[b]PLEASE AVOID NAMING THE SCHOOL INVOLVED[/b]
Naisipan kong dito ilagay ang topic na 'to dahil nasa Pilipinas ang University na tinutukoy ko.
'Pag sa school section ko kasi 'to pinost, english ang kailangang mode of language.
[b]Hindi intensiyon ng topic na ito na makasakit. [/b]
If this post is against the rules, those in the authority can delete this.
Thank you.
Hindi na kaiba sa pandinig ng lahat ang salitang 'Gang-Rape'.
Ano reaksiyon niyo sa balitang sa loob pa ng isang campus naganap ang 'krimen' na ito?
Hindi lang ito ang unang pagkaktaon na may nagang-rape sa loob ng campus.
Naging malaking issue lang ito, dahil ang krimen ay naganap sa loob ng isang institusyon na dapat sana ay mangangalaga sa karapatan ng kabataan.
[b]Here's a clipping from an article:[/b]
[quote]Nag-ugat ang reklamo sa umano’ypanggagahasa ng tatlong lalaking estudyante, na may edad 15 hanggang 16, sa isang 16-taong gulang na babae sa loob ng isang vacant room ng paaralan nitong Hunyo 25.
Ayon sa biktima, ginahasa siya pagkatapos ng initiation rites ng isang non-accredited organization kung saan siya pinainom ng alak.
Sumali raw siya sa organisasyon dahil sa paanyaya ng isang pang babaeng estudyante.
Samantala, naniniwala naman ang mga awtoridad na may pinainom ding gamot sa biktima kaya ngayo’y hinihintay din ang resulta ng drug test nito.
Inaresto naman ng mga awtoridad ang apat na suspek, kabilang na ang babaeng estudyante na nag-udyok sa biktima na sumali sa organisasyon.[/quote]
This should serve as a wake-up call para sa mga admin ng universities/colleges and schools sa Pilipinas.
I prefer not to mention the name of the school.
[b]EDITED:[/b]
Meron 'di umanong video ang nasabing gang rape. Pero ang kumakalat na video sa isang site is [b]not [/b]the real one.
[b]NEWS UPDATE AS OF JULY 17, 2008:[/b]
Nawawala ung gang-rape victim.
Hindi alam kung saan nagpunta, maging ung president nung university pati DSWD wala nang contacts sa kanya.
Pero sa June 29, merong prelim investigation.
**Yan lang ung updated news na nakuha as of to date.
Kung huli man siya, sorry.
Last edited by aich (2008-08-10 00:09:29)