• ARCHIVES 
  • » [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

Pages: 1

[i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

cypnet
» FTalker
FTalk Level: zero
165
0
1969-12-31

[i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

[i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at prinsipyo ng tao na kinamulatan. Di lingid sa aking kaalaman ang kanilang imoral na gawaing kinalugdan. Marahil talagang wala sa aking balintataw na maramdaman ng aking mumunting laman ang sigla at siphayo ng buhay. Tiniis ko ang lahat ng pasakit at paghihirap sa kamalayang ako ay mabubuhay. Ganon siguro talaga ang buhay, 'pag hindi mo pa oras e hindi pa nga. Marahil mararamdaman n'yo din ang aking nararamdaman kung kayo ang nasa aking kinatatayuan. Labis akong nasusuklam sa aking mga magulang. Iniisip ko na dapat mawala na din sila sa mundong puno ng pagkukunwari at pag-aagam-agam. Kung anu-anong uri ng likido at tableta ang akin ng natikman. Pero hinding-hindi ako bumibitaw sa pagkakakapit sa aking ina. Inaasam ko na sana isang araw ay matanggap nila ako bilang isang tao na bunga ng kanilang pagmamahalan. Siguro iniisip nila na baka sa aking paglabas ay masira ko ang kani-kanilang reputasyon sa buhay. Artista kasi ang aking ina at pulitiko naman ang aking ama. Pero sino ba naman ako para mayurakan ko ang kanilang pagkatao? Isa lang naman ang inaasam ko e, ang masilayan ko man lang ang pagsikat ni Haring Araw at malapatan ang aking mumunting balat ng kaniyang sinag ng pagmamahal. Ang aking mumunting inaasam ay hindi na nabigyan ng katuparan. Ipinagkait na din siguro sa'kin 'to ng Diyos at ng tadhana. Gusto kong sumigaw, umiyak at magmaka-awa na sana'y dinggin ng Poong-Maykapal ang aking pagdatal. Pero bingi na yata ang Diyos sa aking pagdaralita. Buo na ang desisyon ng aking mga magulang, isang desisyon na magwawaglit at mag-aalis na ng tuluyan ng aking pag-asang masilayan ko man lang kahit saglit ang tinatawag ninyong mundo. Sinikap kong kumapit sa lubid na nagdudugtong sa buhay ko at ng aking ina. Pero kahit ubod-lakas ko na 'tong hinahawakan eh malakas talaga ang pwersa ng likidong iyon. Tila inaanod na ako sa sobrang lakas nito at nahaluan pa ito ng napaka-pait na lasa. Hanggang dito nalang talaga yata ang buhay ko. Nasasabik ako dati na masilayan ang makulay ninyong mundo. Nagnanais na kahit saglit e masulyapan ko man lamang ito. Pero ang pangarap at pagnanais na iyon ay dito na talaga magwawakas. Malalagutan na ako ng hininga. Mamaya ay ilalabas na ako sa inyong mundo. Pero sayang kasi hindi ko na 'to masisilayan kahit sa huling saglit ng aking buhay. :crybaby:
jazheL's Agony
» FTalker
FTalk Level: zero
224
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

the story tackles abortion and responsible parenting. somehow i can relate to this.. :wasted: natawa lng ako sa mga tagalog words kasee sobrang makata.. :lol: nays.. :D [spoiler]pampagising ng kamalayan..:thumbsup:[/spoiler]
cypnet
» FTalker
FTalk Level: zero
165
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

[i]Thanks for the compliment [/i][b]jazheL's Agony[/b]. [i]Thanks for the[/i] [b]+repu[/b][i] too.[/i]
akuzet16
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
2880
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

yuh!., me too!., natawa aqouh!., and may words na hindi qouh naiintindihan!., but still.. it's good. btw. what is this?!., is this a story?!., hmmm...
lady_end
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
3154
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

|^ yahyuh sistah ur right good story gedluck 2 yah uu nga naman story 2h?
dhen2x
» FTalkElite
FTalk Level: zero
6815
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

I love it! makata, galing ha! I think this is an essay.. kasi makahulugan sya tska nagbibigay impormasyon sa atin... :D sna mabasa toh ng mga babaeng nagpa-abort! mamatay sila sa konsensya! :P
imdemoprincess
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
681
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

wow ang lalim ng mga words! kip it up!
cypnet
» FTalker
FTalk Level: zero
165
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

[i]Hehe. Thanks for the reply all. I think I posted it a month later. Haha. Btw, this is the creation of my[/i] [b]*[/b][i]malikot na pag-i-isip[/i][b]*[/b]. [i]Nyahaha.[/i]
sarfia.
» FTalker
FTalk Level: zero
238
0
1969-12-31

Re: [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

nc work. :):thumbsup: how can such people be so cruel? i pity for the child. :cry: [spoiler]bat pa kc magpapabuntis di nman aakuhin ang responsibilidad[/spoiler] TSK! :wasted:
  • ARCHIVES 
  • » [i]This is my [/i][b]FIRST POST[/b][i] in this[/i][b] THREAD.[/b] Bunga ako ng pagmamahalang labag sa batas at mata ng tao at ng Diyos. Isang pagmamahalang nabuo sa di-makataong paraan at p

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 13:05

[ 13 queries - 0.026 second ]
Privacy Policy