Re: [b]Fyi, nagpaalam ako sa mga mod's na isali sila sa aking nilikhang kwento.[/b]
Para kina:
[b]Tinay.
Takashi.
Heinz.[/b]
( Humihingi sana ako ng permiso sa inyo para isali ko kayo sa aking nilikhang
For those fans: Hahaha joke lng.
Eto na ang..
[b]CHAPTER IV - The 10 Signs Of Nightmare.[/b]
[b](Nagaabang ng jeep ang magkapatid, habang naguusap)[/b]
[b]Mizel[/b]: Harvii sa mga ganung bagay nakikipagaway ka pa? Hindi ka na bata Harvii!
[b]Harvii[/b]: Pero ate, wala lng ba sayo ung sinabi ng kaklase ko?
[b]Mizel[/b]: Magalit ka kung hindi totoo, sabihin mo nga.. Hindi ba totoo?!
[b]Harvii[/b]: Ate alam kong mahirap lang tayo bat kailangan nyang maliitin ang pamilya natin?
[b]Mizel[/b]: Harvii hayaan mo na. Kung sa tingin mo, mali sya.. Intindihin mo nalang.
[b]Harvii[/b]: Anu ang iintindihin ko?! Ate naman eh.
[b]Mizel[/b]: Tumigil tigil ka na jan Harvii, eto na ang jeep sumakay ka na.
[b]*Sumakay ang dalawa ng jeep.[/b]
[b]Harvii[/b]: Ate, may project nga pala kami.
[b]Mizel[/b]: Maryosep, project?! Eh kauumpisa lng ng klase nyo ah?
[b]Harvii[/b]: Di ko din alam ate, kung gusto mo itanong mo yang tanong na yan sa teacher ko.
[b]Mizel[/b]: Loko ka talaga, iabot mo nga tong bayad..
[b]*Nang napatingin si Mizel kay Harvii, nagulat sya.[/b]
[b]Mizel[/b]: Harvii?!
[b]Harvii[/b]: Ate bakit? Anu meron?
[b]Mizel[/b]: Bat wala kang ulo? Harvii?!
[b]Harvii[/b]: Ate? Para ka palang bulag eh.
*At pinikit nya ang mga mata nya..
[b]Harvii[/b]: Ate! Anu ba? Nanakot ka pa eh!
[b]*Dinilat ulit ni Mizel ang kanyang mga mata.[/b]
[b]Mizel[/b]: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
[b]Harvii[/b]: Ate anu ba ngyayari sayo? Ate!
[b]*Sumigaw si Mizel ng napagkalakas lakas, dahil nakita nya na napuno ng mga nanlilisik na mata ang jeep na sinasakyan nila, kahit silang dalawa lang ni Harvii ang nasa jeep ng mga oras na yun.[/b]
[b]Mizel[/b]: Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! Harvii ipara mo na ang jeep! hindi ko kaya tong ngyayari na to.
Harvii ayoko na, tara na! Harvii tara na! Bilisan mo!
[b]Harvii[/b]: Ate! *Biglang sampal kay Mizel.
[b]Harvii[/b]: Ate anu ba ngyayari sayo?
[b]Mizel[/b]: Hindi!
[b]Harvii[/b]: Ate, nagdrudrugs ka ba? Anu na bang ngyayari sayo?
At sinasabihan mo pa akong pugot ang ulo?
[b]Mizel[/b]: Hindi ako maaring magkamali, kitang kita ng dalawa kong mga mata.
[b]Harvii[/b]: Ate guni guni mo lng un, at sigaw ka ng sigaw? Para kang ewan.
[b]Mizel[/b]: Hindi naman ako nagloloko Harvii, totoo ang sinasabi ko! Kailan ba ako nagsinungaling?
[b]Harvii[/b]: Nung birthday ko, sabi mo bbili mo ako ng regalo pero hindi naman.
[b]Mizel[/b]: Pwede bang magseryoso ka muna Harvii, hindi ako nagbibiro.
[b]Harvii[/b]: Hindi din ako nagbibiro, kanina pa aq hiyang hiya kay manong driver.
Dahil sigaw ka ng sigaw jan.
[b]*Napatingin si Manong Driver sa dalawa ang napangisi.[/b]
[b]Mizel[/b]: Ibigay mo na nga yang...
[b]AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH![/b]
[b]--IPAGPAPATULOY[/b]