Pages: 123455

  2010-04-17 02:24:34

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

Re: [align=center][b]Special Three Words[/b] by oniongurl[/align] [align=center] [b]Started:[/b] 04 // 15 // 10 [b] Ended:[/b] ???[/align] [align=center][img]http://i40.tinypic.com/ab5zea.png[/img]

[align=center][b]Chapter 001[/b][/align] "Sabi ko naman kasi sa iyo.. ayoko ngang magsuot ng ganito.." "Ano ka ba, eh bagay nga sa iyo yang tuxedo ni Kuya eh. Same size pala kayo." sabi ni Reese. Tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa, at kinurot yung pisngi ko. "Aray! Ang sakit nun ah!" "Ang cute mo kasi eh! Dati nung mga bata palang tayo, naalala ko, ang chubby chubby mo." "T-teka.. chubby ba talaga ako noon?" "Oo kaya. Naalala ko pa nga, laging tumutulo yung sipon mo.. kadiri nga eh!" "Huy. Sinungaling ka. Hindi ako yun." "Ahaha. Joke lang noh." Tapos, dumating si Tita Amy, yung nanay ni Reese, may dalang camera. "Pose muna kayo anak, para may souvenir." "Sige ma!" Nilagay niya yung kamay niya sa braso ko. Tapos nag-peace sign. "Say cheese!" [hr] "Wow, ang ganda talaga dito noh?" sabi ni Reese. "Oo na. Oo na." "Halika na, papakilala kita doon sa Best Friend ko." "A-ano?" Nandito na kami sa venue. Isa itong lumang hotel, siguro ginawa nung 1960's. Pero maayus-ayos pa rin. Tumitig ako kay Reese at napansin kong.. ang laki nang pinagbago niya. Naka-gown siya, kulay puti, at naka-high heels. She look.. beautiful, indeed. Pinaupo ako ni Reese sa may upuan dahil hahanapin niya daw yung best friend niya. Tumingin-tingin ako sa paligid at.. hah, boring. Ang panget talaga kapag uma-attend ka ng mga ganitong okasyon. "Jared!" Narinig ko yung boses ni Reese, at napatalon ako sa may upuan ko. Paano ba naman kasi, ang lakas-lakas ng boses. "B-bakit ba? At saka–" I trailed off dahil napatitig ako sa babaeng kasama niya. "Jared, meet Sandy. My best friend." "H-hello.." sabi niya, in her sweet yet gentle voice. Nakasuot siya ng pink na mahabang gown, may kumikinang-kinang, at naka-high heels. Mahaba ang buhok, at nakaayos ito, meron pang hairpin. She is.. stunning. "H-hello.." I greeted back. "Sige Sandy, kuha lang ako ng pagkain ah, tutal gutom na rin naman ako. Wait kayo diyan." sabi ni Reese, at umupo naman yung Sandy doon sa harapan ko. "Makikiupo.. lang ah." she said. Nahihiya siya, halata naman eh. "Ah.. sige." Nagkatitigan kaming dalawa for 5 seconds, at yun, she blushed, and looked away. I did too. "Ikaw pala.. si Jared. Lagi kang kinukwento ni Reese sa akin eh.." "Talaga?" "Oo naman.. sabi niya, mabait ka daw." she said, and then she looked around. Parang ayaw niya atang maiwan lang dito kasama ako. "Ninenerbyos ka ba?" tanong ko. "Ahh.. oo.. pag-pasensyahan mo na ako ah.. Ganito lang ako kapag may nakakausap akong lalaki." "Ah. Sige." Maya-maya, bumalik na si Reese dala yung pagkain. May mga ibang tao na rin na pumunta sa table namin, at pinakilala ako ni Reese sa kanila. Napansin ko, na nawala na pala si Sandy. Tatakas na nga rin ako. Pumunta ako sa labas ng hotel, doon sa may likuran. May mga puno dito, at walang bantay. Kumuha ako ng box ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon ko. Wala, nagdala lang ako. Nagsindi at tapos, tumingin sa may langit. Ang daming bituin. Nang biglang, may narinig akong boses. "Aray ko! Nakakainis naman kasi eh! Bakit pa ba kasi kaylangan ng ganito.. Aray!" Nagulat ako. Ang ingay nun ah. At, pinuntahan ko kung saan nangagaling yung boses. Ayun pala, si Sandy iyon, naka-paa na. "S-sandy?" "Ahh.. ahh.. a-ano kasi.." Tapos, napansin niya yung hawak kong sigarilyo. She went in front of me, and kinuha iyon, tapos itinapon at pinalo gamit yung high heels niya. "B-bakit mo ginawa iyon?!" "Ayoko kasing ng sigarilyo. Sorry." "Pero.. masyado ka namang pakialamera." "Eh paki mo ba." She is different now, para bang.. hindi na siya masyadong nahihiya. "G-ganun.." "Hay.. hindi ko alam pero.. ang weird ko talaga.." "H-ha?" "Wala." Nandoon lang kami sa labas, hanggang sa nag-decide na akong pumasok. "T-teka!" she called. "Bakit?" "S-samahan mo naman ako dito. Ayoko na kasing pumasok sa loob eh.. paano ba naman kasi, nakakairita 'tong heels na ito." "Ahh.. s-sige." Nakita kong sugatan na yung paanan niya. She almost cried dahil sa sakit. "Dapat hindi ka na lang nag-takong." "Napilitan nga lang ako.." "Hmm.." I took off my shoes, and inabot sa kanya. "A-ano ito?" she asked. "Edi sapatos, bulag ka ba?" "I know. But.. para saan?" "Idiot. Wear it, of course." Nakatitig lang siya sa akin, pero kinuha niya yung sapatos. She whispered Thank you. Tapos, niyakap niya sarili niya. Nilalamig ata. I took off my tuxedo, meron naman akong shirt sa loob eh. "Ohh.." Inabot ko ulit sa kanya. "Ahhh?" she stared at me again. "Suotin mo na lang. "Pero, sobra naman ata iyan.." "Okay lang. Ang init kasi eh." "Ang lamig kaya.." "Kapag hindi mo pa ito tinanggap, hahagis ko na ito sa mukha mo, sige ka." "Oo na po.." she took it, and she chuckled. I stared at her. This girl.. kanina lang kami nagkakilala, pero para bang matagal ko na siyang kilala.

Pages: 123455

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 22:43

[ 12 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy