Kung nabigyan ka ng pagkakataon na makapunta sa ibang bansa, pero hindi ka na muli pwede tumapak sa bansang Pilipinas, tatanggapin mo ba ito?
[b]Kung OO:[/b]
- Bakit mo naisip tanggapin?
- Saang bansa ka pupunta?
- Ano ang mamimiss mo sa Pinas?
- Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?
[b]Kung HINDI:[/b]
- Bakit naman?
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
* * *
Di ako papayag na mapuno ng Spam ang thread na to.
Kailangan ng matinong pag-iisip bago sumagot dito.
Siguraduhin na hindi naka-drugs ko naka singhot ng kung anu mang ipinagbabawal na kung anu ano bago mo maisipan na sumagot dito.
Tinging mo matino ka na sa mga oras na ito?
SAGOT NA.
Last edited by cutiegal (2008-05-14 10:25:40)
hahah
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
nde cguro kz yaw kung mlayu sa love ones ku pati relatives and frends, cguro kung buong lahi namen ang aalis ng bansa eh bket hinde
sna matino ung sagot ku! hihi, bukal sa puso yan hehehe[/color]
- Ano ang mamimiss mo sa Pinas?
Marami. Lola at mga kapatid ko. Maninibago ka lalo na pag-gising ko sa umaga. Kadalasan kasi lola ko nag luluto ng almusal ko pag papasok ng school ngayon ako na lang. Manunuod ng T.V. Lagi ko kasing mga 2 lil bros ko pag nanunuod ng T.V lalo na pag Power rangers hay magkakaguluhan kami sa bahay. Pagakin, syempre chibug chibug lalo na Manga, Singkamas luto ng lola ko. Mga celebrations sa pinas like christmas and new year. Iba kasi sa Pinas, maraming tao sa labas tsaka maraming paputok hindi tulad dito. Wala masyadong tao sa labas kasi Malamig.
- Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?
Oo, syempre naman. Nagsisi-sisi na nga ako kung bakit ako pumunta dito eh. Kung maibabalik lng ang panahon.
Kung HINDI:
- Bakit naman?
Kasi marami kang ma-mimiss sa Pinas. Yung mga nakasanayan ko na.
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
bahay namin at mga kaklase ko nung HS pati mga kaibigan ko.
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
Siguro kung kelan na ako handa.
but if given the opportunity,oo pero kailangan bumalik ako. @_@
- - -
[b]HINDI[/b]:
- Bakit naman?
Hindi naman sa hindi na talaga mangingibang bansa, gusto ko lang kasing ma-meet sila Mickey mouse at hello kitty dun sa japan at tsaka yung cherry blossoms nila. kung baga explore lang ng culture ng tga-ibang bansa, pero hindi ko pa rin iiwan tong bansa kung saan ako lumaki, dito ako natutong mag mahal ng bansa ko, dito ko naranasan na ibang-iba tlga ang kulturang pinoy dahil mahal ko tong lugar na toh. at, materyal lang na bagay ang mae-enjoy ko pag andun ako sa abroad, materyal lang.
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
mga masasarap na pagkain na hindi nakakasawa, mga taong makukulit na walang katumbas na karakter ng tga-ibang bansa, lahat nga pinaghirapan ng ating mga bayani nung unang panahon. mas masarap mabuhay sa sariling bansa kasi may bagoong. masarap kaya toh. walang ganito sa states.
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
uu naman, gaya ng sagot ko dun sa unang tanong, dahil unang una tlga, gusto kong makipag-shake hands kai mickey mouse at kai hello kitty. simpleng hiling lang naman yan e. magiging masaya na ako.
pagkatapos ng kaligayahang yan, wala na, tapos na, babalik na ako sa pinas at kumain ulit ng kanin na may bagoong kung saan mas magiging masaya ako. hehe. simple life lang, 'ika nga.
Last edited by `mizeL (2008-05-15 03:45:18)
gusto ko munang tulungan makabangon sa paghihirap tong bansang to. kung makakaya ko. at gusto ko isulong ang kalinisan dito. ewan kung paano ko yun gagawin.
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
ang hangin dito sa pilipinas. yung mga magagandang tanawin. yung mga kaibigan ko. pamilya ko. mga tradition. at siyempre, ang pagiging hospitable ng mga pilipino. yun bang ala ng pera pero nakakapaghanda pa ng litsong baboy kapag reunion.
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
gusto ko rin naman makapunta sa ibang bansa pero yung makakabalik pa sa pilipinas. lilibutin ko muna ang buong pilipinas bago ako pumunta ng ibang bansa. masarap maglakbay eh.
Last edited by maree12 (2008-05-15 06:57:27)
basta kung san man andun tatay ko !
- [b]Ano ang mamimiss mo sa Pinas?[/b]
ung mga kalokohan ng mga barkada ko . ung inuman gabi2 , ung mga tunay at plastic na taong dumaan sa buhay ko !
- [b]Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?[/b]
cguro ? pero wag nman sana !
Last edited by imnotemo_18 (2008-05-16 23:00:20)


,pagkain,matabang kasi pagkain sa australia marami ngalang chocolates
- Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?
- cguro...
pwede b yun~!?
kung wla ako sa ibang bansa ngayon ang sagot ko, OO.
- Bakit mo naisip tanggapin?
di ko naman tinaggap. napilitan lang ako~
- Saang bansa ka pupunta?
actually,dati ko pang gustong pumunta dito. so it's japan
- Ano ang mamimiss mo sa Pinas?
ofcourse,all of my relatives.lalo na yung pinsan ko.aww
- Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?
eh ngayon pa nga lang pinag-sisihan ko na~
pero ngayung naranasan ko na pumunta ng ibang bansa, HINDI na.
-Bakit naman?
nakaka lungkot tlga s ibang bansa.aww
im always homesick.
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
lahat. its so hard to adjust here.amff
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
kung may chance ako ulit na tumira sa pinas. di na ako aalis.

lahat lahat lahat. Unang una, mga kaibigan ko dito. Ang skwelahan ko. (kung nasaan nandoon ang pinakamagaganda at di ko makakalimutang ala-ala.
Ang mga bespren ko.(sila at sila ang mamimiss ko.
) Lalo na sina Kim,Yna,Mga Close ko at nakahalubilo ko sa graduating life, mga Ate ko. At lalong-lalo na mga Kuya ko. Ang pamilya ko. Si Franz. Si Loyskie(na din) kc for the past seven months, pinadama nya ung appreciation sa pagkatao ko. (anu daw)
- Darating ba ang panahon na pagsisisihan mo ito?
OO nman.papunta palang ako.parang ayoko na eh.c
- Ano ang meron sa Pinas na ayaw mong iwan?
Yung pamilya ko, every holiday na kasama ko sila. Mga friends ko, d ko yata kayang iwan sila. haiss.. Tas yung mga festivals dito sa pinas, ang saya kaya nun.
Atsaka yung mga pagkaing pinoy, mga street foods dito.
- Darating ba ang panahon na maiisipan mong umalis ng bansa?
uu naman, kasi dun ako magtatrabaho pag grumaduate ako ng IT. Magtatrabaho ako sa isang computer company.
>> di aman ganun kasama dito sa pinas eh...oo nga, mas maganda nga kita sa ibang bansa, pero kung
magsisikap ka aman, malamang yayaman ka dba? nasa tao aman yan e...ung iba nga nsa ibang bansa na
nahihirapan padin...nasasayo aman yan eh....dba??
(anep...kung makapag salita parang walang balak mag ibang bansa ah...haha!!)