Pages: 112345

  2010-05-02 04:53:35

oniongurl
» FTalkAgent
FTalk Level: zero
2236
0
1969-12-31

Re: [align=center][b]Special Three Words[/b] by oniongurl[/align] [align=center] [b]Started:[/b] 04 // 15 // 10 [b] Ended:[/b] ???[/align] [align=center][img]http://i40.tinypic.com/ab5zea.png[/img]

[align=center][b]Chapter 005.2[/b][/align] Wtf. This is getting so humiliating. "Ayaw mo talagang sumubo? Sige bahala ka, uubusin ko na 'to." sabi ni Sandy. "Okay lang, hindi ako mahilig sa mga ganyan." Sumubo siya ng apple candy. "Masarap kaya 'to." sabi niya habang nasa bibig niya yung candy. "Tsk." Naglibot-libot kami. Umalis muna sila Reese at Mike, dahil na rin sa.. may gagawin daw silang mahalagang bagay. Kaya kaming dalawa lang ni Sandy dito. "Halika, may pupuntahan tayo." sabi niya. "Huh? Saan naman?" "Basta. Halika na." Ganun na nga ang nangyari, hinila niya ako papunta sa ewan kong lugar. Nilagpasan namin yung mga classrooms, hanggang sa.. Dang, the Music Room. "Ito ang Music Room namin. Ang ganda, noh?" "Tsk, halata namang Music Room 'to eh. Alam mo namang Home Economics Room? May Piano?" "Haha. Sarcastic mo ah." she chuckled. I stared at her, at umubo. "Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko. Tumango lang siya at hinila na naman ako. Papunta doon sa Piano. "Huwag mong sabihing tumutugtog ka ng Piano?" Kasi naman, magaling na nga siyang kumanta, at para tumugtog ng Piano? Masyado na siyang Perpekto nun. "Oo naman." "Pero, paano ka tutugtog kung isa lang ang kamay na pwede mong gamitin?" "Edi tutulungan mo ako." she sticked her tongue out. Huminga siya ng malalim, tapos tumugtog sa isang kamay. Napapikit ang mga mata, tapos bigla ring dumilat. "Ui! Tulungan mo nga ako, noh?" "Ah. Pero hindi ako marunong niyan." "Okay lang yan. Basta, sundan mo lang 'tong piyesa." Tapos nagulat ako, kelan pa nagka-piyesa diyan sa harap ng Piano?! "Siguro naman marunong ka magbasa niyan?" "Oo naman. Ako pa." "Ows. Yabang." Tapos tumugtog siya, sumunod na lang ako. [b]Canon in D Major[/b] pala 'to. Pagkatapos nun, natawa lang siya, at tumingin sa may bintana doon malapit sa Piano. At sinabing, "Halike na Jared." Naglaro-laro kami ni Sandy sa iba't-ibang booths. Nakakuha kami ng prizes. Kumain pa, at nagsaya. Hanggang sa, patapos na pala ang araw ng School Fest ngayon. "Whew." sabi niya, at pagod na pagod. "Kaya nga." Tapos, dumukot ako ng sigarilyo sa may bulsa ko. Nandito kami sa may likuran ng school, kaya walang tao dito. Sinindihan ko yun, at nang makaagap na, nakita kong nakatitig si Sandy sa akin. "Diba sabi ko sa iyo huwag kang manigarilyo?" "Pakealam mo ba?" "Meron akong pakialam. Kasi school namin 'to, at kapag hindi mo pa yan tinapon, susuntukin na kita." sabi niya, at nilabas pa yung maliit niyang kamay. Natawa ako. "Oh~" at tinapon na yung sigarilyo. "Natapon na." Nagulat siya at hinila niya ako palapit sa kanya, tapos tinapakan yung sigarilyo. "Whew. Buti na la—" she trailed off. Were inches away. Hanggang sa, lumayo siya nang kaunti. "Sorry. Kasi naman ikaw eh, hindi mo naman pinatay." "Ako pa ang may kasalanan ha?" "Oo! Ikaw! Hay, halika na, tapos na ang School Fest para sa araw na ito. Pwede na siguro ito patanggal sa Student Council." sabi niya, sabay turo sa handcuff. "Ah. Oo." Pumunta kami papunta doon sa Student Council at tinanggal na iyon. Ito na pala.. hay. "Sige, bye na lang Jared ha?" "Sige, bye." naalala ko si Reese. Siguro nakauwi na siya. Hay, ang saya ng araw ngayon.

Pages: 112345

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 09:15

[ 12 queries - 0.011 second ]
Privacy Policy