(L to R: Faith, Patrick, Chaw, Jep and Yhet.)
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. "STOP." - Pinatigil ko ang voice operated alarm clock. Simula ng mauso ang mga voice at biometric operated na gadgets, mas lalong napadali ang buhay ko. Tinawag ko ang aking robot na maid. Inutusan ko siyang ipagluto ako ng Carbonara. Bumangon ako nang biglang nag-alarm ang aking cellphone, Nokia N95236.12 V3.4, kabibili ko lang last week. "Sh*t." Napamura ako sa reminder na lumabas sa cellphone ko. Magkikita nga pala kami ngayon ng Team CC. 9am. Umuwi kasi from US sila Faith at Chaw.
8:30am na pala. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakakain sa sobrang pagmamadali. Nakakahiya tuloy sa maid ko. Sayang ang effort niya sa pagluluto ng Carbonara. Buti na lang robot siya. [b]Walang feelings ang gaga.
[/b]
Binuksan ko ang pintuan ng aking kotse gamit ang aking index finger. Yun din ang ginamit ko pang-ignite ng kotse ko. Astig talaga 'to, hindi ko na kelangan alalahanin ang susi. Biometric Automated Ignition kasi. Nung hindi pa 'to nauuso, madalas naiiwan ko sa loob ng kotse ang susi ko. Haha.
Anyway, nagsimula nang lumipad ang kotse ko papuntang Glorietta 10.
Pagdating ko doon, dumiretso ako sa Starbucks, at umorder ng Dark Chocolate Frapuccino sa robot na waitress. Umupo ako malapit sa may pinto. Habang nakaupo ako, nag-gala ang aking mata sa paligid ng mall. Andaming tao. Palibhasa Linggo ngayon. Tapos, may isang babaeng nakakuka ng atensyon ko, mukhang mayaman ang gaga. Napangiti ako. Namukhaan ko ang babae, si Yhet pala. Nakangiti rin. Mukhang namukhaan ako.[b] "Patrick? P*tangina! Kamusta na?"[/b] Bati niya sakin. Hindi pa rin siya nagbago. Masayahin pa rin. "Ayos lang ako, Ikaw?" Sagot ko. "Eto, kalalabas lang ng bago kong nobela last week." Naalala ko, author na nga pala si Yhet. Talaga namang mabenta ang mga libro ng tropa 'kong ito. Magaling kasi. Pero sabi niya, wala pa rin daw siyang asawa't anak.
Nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano. Nakwento ko na isa na akong ECE. May tatlo na akong anak, yung dalawa nag-cocollege pa sa Europe. Yung panganay ko naman, may asawa't anak na. Nasa US. Habang nagkwekwentuhan kami, bigla niya akong kinalabit, "Ui, si Chaw ba yon?". Pagtingin ko, may isang babaeng papalapit sa Starbucks, sexy, maputi. Tinitigan kong mabuti, Si Chaw nga ata. Nung makalapit siya samin, sabi niya: "Patpat?Yhet? I missed youuuu!!!". "CHAAAWWWW!"[b] Mejo napasigaw si Yhet sa tuwa. Ngumiti ako kay Chaw. Kauuwi lang niya from US.[/b] Umorder siya at umupo sa tabi ko. Nagkamustahan, at tinuloy namin ang aming kwentuhan. Isa nang accountant si Chaw sa bangko sa L.A.. Single pa rin at wala pang anak.
[b]"HOY!" Biglang singit ng isang matandang lalaki. Napasarap ata ang kwentuhan namin, hindi namin siya nakitang lumapit. Si Jep pala. Mejo may wrinkles na. "Shet Jep, wala ka pa ring pinagbago. Ikaw pa rin pinakamatanda." Sabi ni Yhet. Nagtawanan kaming lahat. "Kamusta na Jep? Upo ka." Sabi ni Chaw. Umupo si Jep sa tabi ni Yhet sabay sabing, "Ayos lang. Sensya mejo na-late ako. Galing kasi ako sa bagong computer shop ko sa may Recto.". Businessman na pala ang loko. Marami na raw branches ang kanyang computer shop. Madalas sa mga places na maraming school.
[/b] (THIS IS THE BEST PART!!! HAHAHHA)
Hindi pa man tumatagal ang pagbibida ni Jep, biglang sumingit si Chaw, "Si Faith ba yun?" sabay turo sa isang sexy na babae. Matangkad. Maputi. Naka-shades kasi kaya hindi ko masyado matanto kung si Faith nga. Lumapit siya sa amin at inalis ang kanyang shades. "Guyyysss!!! Kayo ba yan? I missed you!!!!" Sabi ng babae. "Faith?" tanong ni Jep. "Yeah." Sagot ng babae. "Wow. Ang seksi mo donya." Sabi ko. Donya ang tawag ko kasi sa kanya noon. Nag-ngitian kami. Umorder si Faith at umupo sa pagitan ni Chaw at Jep. Nakakatuwa. Ibang iba na si Faith. [b]Sexy na. Hindi pa bulol[/b]. Isa daw siyang lounge singer sa isang hotel. Iniwasan niya ang tanong tungkol sa lovelife. Hindi namin alam kung kasal na o hindi pa. Ang huling chismis sa amin, may long time boyfriend daw siya. Gwapo. Mayaman. Habang nagbibida si Faith, bigla kaming nagkatinhginan nila Chaw, Jep at Yhet.. [b]"EDI IKAW NAAA SEXY!!!!"[/b] Sabay sabay naming sabi kay Faith. Nagtawanan kaming lahat. "Peste kayoooo!" Sagot ni Faith.
Anyway, nagkwentuhan kami. Tungkol sa mangga, spiders, CC at ang forum na buhay pa rin daw after all these years. Kunyari importanteng naka-bold yung word na [b]"mangga"[/b]. Favorite kasi ni Chaw yan ee. Inilabas ni Chaw ang kanyang voice operated digital camera. "Capture in 5 seconds." Utos ni Chaw sa kanyang cam.
5... 4... 3... 2... 1.. FLASH! At nagpose ang lahat. Naka-peace sign si Chaw. Nakalabas ang dila ni Yhet. Naka dirty-finger si Jep. Pa-cute si Faith. Naka-smile at naka peace sign din ako.
RINGGGG... RINGGGGG...
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Si Chaw, tumatawag.
"Hello?"Sabi ko pagkasagot ko sa kanyang tawag. "Patpat, nakatulog ka ata. Teka, connect kita sa confe." Sagot ni Chaw. 3am na pala. Panaginip lang pala ang lahat. Amf. Parang totoo. "Patriiickk! T*ngina. Kala ko tinulugan mo na kami." Bati sa akin ni Yhet pagpasok ko ng confe. Tumawa lang ako. At nagpatuloy kami sa aming call conference.. :]
-- Written by [b]MARJANPATRICK[/b]
Namiss ko to puta!: ((
Last edited by yh3t (2010-07-25 15:15:27)