Pages: 1

  2010-05-29 09:42:49

gErLaLuZz
» n00b
FTalk Level: zero
22
0
1969-12-31

[quote=chinkitz;#3495370;1269510932]Re: Am I Dreaming ? ♥♥ 00 && 01.ai BONGGA! babaan daw ba? haha. TSk. bitin! update na agad. ) HAHA.[/quote] > ito na po update, sorry kung late po. :)

[align=center][spoiler]Chapter 04[/spoiler][/align] Paglingon ko sa likod, andun yung bahay na black yung roof and white yung others. “OMG, ASH! How in the earth did you do that?” “E kung di ka ba naman kasi talaga stupid eh, meron kayang laptop ditto for customizing your house.” Tapos tinignan ko yung katabi nya, oo nga meron ngang laptop. Adik naman kasi ako eh di ako nakikinig kay FK(Fairy Kelly) kanina eh. Tsk tsk tsk. “Ilan namang kwarto yung gusto mo including yung living room and the others?” “Tatlong kwarto, tatlong CR, isang living room, malamang may terrace sa labas at isang kitchen at dining room pero magkasama na yung kitchen at dining room malamang.” “Ikaw talagang babae ka, di ka talaga nakikinig kay Sexy Kelly kanina eh. Sinabi na kaya nya kanina na walang kitchen and dining room kasi sabay-sabay nang kakain at tatawagin na lang diba? Well, siguro maganda na rin naman sigurong may kitchen at dining room para pag sakaling nagutom tayo. . . Hmmm.” Tapos humarap ulit sya sa laptop. May common sense din naman pala ito eh, nakinig naman ako kanina dun sa kitchen thing pero gusto ko pa rin para mukha namang normal na bahay right? Nag-discuss pa kami about dun sa format ng bahay at ganito ang kinalabasan ng format ng loob ng bahay: [spoiler][img]http://i48.tinypic.com/2dce2i0.jpg[/img][/spoiler] Kung nagtataka kayo kung bakit maliit yung kwarto nya, tanungin nyo sya. Joke. Ayaw nya daw kasi ng malaking kwarto kasi konti lang din naman yung gamit nya and chever. Kaya naman may guest room kasi malay mo merong makitulog right? Mabuti nang handa diba? Kaya ayun, sabi nya wag na daw magterrace kasi parang wala lang naman daw yun. Yung open spaces naman yan yung pinto. Ang galling nga eh, yung laptop andun na din yung desired furnitures and everything na pwedeng ilagay dun sa loob ng bahay, pati yung appliances. Sabi di na naman daw kailangan ng place kung saan maglalaba kasi meron naman daw laundry shop dun palabhan na lang daw for FREE. Galing diba? Yung color ng room ko ay all green. As in green lang lahat well meron namang ibang kulay pero parang konting konti lang talaga Yung hindi mo mapapansin kasi nga lahat color green well, except for the ceiling and the lights. Yun lang. Natapos kami ng 3 hours. Kulang pa nga kami ng 1 hour kasi 4 hours daw yung nakalaan na time para dun sa bahay eh. Bumalik na lang kami dun sa … err … what do you call that? Oh right, I don’t know what you call it. Basta meron syang stage at sa baba ng stage, may mga chairs na parang sa sinehan. Medyo marami na rin ngang tao eh. Naghanap na kami ng mauupuan naming sa pinakaharap kasi malaki naman yung place at merong nakalagay na pangalan sa likod ng chairs kaya makikita mo naman agad. Tahimik lang kami for one whole hour. “Good day campers! Ngayon ay nakagawa na kayo ng inyong bahay, doon kayo titira for one whole year.” Did I heard it right? ONE WHOLE YEAR? Maraming nagreact pero pinatahimik na lang din silang lahat. “Magsitahimik nga kayo! Di pa ako tapos eh nagrereact naman kayo agad! Tsk. Sa WC, ang one month ay 6 months na so since sa normal world ay 2 months lang kayong mawawala ay 1 year na yun dito sa WC. Magcecelebrate naman kayo ng inyong mga birthday dito pero pagdating nyo sa real world ang edad nyo ay ang edad nyo pagpunta nyo dito since wala namang magdiriwang ng inyong mga kaarawan sa 2 buwan na iyon. Sa mga damit nyo naman na required isuot dito, siguro ay nagtataka kayo kung bakit ganun yun. Ito ang nagsasabi kung saan kayong grupo nabibilang ayon sa inyong mga magulang. Ang inyong mga magulang ay napunta na din dito. Bawat generation nyo ay talagang mapupunta kayo. Kunyari lang hindi nila alam yun. As for your buddies, pwede sila ang maging soulmate nyo BUT hindi lagi nangyayari yun hindi kayo ma-iinlove sa kanila kasi sa iba titibok ang inyong puso bihira lang maging soulmate ang kanilang mga buddies. Malaki naman itong WC merong mga shops, restaurants, malls and everything na pwedeng makita sa city. Except sa hotel, motel and bars. We have our First and Second Queen and First and Second King. Tama ang inyong narinig, dalawa ang hari at reyna natin dito sa WC. