Pages: 123455

  2010-04-18 03:33:50

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

Re: [align=center][b]Special Three Words[/b] by oniongurl[/align] [align=center] [b]Started:[/b] 04 // 15 // 10 [b] Ended:[/b] ???[/align] [align=center][img]http://i40.tinypic.com/ab5zea.png[/img]

[align=center][b]Chapter 002[/b][/align] "Mwnh.." "Gumising ka na dyan, 'tol, kung hindi lagot ka kay Reese." "Hmm.. sino ka ba?" "Ano ka ba, ako 'to, Kuya Jopo mo. Gumising ka nga diyan, Jared!" "Ano ba.. five minutes muna.." Tapos, biglang.. may tumama sa ulo ko. Ang sakit. Napaupo ako doon ah. "Gag–" Ayy, si Kuya pala. Sinuntok ba naman ako sa uluhan ko. "Bakit ka kasi nanununtok?" "Ayaw mo kasing gumising. Kasi, anong oras na tulog ka pa. Nasa labas si Reese, hinahanap ka." "Eh ano naman? Natutulog pa ako, napuyat ako kagabi nuh." "Hay.. gumising ka na dyan, Jared. Kasi, kung hindi, si Reese na mismo ang aakyat dito. Hindi mo ba alam na Black Belt siya sa Karate?" "B-black Belt?" "Oo. Natuto siya two years ago for self-defense. Sige ka, lagot ka doon." "Tatayo na nga eh." Naligo na ako at nag-ayos. Kahit hindi pa nga kumakain eh. Nakakabagot naman. Ngayon ko lang napansin, ala-una na pala ako nagising. Hay.. nakakapagod naman kasi kagabi eh. At, nakilala ko pa nga yung weirdong babaeng yun. [hr] "Bakit ka ba pumunta dito?" Reese asked. Nandito kami sa restaurant, kumakain. Treat ni Reese, kasi wala.. wala kasi akong pera eh. "Kasi.. na-kick out ako sa school.. Buti nga pinayagan pa ako ni Papa na dito muna ako." "Hmm.. Papa mo? Ah, yung salbahe." sabi niya. Nung 10 years old pa lang ako, pumunta kami dito nila Papa para bisitahin si Mama, at.. wala lang, sa tingin kasi ni Reese salbahe daw si Papa. "Hmm.. oo nga pala, ang weird naman ng best friend mo." "Ahh.. si Sandy? Ahaha, ganun lang talaga iyon. Hindi kasi siya komportable pagdating sa mga lalaki eh." "Bakit naman?" "Kasi, yung Mama niya at Papa niya nagkahiwalay nung bata pa siya. Napaisip si Sandy nun kung bakit kaya ganun ang mga relationships, sa una lang masaya pero sa huli, wala na rin. Kaya.. na-trauma siguro si Sandy. Takot siyang ma-in love, kumbaga. Kaya ayaw niyang makipagsalimuha sa mga lalaki." "Ah." "Hmm, bakit, gusto mo ba si Sandy, ha, Jared?" "H-hindi.. kakakilala lang namin kagabi.." "Ahaha. Buti naman. Akala ko gusto mo na siya eh." "Eh kung gusto nga siya, ano naman sa iyo?" Hindi na siya nakapagsalita. Nahiya ata. Tapos, tumayo at pumunta ng CR. Si Sandy.. ayaw niyang ma-in love? [hr] "Kapag pumunta ka sa may banda doon, makikita mo ang St. Paul's Cathedral. Tapos malapit-lapit yung Bell Tower doon sa may South. At, kapag Fiesta dito, sobrang saya, grabe. Sayang, nung January 25 nagka-fiesta dito, sayang, 'di mo naabutan. Saya pa naman nun. Pag Holy Week na lang, may fiesta ulit." "Wala akong naitindihan sa sinabi mo. Ang daldal mo kasi eh." "Hmph. Ikaw na nga yung binigyan ng magandang tour guide, ikaw pa ang magrereklamo." "Ano?" "Haha. Ikaw naman, minsan na nga lang mag-compliment sa sarili eh." "Haha. Nakakatawa." I said sarcastically. "Hay, basta. Hmm, so.. next school year sa school ka namin?" "Ah.. oo." "At.. mag-classmates tayo?" "Oo." "Ahh. Uhm, kapag prom na ulit.. ah.. pwedeng partner kita?" "Partner..?" "Oo. Sa prom." "Ang aga mo naman mag-invite." "Okay na yun, advance noh." "Hmm.. bahala ka." "Edi.. edi, okay lang?" "Siguro.." "Yay! Thank you talaga." "Okay lang." Hmm.. kahit na sinabi kong okay lang kung partner niya ako next year, sa totoo lang.. may ibang taong gusto kong maging partner. Ewan ko ba, tinamaan talaga ako siguro nung babaeng iyon.

Pages: 123455

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 23:04

[ 12 queries - 0.020 second ]
Privacy Policy