Haay. Sana alam mo na, na naiinis na talaga ako sayo.
Sinasagad mo na kasi pasensya ko eh.
Tss, mali pala akala ko.
Kala ko pa naman maaasahan ka, di pala.
Kasimpleng bagay di mo man lang magawa. Sinabi ko important facts lang kailangan ko, tapos sinend mo naman sa akin, eh yung, copy paste pa na galing sa wikipedia.
Anu ba yan. Halos ako na nga lahat gumagawa ng letcheng report na yan tapos kasimpleng bagay di mo pa ayusin para sakin.
Buti nga may awa pa ako, dapat kasi di ka na namin isasali. Yung iba kas nating ka-group pinipilit na wag ka na isama since wala ka namang itinulong. Pero ako, nakipag-away pa ako sa kanila para ma-include ka.
Hayy naku. Wala na talaga, sagad na pasensya ko sayo boi. Kala mo naman natatawa pa ako sa mga jokes mong sobrang mais.
Tss. Bakit pa kasi ako tinadhana na mapalapit sayo. Hay naku. Di ka naman ganyan dati ah. Dati, ang bait2 mo taz ngayon. . . Wow parang hangin lang.
Ai? Nagsosorry ka ba sakin kanina? Ewan ko sayo. Pati ba naman sa pagsorry iba tono ng boses mo. Pasigaw? Wowness ka talaga boi. As if naman tatanggapin ko neh? Deadma muna ako ngayon. Mahirap na, pag pinansin pa kita, malamang uminit ng todo-todo itong ulo ko. At baka di ko pa mapigilan sarili ko.