Pages: 12345

  2010-04-25 04:00:14

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

Re: [align=center][b]Special Three Words[/b] by oniongurl[/align] [align=center] [b]Started:[/b] 04 // 15 // 10 [b] Ended:[/b] ???[/align] [align=center][img]http://i40.tinypic.com/ab5zea.png[/img]

Thanks po sa mga comments niyo >w< [hr] [align=center][b]Chapter 004[/b][/align] May.. gustong iba si Sandy? "Pero, paano mangyayari iyon eh kakasabi mo lang na ayaw niya nga sa lalaki." "Oo nga, pero may exception. Si Mike, childhood friend ni Sandy." "Childhood friend?" "Oo. Kung ayaw mo maniwala, edi pumunta ka sa school namin sa Wednesday. Foundation day namin, hanggang Friday ang celebration. Pwede ka doon, kasi pwede ang guests. Siguradong makikita mo silang dalawa." "Tsk. Pakialam ko ba?" "Hmm. At saka, kaya rin kita ini-invite, para.. wala lang." "Sige na nga." Napaisip ako. Wala rin naman akong nagagawa sa bahay, eh. "Okay. Bye bye, Jared." At pumasok na si Reese sa bahay nila. Wednesday, let's see, huh. [hr] [b]Wednesday, 7:44 AM[/b] "Bilisan mo naman, Jared! Mala-late na ako!" sigaw ni Reese. "Sandali lang, eto na. Ang kulit mong babae ka, tadyakan kaya kita." Nasa kwarto pa ako, medyo, alam niyo na, nagpapapogi. Pogi points para kay Sandy. Ayy, ewan ko, basta. Excited ako na kinakabahan. "Tapos na ko!" "Ay sa wakas." sabi niya. Lumabas ako ng kwarto, at ayun, napatitig lang si Reese. "Huwag mo nga akong titigan, nakakairita eh." Tapos nun, nabalik na siya sa sarili niya. "Sorry. Kasi naman.. masyadong formal ang suot mo." "Bakit? Hindi ba ito pwede? Sige, pajama na lang ang susuotin ko ah, Wait lang." "Hindi! Basta, basta! Kasi, ang cute mo diyan sa suot mo." she looked away. Napangiti ako. "O sige, 'lika na. Malate pa nga tayo." sabi ko lang. Tumango siya. [hr] "Welcome to our School," she stated. Tumingin-tingin lang ako. Makaluma na rin, pero maayos-ayos pa. May kalakihan, at puno ng tao dito. Medyo maingay. "Okay ah." sabi ko lang. "Sige, halika, doon tayo sa classroom namin. At saka, ako na ulit ang tour guide mo." "Whatever." Pumasok na kami sa loob at maraming bisita. Iba't-ibang paaralan sila. Maraming booths, at kanya-kanyang classroom may kung anong kabaliwan. Pumasok kami sa classroom nila Reese, at ang ginagawa pala nila ay, isang Cafe. Corny ah. "Ang corny naman ng concept niyo.." "Uyy! Ano ka ba, ako kaya ang nag-suggest niyan." "Kaya pala." Tumawa ako at Reese glared. "Hmph." Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin na wala pala si Sandy dito. "Nasaan si Sandy?" tanong ko. "Ahh, meron kasi siyang performance mamaya, kasali siya sa Choir Club eh. Kung gusto mo siyang makita, dadalhin kita sa kanya." "Sige, sige." Dinala ako ni Reese doon sa may auditorium nila, at naghahanda na yung mga mag-pe-perform. Wala, nanood na lang kami ni Reese. Umupo kaming dalawa sa may unahan at nagsimula na. "Una muna ang Orchestra, susunod ang Light Music then Choir. Hindi pala ganun katagal ang hihintayin natin." Reese informed. Tahimik lang ako. Natapos yung dalawang clubs at Choir naman. Si Sandy ang nasa unahan, siya ata ang leader. Ngumiti ako. At, parang napansin niya ata ako, and she waved. At nag-umpisa na sila. Ganun pa rin, magaling siyang kumanta. Natahimik ang lahat sa boses niya, at.. basta. Sobrang ganda. Nang matapos siya, we all clapped, and nag-cheer yung iba. "Ang galing niya no?" sabi ni Reese. "Oo ng—" I trailed off. Umiiyak si Reese. "Bakit?" "Ah.. w-wala 'to." sabi niya, tapos pinunas-punasan yung mata. Bakit kaya umiiyak si Reese? [hr] "Best friend Sandy! Ang galing-galing mo talaga!" Reese exclaimed. Ang ingay talaga. "Thank you." Sandy replied. "Ahh, Sandy, ang galing mo." sabi ko naman. Medyo nahihiya. "Thank you, Jared." she smiled. I looked away. "Okay lang yun." Tumingin si Sandy sa may likuran at nugmiti. Nang lumingon ako, isang matangkad na lalaki ang sumalubong. "Ang galing mo talaga, Sandy." he said, smiling. Ngi-ngiti pa ha, sino ba 'to? "Thank you." Tapos, binigyan ng bulalak si Sandy nung lalaki. "Ahh, oo nga pala." Humarap siya sa akin. "Jared, ito si Mike." "Ah.. Jared." I offered my hand para mag-handshake. "Mike." Mike.. siya ba yung tinutukoy ni Reese? Tumingin ako kay Reese, and she nodded. Alam niya na ata kung anong sasabihin ko. So.. this guy. Close sila ni Sandy. [quote]Sorry kung panget yung update. Sa next, aayusin ko na. Sorry ulit. :facepalm:[/quote]

Pages: 12345

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 15:34

[ 12 queries - 0.019 second ]
Privacy Policy