Pages: 1

  2010-06-04 11:13:36

gErLaLuZz
» n00b
FTalk Level: zero
22
0
1969-12-31

[quote=chinkitz;#3495370;1269510932]Re: Am I Dreaming ? ♥♥ 00 && 01.ai BONGGA! babaan daw ba? haha. TSk. bitin! update na agad. ) HAHA.[/quote] > ito na po update, sorry kung late po. :)

[align=center][spoiler]Chapter 05[/spoiler][/align] “WALANG HIYANG HANGIN YAN!” I shouted. Bastusin kasi, kitang may kumakain eh! Bigla iihip ng malakas! “Hoy Stef! Umayos ka nga, nasa harap ka ng pagkain eh! Sheree, pagpasensyahan mo na si Stef ha.” “Hoy Ash! Umayos ka nga rin! Hindi kita binigyan ng permiso para tawagin akong STEF! So SHUT.UP. Napakagirly masyado ng Stef! Call me by my Nickname.” “Eh, ano nga ba nickname mo?” Tanong naman ng guy na katabi ko. “Mr. Whoever You Are, Wala ka nang paki. Pero para hindi naman ako maging bastos sa iyo, just call me Ash.” Tapos uminom ako ng coke. “Oh-kay. So, you’re Ash. Well, I’m Ethan Stevenn. Just call me ES. Not letter E and S. Its pronounced as only the letter S.” “Sure. At Ikaw naman Ash, kumain ka na lang dyan.” Tumawa naman yung Sheree. “What’s funny?” Tapos tinaas ko yung kilay ko sa kanan sa kanya. “Well. He’s done.” Sabay tawa ulit. Nakitawa na lang Si ES sa kanila kahit na wala namang nakakatawa. Tinapos ko na yung kinakain ko at umalis na ako. “Hey, Ash. Wait lang. Saan ka naman pupunta?” Di ko nilingon, close ba kami? Ngayon nga lang kami nagkakilala eh. “Ano bang pakialam mo? Close ba tayo?” Sige lang Ash, diretso lang sa paglakad. Nakarating na ako dun sa entrance ng village. Buti na lang di na sumunod. “Hay salamat naman.” Kinapa ko yung bulsa ko para icheck kung may nagtext. Pero wala baka naiwan ko dun. Naku naman. Umikot ako para bumalik pero pagikot ko I froze. Why? ES’s face was only an inch away from mine. Tae naman. Kala ko di na sumunod eh. “May problema ba?” Walang hiya, ang bango ng hininga! Kumain ba talaga to? Pero parang may kakaiba, I can feel my heartbeat going crazy right now. Impossible eh si GER lang kaya ang nasa puso ko. “Ah, eh…WALA.” Tapos umatras ako, ang awkward naman kasi ng position namin kanina diba? Duh, my heart is taken na kaya! “Nahulog mo yata ito kanina.” Tapos may pinakita sya, cellphone? Akin yung CP! “Akin yan ah! Pano mo nakuha to? Magnanakaw ka siguro?! MAGNANAKAA---“ Aba, ang walang hiya tinakpan pa ang bibig ko. Eto na naman ang aking pusong walang hiya. “Di ako magnanakaw, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging ganon. Common sense naman Ash.” Then he let go of me. “Malay ko ba naman kasi diba? Common sense din naman ES. Tsaka kailan mo pa ako sinundan? Stalker ka noh?” Napakalaki mo talagang CHEVER Ash! “Uh…” Ayee, nagbblush pala mga lalaki noh? Ngayon ko lang narealize. Siguro nahihiya. “Kanina pa. Hehe.” Ay mas CHEVER sya Ash. AY, ako pala! “Bakit kanina parang wala?” “Eh…” Tumingin sya sa paa nya. “Whoa! Astig naman nyan!” Syempre common sense! NAKAKALUTANG SYA! “Yup. I didn’t know I can do it. So, ano nga problema kanina?” Ash, isip ng palusot. “Adik ka ba? Malamang ano ang gagawin pagkatapos kumain?” “Magsisipilyo ng ngipin?” “Good dog. Eh alam mo naman