Pages: 1..1234567

  2008-07-11 11:38:20

jamessss:b
» SuperFTalker
FTalk Level: zero
8837
0
1969-12-31

Re: [b]Fyi, nagpaalam ako sa mga mod's na isali sila sa aking nilikhang kwento.[/b] Para kina: [b]Tinay. Takashi. Heinz.[/b] ( Humihingi sana ako ng permiso sa inyo para isali ko kayo sa aking nilikhang

For those fans: Hahaha joke lng. Eto na ang.. [b]CHAPTER IV - The 10 Signs Of Nightmare.[/b] [b](Nagaabang ng jeep ang magkapatid, habang naguusap)[/b] [b]Mizel[/b]: Harvii sa mga ganung bagay nakikipagaway ka pa? Hindi ka na bata Harvii! [b]Harvii[/b]: Pero ate, wala lng ba sayo ung sinabi ng kaklase ko? [b]Mizel[/b]: Magalit ka kung hindi totoo, sabihin mo nga.. Hindi ba totoo?! [b]Harvii[/b]: Ate alam kong mahirap lang tayo bat kailangan nyang maliitin ang pamilya natin? [b]Mizel[/b]: Harvii hayaan mo na. Kung sa tingin mo, mali sya.. Intindihin mo nalang. [b]Harvii[/b]: Anu ang iintindihin ko?! Ate naman eh. [b]Mizel[/b]: Tumigil tigil ka na jan Harvii, eto na ang jeep sumakay ka na. [b]*Sumakay ang dalawa ng jeep.[/b] [b]Harvii[/b]: Ate, may project nga pala kami. [b]Mizel[/b]: Maryosep, project?! Eh kauumpisa lng ng klase nyo ah? [b]Harvii[/b]: Di ko din alam ate, kung gusto mo itanong mo yang tanong na yan sa teacher ko. [b]Mizel[/b]: Loko ka talaga, iabot mo nga tong bayad.. [b]*Nang napatingin si Mizel kay Harvii, nagulat sya.[/b] [b]Mizel[/b]: Harvii?! [b]Harvii[/b]: Ate bakit? Anu meron? [b]Mizel[/b]: Bat wala kang ulo? Harvii?! [b]Harvii[/b]: Ate? Para ka palang bulag eh. *At pinikit nya ang mga mata nya.. [b]Harvii[/b]: Ate! Anu ba? Nanakot ka pa eh! [b]*Dinilat ulit ni Mizel ang kanyang mga mata.[/b] [b]Mizel[/b]: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! [b]Harvii[/b]: Ate anu ba ngyayari sayo? Ate! [b]*Sumigaw si Mizel ng napagkalakas lakas, dahil nakita nya na napuno ng mga nanlilisik na mata ang jeep na sinasakyan nila, kahit silang dalawa lang ni Harvii ang nasa jeep ng mga oras na yun.[/b] [b]Mizel[/b]: Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! Harvii ipara mo na ang jeep! hindi ko kaya tong ngyayari na to. Harvii ayoko na, tara na! Harvii tara na! Bilisan mo! [b]Harvii[/b]: Ate! *Biglang sampal kay Mizel. [b]Harvii[/b]: Ate anu ba ngyayari sayo? [b]Mizel[/b]: Hindi! [b]Harvii[/b]: Ate, nagdrudrugs ka ba? Anu na bang ngyayari sayo? At sinasabihan mo pa akong pugot ang ulo? [b]Mizel[/b]: Hindi ako maaring magkamali, kitang kita ng dalawa kong mga mata. [b]Harvii[/b]: Ate guni guni mo lng un, at sigaw ka ng sigaw? Para kang ewan. [b]Mizel[/b]: Hindi naman ako nagloloko Harvii, totoo ang sinasabi ko! Kailan ba ako nagsinungaling? [b]Harvii[/b]: Nung birthday ko, sabi mo bbili mo ako ng regalo pero hindi naman. [b]Mizel[/b]: Pwede bang magseryoso ka muna Harvii, hindi ako nagbibiro. [b]Harvii[/b]: Hindi din ako nagbibiro, kanina pa aq hiyang hiya kay manong driver. Dahil sigaw ka ng sigaw jan. [b]*Napatingin si Manong Driver sa dalawa at napangisi.[/b] [b]Mizel[/b]: Ibigay mo na nga yang... [b]AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH![/b] [b]Mizel[/b]: Manong! Masbabangga tayo! [b]Harvey[/b]: Ate kumapit ka sakin. [b]Lumingon ang manong driver sa harap nya, at naliko pa ng jeepney driver ang minamanehong jeep nito, munit tumilapon silang tatlo sa bangin, kung saan ang nakabunguan namang jeep ng sinasakyan nila Mizel ay bumunggo naman sa malaking puno ng balete[/b] [b]Mizel[/b]: Harvey.... Harvey.. Nasan ka? Harvey.. [b]Manong driver[/b]: Miss, iyun ba ang kapatid mo? [b]Mizel[/b]: Manong.. Nasan sya? [b]Manong driver[/b]: Yun nga ba sya? [b]Mizel[/b]:... HARVEY! Harveyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Hindi pwede! [b]Nakita nilang dalawa si Harvey na nabagsakan ng malaking sanga ng puno, kung saan nakatusok ang tulis nito sa ulo ni Harvey.[/b] [b]Mizel[/b]: Manong humingi ho tayo ng tulong, di ko kayang maglakad manong, napilayan ho ata ako (umiiyak) [b]Manong driver[/b]: .. Maghintay nalang tayo dito, at alam kong may makakakita rin satin. [b]Mizel[/b]: Hindi maari manong! Yung kapatid ko! Kailangan syang makuha! Kailangan! Hindi sya maaring mawala, HINDI! (umiiyak) [b]At makalipas ang mahigit na 10 minuto nilang paghihintay, sa wakas at may nakakita rin sakanila at agad agad silang tinulungan.[/b] [b]Mizel[/b]: Kuya, dalian nyo po.. Yung KAPATID ko! Tulungan nyo sya! [b]Nakakita[/b]: Ay miss, wala na pong pulso ang kapatid nyo, at hindi na rin humihinga. [b]Mizel[/b]: Anong hindi humihinga? Hindi maari! Dalhin nyo sya sa hospital ngayun din! Dalian nyo tulungan nyo sya! Hindi sya maaring mawala! [b]Nakakita[/b]: Pero miss, butas po ang utak nya, wala na po tayo magagawa, kahit na napakasaklap po ng nangyari sakanya, wala na po tayo magagawa kundi tanggapin. [b]Mizel[/b]: Bwisit ka! Kung anu anung sinasabi mo! Mabubuhay ang kapatid ko! Mabubuhay sya! (Umiiyak) [b]Nakakakita[/b]: Miss, patay na rin po ung jeepney driver. [b]..Ipagpapatuloy[/b]

Last edited by james_cuteoo2 (2008-07-11 11:39:37)

Pages: 1..1234567

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 08:47

[ 12 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy