[b][size=3]FOUR[/size][/b]
[i]Keenah[/i]
“Ang yabang talaga niya, Aggie. Trust me, I’m not even exaggerating.” Kwento ko habang kumakain kami ng dinner nung gabi. Grabe, nakakastress talaga siya. Buong araw akong parang yaya. Wala naman kasi akong magawa. Baka isumbong niya pa ‘ko ky ma’am at mapagalitan pa ‘ko or what.
“Sus. Baka type ka lang nun.” Asar naman niya.
WHUUUT?
“Type ka jan. Kung nakita mo lang kung pano niya ‘ko kawawain. Grabe talaga. It felt like buong buhay na niya akong Cinicinderella kahit kanina pa lang kami unang nagkita..

”
“You know, sis, a usual sign when a boy likes you is when he teases you.” Then she gave me this knowing look.
I gave her this look in return >>

“Whatever.. Mga kalokohan mo no?” I just rolled my eyes at her.
The thought of Cale liking me is just too absurd to think about.
[align=center]
[u] [/u][/align]
[b]The next day..[/b]
“Hey TG.” Someone said kapasok na kapasok ko palang ng gate.
Ugh. Si kulangot. Kamalasmalasan ko nga naman at nakasabay ko pa siya.
“Ang aga aga naninira ka na ng araw. Di ka pa ba nakuntento sa kahapon?” I asked.
He laughed.
“O anong nakakatawa?” nakakainis. Pinagtitripan nalang ata ako nito e.
“Wala. Ikaw kasi.. Tara na nga.” Tapos naglakad na siya.
Whatever. Inirapan ko siya at naglakad narin.
[align=center]
[u] [/u][/align]
[b]Saturday..[/b]
“Haaaaaaay. Ang sarap gumising ng walang bwisit sa umaga.

” I said happily habang nag-uunat.
The whole first week kasi was like the same day repeating itself over and over and oooover again. Kinulit ako ng kinulit ni Cale.
Sana by Monday mejo mag-loosen up na siya’t makahanap na siya ng ibang ppestehin..
I grabbed my phone to check for any messages.
Whew. I have a lot. Pero skinip ko na ung mga gm.
O, nagtext pala si Jem.
[quote][b]from: Jem[/b]
Keen,lakad natin maya a?don’t be late!

[/quote]
Oo nga pala. May pupuntahan kaming party later. Birthday ata ng isang friend ni Marqui..
[quote][b]to: Jem[/b]
Yeah sure. I haven’t forgotten.

sige, see you.[/quote]
O siya, I’d better go down and eat breakfast na.
[align=center]
[u] [/u][/align]
“Sige. Ingat.” Aggie said while I kissed her goodbye sa cheek.
I went sa labas ng subdivision namin para maghintay ng jeep. I’m on my way to the house of Marqui’s friend na. It’s already 4:30 and the party starts at 5pm. Sana di ako malate.

[i]*drip drop drip drop*[/i]
Putek! Umulan pa!
Wala akong payong na dalaaaaaaa.

I ran toward the little sheltered part ng sidewalk. Kaso too late, basa na ‘ko.

When I sat down and was wiping away the water beads on my arm, someone sat beside me and said, “Ba’t naman kasi wala ka dalang payong no?”
I looked up.
Cale was smirking at me.
But this time, parang more gentle than taunting ang dating.
“Di ko naman po kasi napredict na uulan.” I reasoned.
He chuckled and shook his head.
“O eto o.” Tapos he handed me an umbrella.
“Ano gagawin ko jan?” I asked while I eyed the thing.
Inirapan naman niya ‘ko.
“Malamang ipapangshield mo sa ulan.”
“Shield shield ka jan.” I said. “Thank you nalang. Patigil narin naman ung ulan o.” I motioned to the road. It was true. Ambon nalang siya ngayon..
Then he grinned widely. “I was hoping you’d say that.”
“Huh?”
Then he suddenly yanked me through the rain and straight into a car.
I didn’t even have time to react kasi I was so shocked.
“San ka ba pupunta? Hatid na kita. Tutal ayaw mong tanggapin payong ko.” He said nung nakaupo na kami.
“Anooooooooo?” I asked, bewildered.
“Sabi ko, saan ka pupunta?”
I just stared at him. Abnormal talaga e.
“Ok ka lang?” I couldn’t help but ask him this.
“Ang kulit e. Uupakan na kita. Now for the last time, saan ka ba pupunta?” he said impatiently.
I laughed. Siya pa nagagalit ngayon?
“Ba’t ko naman sasabihin sayo? Pababain mo na nga ako.” I demanded.
“Ihahatid ka nga e. Bingi ka ba? Hello!”
“Ayoko. Wag mo na ako ihatid. Just please let me out. I can manage, thank you very much.”
He looked angry. And then opened his mouth to say something, but closed it again. Then he closed his eyes at nagbuntong hininga.
“Keenah, I am losing patience. Sagutin mo na kasi. Di naman ganun kahirap yun.” He said slowly, still with his eyes closed.
“E AYOKO NGANG MAGPAHATID EEEEEEE!!!” I yelled at him.
He opened his eyes and said angrily, “Fine, have it your way then!”
Then he turned to the driver infront. “Manong, tara na dun sa home.” He ordered.
The driver nodded.
Tapos yun, umandar na ung car.
Home?
!!!!
“T-teka, san mo ‘ko d-dadalhin?! May pupuntahan pa ako, h-hoy!” I said.
“E ayaw mong sabihin kung san kita hahatid, kaya ikaw nalang sasama sakin sa pupuntahan ko.”
I stared at him, my mouth was open.
[b]“Yan kasi. Matuto kang sumagot kapag tinatanong ka.” He said, then he flashed me that smirk of his I was reeeaally starting to hate.[/b]