pala eh. Bakit ka pa nagtatanong?” “Wala lang. Maybe because we’re friends?” “Kailan p--- ARAY! WALANG HIYA NAMAN EH.” May tumama kasi sa ulo ko! BASTOS din eh. Tinignan ko kung ano yun. “SCROLL? Diba ages ago pa ito ginamit?” “Yeah. Why?” Binuksan ko yung scroll well actually dalawa yung nahulog eh. Yung isa para sa akin, yung isa para sa kanya. Ito yung nakasulat sa scroll: Dear Ms. Ash, Nais naming inyong malaman na ikaw ay kabilang sa grupo na Royal Blood Group. Bukas ng 10AM ay makikilala mo, kasama ang iba pang kasama sa RBG, ang mga hari at reyna ng WC. Isusuot nyo ang mga damit na ipinadala sa inyo. Mabuhay po kayo. BY: Management “WHAT?” Sabay naming nasabi ni ES. “Anong group ka?” Tanong ko sa kanya. “Uh..Royal Blood Group? Ikaw?” Nanlaki ang aking magagandang mga mata. “Parehas pala tayo. Badtrip naman eh. Malamang yung Ash na yun pati si Sheree RBG na din. Sana madami tayo ayoko kayang kayo lang ang makakasama ko dun.” Dumeretso na ako doon sa bahay namin at ganoon din sya, magkatapat lang pala an gaming bahay at ngayon ko lang yun narealize. Dumeretso agad ako doon sa kwarto para pumili ng damit na isusuot ko para bukas ng umaga. After 1 hour of searching, well ang daming gowns and chever ang nilagay ni Tito dito akala ko konti lang kasi nung tinignan ko, napili ko yung color green tapos pinaresan ko ng white na gloves at green sandals. Nag-isip ako ng hairstyle pero naisip ko, maglalagay na lang ako ng green headband. Okay lang naman tignan yun sa akin kasi may bangs naman ako eh. Kainis, pano kaya nya nagawa lumutang sa ere ng ganun? Ang daya naman, buti sya biniyayaan ng powers na ganun, eh ako kaya? Nilibot ko ang WC. Pumunta ako ng mall para mamili ng NORMAL CLOTHES. Buti naman merong ganoon dun sa WC kung hindi, baka wala pang isang linggo ay lalayas na ako dito. Ang laki ng mall nila doon, good thing nalibot ko naman within 4 hours and 30 minutes. Kung paano ko nalaman? Tinignan ko yung orasan, OMG! 6:30 na pala! 30 minutes na lang dinner na! Hmpft. Takbo agad ako doon sa exit eh ang layo pa naman 5 minutes na ang nasayang ko. Ang layo pa naman ng nilakad ko kanina! 15 minutes ako naglakad mula sa bahay tapos 10 minutes ang layo ng bahay sa canteen? Sige, ayos lang yan para saktong 7PM ako nandoon. Paglabas ko sa exit, dali-dali akong tumakbo kaso si Adik na Bato ay humarang sa daan kaya’t ako ay nadapa at nasugatan sa tuhod. Kainis naman kasi eh bakit ngayon ka pa humarang Adik na Bato! Lalo akong babagal nito eh. Pero that will not be the hindrance para kumain ako kaya hala sige, takbo pa din. Nararamdaman ko ang paglabas ng dugo sa aking tuhod nang huminto ako. Bakit? Kasi may humarang sa daan ko. “Ash, nadapa ka na tumatakbo ka pa din? Wag mo namang pahirapan sarili mo! Tignan mo yung sugat mo, malamang masakit yan. Halika nga sampa ka sa likod ko.” Kilala nyo ba kung sino? Ash or ES. If you guessed its Ash, well, you’re freaking WRONG. Because its ES. Ano kaya ang nakain ng lalaki na ito at sunod ng sunod sa akin?

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 06:29

[ 13 queries - 0.012 second ]
Privacy Policy