• ARCHIVES 
  • » This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

Pages: 1

This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

alyssarae17
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1034
0
1969-12-31

This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pisngi ng isang binatang nakaupo sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang ningning ng bituin. Isang binatang nangangarap na balang araw, may pangyayaring magbabago sa kanyang buhay. Binatang may angking galing at talento, at higit sa lahat may malikhaing pagiisip. Si Harry, nababalot ng hiwaga ang kanyang buhay, kung paano siya namumuhay bilang isang kabataan. “Hay…bakit kaya ganito?” bulong ni Harry Sa gabing iyon kita ang lungkot at problema na kanyang dinadala. Sa mga mata niya ay nagninilay ang luha na gustung umagos, sa puso nya ay may gustung sumigaw dahil sa sikip bunga ng problemang hindi nya mailabas ng gabing iyon. “Bakit? Bakit? Hindi ganito ang nais kung mangyari… Hindi ko na kaya, suko na ako” Tuluyan ng umagos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi nya napigil ang himutok ng damdamin at hindi nagawang itago ang tunay na nararamdaman. “Ano ba ang dapat kong gawin? Bakit ba nangyayari sa akin ito?” paulit-ulit niyang sambit. Matapos siyang magmukmok, nagpasya siyang umuwi sa kanilang bahay. Sa pag-alis nya, hindi nya namamalayang may isang babae na nakikinig sa kanya sa una palang. Ngumiti ito at biglang naglaho. Sa paglalakad ni Harry pauwi ng kanyang bahay, isang liwanag ang nagdaan, lumakas ang hangin at nagsimulang magbago ang paligid. Binalot ng liwanag ang lahat, nasilaw si Harry at bumagsak dahil sa lakas ng hangin. “Ano ito? Wala akong makita! Nahihilo ako!” at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Sa pangyayaring iyon, nagising nalang siya at nagulat. Nakahiga siya sa isang higaang pinuno ng dayami. Siya ay nasa isang kubo, may ingay ng tao na nagmumula sa labas. Mga yapak ng kabayo at putak ng manok naman sa likod-kubo. “Mabuti at nagising kana. Ilang araw ka nang natutulog…” wika ng isang babae na damit mahirap subalit may angking ganda. “Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?” Katanungan ni Harry sa babae. “Kailangan mong magpahinga… Ako si Milandra, isang simpleng mamamayan ng iyong mundo… nakita kitang walang malay sa daan kaya’t naisipan kung dalhin kita sa aking bahay.” Sa aking mundo? Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Ahhh!!! Sakit ng ulo ko..” daing ni Harry. “Magpahinga ka muna Harry, sasagutin ko ang mga tanong mo mamaya kapag maayos na ang iyong kalagayan.” Sagot ni Milandra. Nagpasyang magpahinga si Harry at lumabas ng kubo ang babaeng si Milandra. Patuloy na naguguluhan si Harry sa mga nangyayari… hindi nya maintindihan ang sinabi ni Milandra. “Ano kaya ang nangyari? Aking mundo? Nasaan ba talaga ako?” “Tama! Naalala ko na, naglalakad ako pauwi ng bahay ng biglang nagliwanag at lumakas ang hangin…at…at… hindi ko na maalala, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.” Balot ng misteryo ang lahat at gulong-gulo ang isip ni Harry sa mga nangyayari… Hintay na lamang ang kailangan para sa kasagutan ni Milandra sa misteryong bumabalot dito. Pagdating ng gabi, naghanda na ng gabihan si Milandra at nagpasya na itong gisingin si Harry. “Harry! Harry! Gumising ka na’t handa na ang gabihan. Kailangan mong kumain para manumbalik ang iyong lakas” Sa hapagkainan, tahimik si Harry, tila hindi parin nya maunawaan ang nangyari kaya’t nagpasya siyang muling magtanong kay Milandra. “Ahh..ehh..Milandra diba ang pangalan nyo? Maaari nyo na po bang ipaliwanag sa akin ang nangyari?” wika ni Harry. “Sige, sasagutin ko ang mga tanong mo para hindi ka na maguluhan. Ikaw ay nasa iyong mundo, ikaw ang gumawa ng mundong ito. Nasa iyong mga kamay kung paano at ano ang gusto mong gawin.” Paliwanag ni Milandra. “Huh? Ano? Hindi ko talaga maunawaan. Paano ako nakapunta dito? At paano ako nakagawa ng mundo na