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam. Sila lang ang nakakaalam at wag niyo nang alamin sapagkat sila lang ang nakakaalam niyon.” Diniscuss pa ni FK yung iba pang rules and regulations at time kung what time kakain at yung iba pang gagawin. Merong mga activities pero half day lang kaya mahaba ang free time. Everyday magkakaiba ang schedule pero mauulit yung the next week para mareview. This whole week, mag-explore lang daw kami dito sa buong WC para maging familiar pero ganun pa din yung time ng pagkain. Pwede naman daw maging friends sa iba hindi naman daw bawal pero dapat yung isusuot naming ay yung dapat isuot, bawal daw yung normal clothes lang. Well, pwede naman daw isuot yun pero thrice a week lang para fair naman daw. At para hindi naman nakakasawa at nakakairita tignan. Thirty minutes lang sya natapos kaya nung natapos sya, lunch na! Nung nandun kami sa dining hall, ang laki pala. Sensya naman. Well yung chairs ulit ng table ay may names kaya malalaman mo kung saan ka uupo. Bawat table, merong nakatabi na waiter na may hawak na menu nakalagay sa harap ng menu ay: “Menu for the Day”. Hinanap namin ni Ash yung name naming pero wala sa loob, meron pang table dun sa llabas kaya tinignan na lang din namin and andun nga. Iba yung table na yun dun sa mga nasa loob. Galing nga eh. Bigla kami may narinig ni Ash na nagsalita. “Before we start ordering our foods, waiters please check the attendance kung saan kayo naka-assign. Tapos kapag complete na, pwede nyo nang hingiin ang orders nila. Para sure natin kung ang lahat ay nakakain na.” Chineck nga nung waiter sa table namin yung attendance pero may kulang, 2 sila. Naghintay kami ng 1 minute lang naman bago sila dumating. “Hey, sorry we’re late.” Sabi nung girl. Maganda naman sya, pero mas maganda ako sa kanya. Well, sa paningin ko lang naman. “Anong---“ Di ko na natuloy. Si Ash kasi eh, tinakpan yung bibig ko. Hmpft. Siguro playboy to, tingin pa lang sa babae naku. “NO, it’s okay. 1 minute lang naman eh.” Anong okay? Ang sarap sampalin ng babae na to eh! 1 minute din yun! Di nyo ba alam na ang motto ko sa buhay ay : “Do your best and God will do the rest”? Alam ko nasa isip nyo na wala namang konek yun! Bakit, sinabi ko ba na yun lang motto ko? Kasama na rin syempre dun ang TIME IS GOLD! Kaya nga pag gumagala kami, ako lagi nasa unahan eh kasi ayoko nasasayang yung oras sa style ng paglakad na naglalakad sa buwan! “Have a seat.” Naku talaga itong Ash na ito eh maloko! Maglalandi na nga lang sa harap pa ng pagkain! Ay, wala pa nga palang pagkain. Pero kahit na halatang malandi eh. Hmpft. Umupo naman yung babae sa tabi ni Ash. Tingin nyo magtataka ako? Well no, kasi dun naman talaga nakalagay yung name nya eh. Tapos tumabi naman sa akin yung lalaki. Well gwapo sya. PERO mas gwapo pa din si Ger ko! Wala nang mas hihigit pa sa kagwapuhan ni GER. Tinignan ko sya ng masama. “Hello.” Sabay smile. Isubsob ko yang mukha mo sa sahig eh. “Hi.” Binigay naman ni Kuya Champ yung menu. Yup, ang pangalan ng waiter ay Champ. His whole name is: CHAMP O. RADO. Funny isn’t it? Kahit naman sya napapangitan sa pangalan nya eh kaya champ na lang daw. Nagsimula na kaming kumain. Katahinmikan ang bumabalot sa amin. Nang humangin ng malakas…. [align=center] __________________[/align] itutuloy ko pa po ba or hindi na?

Last edited by gErLaLuZz (2010-05-29 09:44:11)

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 06:37

[ 12 queries - 0.018 second ]
Privacy Policy