Manong eto po bayad..
[b]Traysikel Driver[/b]: Salamat!
[b]Mizel[/b]: O nay, tara ho pasok muna po tayo.. May babalita lang po ako.
[b]Fransesca[/b]: O anak, tuwang tuwa ka ata? Anung meron?
[b]Mizel[/b]: Basta po.
[b](Pumasok ang magina sa kanilang bahay)[/b]
[b]Fransesca[/b]: O anak, ano ba ang ibabalita mo.
[b]Nung magsasalita na sya..[/b]
[b]Tinay[/b]: O andito ka na pala Mizel, sunduin mo si Harvii sa school nya. Napaaaway nanaman ata eh.
[b]Mizel[/b]: Ate, hindi bang pwede na ikaw na muna? May sasabihin pa kasi ako kay Inay.
[b]Tinay[/b]: Hindi mo ba nakikita?! Andami dami kong ginagawa dito! Letse kasing Harvii yan! Napaka pabigat dito sa pamilyan to!
[b]Mizel[/b]: Hindi mo kailangan sabihin yan, kapatid natin sya.
[b]Tinay[/b]: Anung hindi kailangan sabihin yan? Dapat ikaw nalang ang nag aaral eh.
[b]Mizel[/b]: Ate, bakit sabihin mo nga. Ikaw ba ang nagpapaaral sakanya para sabihin mo ang mga bagay bagay na ganyan? Isipin mo nga ate.
[b](Sinampal ni Tinay si Mizel.)[/b]
[b]Fransesca[/b]: Tinay! Anu ba yan?!
[b]Tinay[/b]: Wala ka ng galang sa mas matanda sayo! Para kang hindi nag aaral, at parang walang tinuturo sayo si ina! Ayoko lang sabihin pero napakapabigat mo sa pamilya na to! Bwiset!
[b](Umalis si Tinay na galit sakanyang Ina at kay Mizel)[/b]
[b]Mizel (Naiiyak na nagsasalita)[/b]:...totoo ba ina? Pabigat lang ako sa pamilyang to?
[b]Fransesca (Umiiyak)[/b]: Anak, anu ba yang pinagsasabi mo? Hindi ka pabigat dito, Wala sa inyong magkakapatid ang pabigat samin ng ama mo. Alam mo yan.
[b]Mizel[/b]: Ina, pasensya na talaga ah.
[b]Fransesca[/b]: Pagpasensya mo na ate mo anak. Mainit lang ang ulo nya dahil kanina naputulan tayo ng kuryente, sa kadahilanan na.. hindi pa nakakakuha ng pera ang ama mo. Kaya hindi ako nakapagbayad sa kuryente.
[b]Mizel[/b]: Kahit na ina, hindi nya kailangan sabihin ang bagay na un, sa akin... At lalo na kay Harvii.
[b]Fransesca[/b]: Hayaan mo na sya anak, nga pala anak.. Anu nga pala ang ibabalita mo?
[b]Mizel[/b]: Nay, kasama po ako sa prom. Sa isang bwan na ung prom nay.
[b]Fransesca[/b]: Hindi ko naman mapapangako na mabibigyan kita ng pera anak.
[b]Mizel[/b]: Inay inay, okay lang inay. Kukuha muna ako sa inipon ko.
[b]Fransesca[/b]: Anak, napapansin ko.. Namumutla ka?
[b]Mizel[/b]: Ako po inay?
[b]Fransesca[/b]: Nagdrudrugs ka ba anak? Yung totoo..
[b]Mizel[/b]: Ay nay naman po, hindi po ako nagdrudrugs.
[b]Fransesca[/b]: Eh bat namumutla ka? Sahalip na dapat mamula yan sa pagkasampal ng ate mo..
[b]Mizel[/b]: Inay, wag nyo nalang po pansinin.. Nga pala, sunduin ko na si Harvii.
[b]Fransesca[/b]: O sige anak, magiingat kayo ng kapatid mo. At magiingat ka rin papunta dun.
[b]Mizel[/b]: Sige po inay. *Nagmano kay Fransesca.
[b](Sumakay ng jeep si Mizel)[/b]
[b]Mizel[/b]: Manong isa po.
[b]Manong driver[/b]: Ah miss kulang ka ng dos.
[b]Mizel[/b]: Manong naman, bat nagmahal nanaman ng pamasahe.
[b]Manong driver[/b]: Mahirap na eh, nagmahal nanaman ang mga bilihin.
[b]Mizel[/b]: Nako sigena nga po manong, eto na dos nyo.
[b](Habang payapa ang isip ni Mizel, napahinto ang jeep sa isang napakalaking bangaan)[/b]
[b]Mizel[/b]: Ano kaya ngyari dito, andaming namatay.. Nakakaawa naman sila.
[b](At maya maya pa, may sumakay na babae sa jeep)[/b]
[b]Babaeng pasahero[/b]: Miss paki abot ang bayad.
[b]Mizel[/b]: Ay miss, kulang ng dos ung bayad mo, dapat kc nuwebe(9) pesos eh.
[b]Babaeng pasahero[/b]: Ay pasensya na. Eto ung kulang ko.
[b]Mizel[/b]: Salamat, manong driver bayad po.
[b]Manong driver[/b]: Ano?
[b]Mizel[/b]: Manong, bayad kako.
[b]Manong driver[/b]: Diba nagbayad ka na?
[b](Bigla ulit napahinto ang jeep..)[/b]
[b]Mizel[/b]: Manong naman pinahihirapan nyo ako eh, eto po yung bayad nung babae.
[b]Manong driver[/b]: Ah, bakit hindi ko napansin na may sumakay?
[b]Mizel[/b]: Hello manong?! Yung mukang pupunta sa party ung suot nung babae.
[b]Manong driver[/b]: Hay miss, buang ka ata. Nga pala nandito ka na.
[b]Mizel[/b]: Eh? Salamat na lng po.
[b](Bumaba ng jeep si Mizel, na takang taka sa ngyayari..)[/b]
[b](At pumasok din sya ng school, at dumiretso sa Principal's Office.)[/b]
[b]Harvii[/b]: Ate..
[b]Mizel[/b]: Anu Harvii?! Ano nanaman ba kasi ginawa mo?
[b]Principal[/b]: Yang kapatid nyo, Nakipagaway nanaman sa kaklase nya.
[b]Mizel[/b]: O Harvii, bat ka nakipag away?! Bat mo naman kasi inaway ang kaklase mo?!
[b]Harvii[/b]: Ate naman, hindi mo kasi alam ang ngyari, sinabihan ba naman ako na pamilya daw natin ang pinaka mahirap sa paaralang ito.
[b]Mizel[/b]: Bakit hindi ba totoo?! Tara na at uuwi na tayo!
[b]Principal[/b]: Pagsabihan nyo po ang kapatid nyo.
[b]Mizel[/b]: Hindi ko kailangan pag sabihan ang kapatid ko, nag aaral sya. Malinaw ba un sayo?!
[b]Harvii[/b]: Ate?! Anu ba ngyayari sayo?
[b]Mizel[/b]: Tara na Harvii. Wag natin sayangin ang oras natin dito.
[b]END OF CHAPTER III.[/b]
Last edited by james_cuteoo2 (2008-06-05 11:19:43)