nbasa ko ito sa book namin:
[align=center][b]KALUTASAN SA SULIRANIN NG OZONE LAYER[/b][/align]
[i]Malapit ng malutas ang suliranin ng daigdig hinggil sa malaking butas sa Ozone Layer. Ito ang iniulat ni Allan O'Neil, ng University Of Reading sa Inglatera. Ayon sa pagayag, ang butas ng ozone sa tapat ng Antartica ay unti-unti ng naghihilom sa loob ng kasalukuyang dekada. Dahil dito, inaasahang tuluyang maghihilom ang butas sa susunod na 50 taon.[/i]
[i]Ang magandang balita any resulta ng matagumpay na pandaigdigang pagsisikap na ipagbawal ang paggamit ng chlorofluorocarbons(CFCs).Sa kasalukuyan, napakalaki ng ibinaba ng porsiyento ng CFCs na ginagamit ng Estados Unidos samantalang ang Japan naman ay tumigil na sa paggamit nito.[/i]
[i]Batay sa mga datos na nakalap ng isang istasyon sa Tasmania na sumusubaybay sa lebel ng CFCs, ang dami ng naturang kemikal sa atmospera ay nagsimula ng bumagsak.[/i]

ano masasabi niyo?