Pages: 1

  2008-12-01 11:02:41

jhaine_lyka
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
317
0
1969-12-31

[spoiler]Filipino Assignment.. to make a poem na tuluyan..hope yah like it![/spoiler] [align=center][b]Ang Hiling ko sa Darating na Pasko[/b] Malamig na ihip ng hangin agad kong tanaw ang masayang

[spoiler]Filipino Assignment.. to make a poem na tuluyan..hope yah like it![/spoiler] [align=center][b]Ang Hiling ko sa Darating na Pasko[/b] Malamig na ihip ng hangin agad kong tanaw ang masayang pasko, mga bituing nagniningning sa kalsada’t mga ilaw na kumikislap-kislap. Alam kong sa paskong ito ay agad mapapawi ang sakit na naramdaman sa nagdaan. Ngunit ako’y mali, hindi pala...ang kasayahang ito ay agad naglaho dahil na rin sa kahirapan ng buhay at ang wala sa oras na paggulong ng gulong ng masalimuot na buhay. Hiling sa paskong darating? Marami! Makipagdagitan at labanan ang “natutulog na higante” at makabagong teknolohiya sa dakong hilaga’t makapagsalita sa wikang hindi naiintindihan ng iba. Magmayabang sa magagarang gamit na inipon, pinaghirapan, pinagpawisan. Kay sarap mamuhay sa marangyang buhay ng aking pangarap. Dapatwa’t bakit hindi? Libre ang mangarap! Kayganda nga namang mabuhay ng maligaya’t lumalangoy sa pera. Ngunit ano nga ba talaga ang tunay na diwa ng pasko? Ito ay ang kasayahan ng bawat tao sa mundo’t malaman na hindi lang dahil sa ipinanganak Siya kundi dahil rin sa nagpakamatay Siya para sa atin. Ang kasayahan ng mga batang walang kinakain sa pasko. Nakuha pa nating magreklamo ano? Kaya ngayong pasko, tanging hiling ko ay makapiling ang aking pamilya na nagpalaki sa akin. Mga kaibigang sa hirap at kasayahan, kasama ko na. Umiyak man o tumawa. Higit sa lahat ang kasiyahan NIYA na nagbalik ng kasiyahang akala ko naglaho na. At hinding-hindi ko rin makakalimutan ang buong mundo, maligayang pasko para sa inyo! [/align]

Last edited by jhaine_lyka (2008-12-01 11:07:56)

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 11:14

[ 12 queries - 0.009 second ]
Privacy Policy