Pages: 1234

  2010-04-13 02:44:46

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

Re: ouch! ano yun!>!>!? maybe accident lang she.. wala lang yun hala! next na nabitin ako grabe great update! go go!

[hr] [align=center][font=Zebra][size=5]twenty-one.[/size][/font][/align] [font=Juice ITC][size=6][b]confessions.[/b][/size][/font] [b]Xion's POV[/b] Back to school ulit. Nakakabagot. Si Kuya, napansin kong.. parang ang sweet nila ni Shecainah. Napansin ko rin na madalasan nang nag-oonline si Kuya sa facebook. Pati, text nang text, at minsan ngingiti pa. Teka.. hindi naman kaya.. sila na? Break time, at pumunta ako doon sa table ng mga friends ni Shecainah. Wala si Shecainah doon.. bakit kaya? "Umm.." "Ayy, Xion ikaw pala. Bakit?" sabi nung Eliza. "Kasi.. tatanong ko lang sana kung.. asaan si Shecainah.." "Kasama niya si Xavier, andoon sila sa Library." sabi ni Margaux. "Ganun ba.." "Teka, huwag mong sabihin pupuntahan mo sila? Kung ako sa iyo, huwag na, kasi, busy silang mag-syota doon eh." tumawa naman yung Jerubee. "Ahh.." Sinasabi na nga ba eh. Sila na nga. "Sige, alis na ko." Pumunta na lang ako sa classroom. Nakakabagot talaga.. Ang daya-daya ni Kuya. Bakit siya pa ang nagustuhan ni Shecainah? Eh.. kung hindi lang naman sa akin, hindi niya makikilala si Shecainah.. I remembered nung pumunta kami ng Beach, doon nag-umpisa ang lahat.. [b]FLASHBACK.[/b] "Ang ganda talaga dito sa beach, noh?!" I exclaimed. Buong pamilya kami dito. "Sige, swimming na tayo." sabi ni Dad. Naiwan si Mama doon para ayusin ang mga gamit. Para din sa pagkain namin. Nag-swimming na ako. Si Kuya naman, ayun, nagbabasa lang ng libro. Aba. "Ayaw mo mag-swimming?" "Maya-maya pa," sabi niya. "Mainit pa kasi eh." "Ganun.. sige, bahala ka diyan." Nag-swimming ako nang nag-swimming hanggang sa napagod. Bumalik ako kay Kuya. Tumabi na lang sa kanya. "Hay.. ang boring." sabi ko. He smiled, then nagbasa ulit. "Hay.. ni wala ngang mga magagandang babae dito eh." I said. Tumawa si Kuya. "Ikaw talaga, puro babae ang nasa isip mo." "Eh ganun naman talaga ang mga lalake diba? Ikaw nga lang ata ang walang interes sa mga babae eh." "Hindi ko pa siguro nakikita yung babaeng mamahalin ko," he said. "Ang corny mo naman. Ano yun, true love?" "Ganun talaga." At, bigla-bigla, may narinig kaming sigaw. Sigaw ng babae. "Anong nagyayari?" tanong ni Kuya, at tumayo siya. "Hindi ko nga alam eh." "Puntahan natin." sabi niya, at agad kaming tumakbo. Pagkarating doon, may babaeng nalulunod. Walang lifesaver. Pero, si Kuya, hindi na nag-dalawang isip at niligtas yung babae. Ang bait talaga. "Wow, astig yun Kuya, ah!" sabi ko. "Oo nga." Dumating yung Mama ng bata at nagpasalamat kay Kuya. Naglakad-lakad kami nang biglang natulala si Kuya. "Bakit?" tanong ko. "Wala.. kasi, tignan mo yung babaeng iyon.." sabi niya, and pointed a girl, nag-su-sun bathing. "Bakit.. teka, parang familiar siya ah.." "Maganda siya diba?" sabi ni Kuya. "Uyy, huwag mong sabihing love at first sight na yan?" "H-hindi.. wala, parang pakiramdam ko lang, nakita ko na siya.." "Ganun?" I asked. Nakatulala pa rin siya. "Alam ko na.. nakita ko siya sa school dati.. same year mo ata siya eh.." Tinitigan ko nang mabuti. Hanggang sa.. "Ahh.. oo. Si Shecainah yan." "Shecainah.. ang ganda ng pangalan ah." "Pero, maarte nga yan eh." sabi ko. Oo nga, pero type ko rin kasi si Shecainah eh. "Talaga.. sa tingin ko mabait siyang tao. Kasi, naalala ko, na-bully ako noon.. may nagdikit ng papel sa likuran ko, sabi sa papel baduy daw ako.." sabi ni Kuya. "Pero, yang babaeng iyan, pumunta siya sa akin at tinanggal ang papel na yun, at tinapon sa basurahan.." "Baka naman naawa sa iyo." "Oo nga. Pero.. sana naman makapag-thank you ako.. Ahh alam ko na.." Umalis si Kuya at bumalik doon kay Mama. Nagdala kasi ng mga bulaklak si Mama, at humingi si Kuya nang Blue Daisies. Paboritong bulaklak niya. Bumalik siya, at inilagay doon sa picnic table. Tapos, tumakbo agad. "Astig ka talaga Kuya ah." Ngumiti lang si Kuya. "Pero.. teka, so.. crush mo siya?" "Hindi ko alam.." "Hmm. Kasi Kuya.. ano kasi.." "Ano?" "Crush ko kasi si Shecainah eh." "T-talaga?" "Oo.. pero kung magiging crush mo rin siya, okay lang yun, basta huwag lang love ah." "Haha." tumawa si Kuya. [b]End of Flashback.[/b] Sa tingin ko.. hindi talaga tumalab ang charm ko kay Shecainah.. Hay, ganun talaga eh.. Pero, sinabi na kaya ni Kuya yung tungkol sa kanya kay Shecainah?

Pages: 1234

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 02:14

[ 12 queries - 0.012 second ]
Privacy Policy