sarili ko? Paano ko mababago ang lahat kung nasa kamay ko ang kapalaran ng mundong ito?” tanong na may pagaalinlangan. “Hanggang dyan lamang ang kaya kong sagutin. Isa lang akong simpleng mamamayan ng iyong mundo. Ang tanging mapapayo ko lang ay maglakbay ka at hanapin mo ang mga kasagutan” sagot ni Milandra. “Naintindihan ko na kahit papaano. Paglipas ng dilim, ako’y magsisimulang maglakbay upang hanapin ang sagot sa aking mga katanungan.” Sagot ni Harry. Sa usapang iyon, nagkaroon ng onting linaw sa isip ni Harry subalit kailangan nya pang alamin ang lahat kung paano ang mundo na kanyang ginagalawan ay siya mismo ang may likha at nasa kanyang kamay ang paraan at kung paano nya pakikilusin ang sariling mundo. Sa paglabas nya sa kubo kinabukasan ay nakita nya ang mga taong namumuhay dito. Parang isang pamayanang hawig sa totoong mundo pero may kakaiba sa mundo nya. Masaya ang lahat ng tao, tahimik at nakikita ang pagkakaisa dito. Naglakad-lakad siya at tumingin sa paligid, kakaiba ang lahat, payapa, walang gulo at walang problema. Nakaramdam ng gutom si Harry sa kanyang paglalakad, nagpasya siyang bumili sa tindahan. “Ale, magandang umaga po. Magkano po ba ang mansanas na ito?” wika ni Harry “Sige Iho, kunin mo lang, walang bayad ang mga yan, ang mahalaga, walang magutom” sagot ng ale na may halong ngiti. “Huh? Kumuha lang ako? Kahit walang bayad?” tanong niya “Iho, sa mundong ito hindi kailangan ng pera, ang mahalaga ay makakain ang mga nagugutom. Basta’t siguraduhin lamang na tama lang ang kukunin at hindi ito masasayang” sambit ng ale. “Salamat po, ang isang ito ay sapat na para maibsan ang aking gutom. Sige po…paalam” Natuwa si Harry sa pangyayaring iyon. Naalala nya ang karanasan nya sa totoong mundo, na pera ang nagpapaikot sa tao. Kung walang pera, hindi ka mabubuhay. Hindi ka makakakain kung hindi mo ito babayaran. Pero sa mundo nya, hindi mahalaga ang pera, ang mahalaga ay ang kalagayan ng tao, pero wag lang maging sakim para lahat ay mabiyayaan. “Hindi ako makapaniwala, masarap pala kung ganito ang nangyayari. Hindi ang pera ang nagpapaikot sa tao” bulong ni Harry sa sarili. Nagpatuloy si Harry sa paglalakad, nang mapansin nya ang pagtitipon ng mga tao, naisipan niyang magtungo sa lugar upang alamin kung ano ang nagaganap doon. Napansin nya ang ibat-ibang uri ng mga tao, muslim, kristyano, katutubo, mayayaman at mahihirap. “Ano ang ginagawa nila? Tila may bagay silang pinag-uusapan, hindi kaya sila mag-away dahil sila ay iba-iba? Sa totoong mundo, madalas magtalo ang mga tao at grupo, lahat may pinaglalaban, lahat nag-uunahan, walang gustung magpatalo, walang gustung magpahuli pero sa mundo niya… Kristyano: Sang-ayon ang nakararami sa amin para sa kapayapaan Muslim: Iba-Iba man ang ating paniniwala, handa kaming magpakumbaba para sa ganap na kapayapaan. Katutubo: Huli man kami sa kabihasnan, handa kami sa pagtulong upang maging matatag ang kasunduang pangkapayapaan. “Para sa Kapayapaan! Pagkakaisa at pagmamahalan!!! Sigaw ng mga tao. Nagulat si Harry sa narinig, ibang-iba ito sa kanyang mundo. Hindi sya makapaniwala sa mga nagaganap pero iyon ang totoo, nagkasundo ang mga tao. Naalala ni Harry, pinangarap nya ang mga nangyayari, ninais nya na maganap ang mga ito. “Unti-unti ko nang nauunawaan ang lahat, ang mga nangyayari ay mga bagay na ninais ko, hinangad ko na makakain ang mga nagugutom at hindi pera ang kailangan para mabuhay ng maayos. Hinangad ko ang pagkakaisa ng mga tao para sa kapayapaan. Lahat ay nagaganap, lahat ng nais ko! Lahat ng gusto ko!” Pinagpatuloy ni Harry ang paglalakbay, natutuwa siya dahil lahat ay nagaganap at nangyayari. Lahat ng naisin nya, walang gulo, galit at pagkamuhi, puno ng pag-ibig, pagkakaisa at pagkakaunawaan. Kahit sino ay hinangad na maganap ang ganitong mga bagay. Ang mamuhay sa… “Hindi ako makapaniwala, ito na ba ang matagal ko ng nais? Ito na ba ang tinatawag kung Perpektong Mundo? Na wala ng hihilingin pa? na lahat ng nais ko at gusto ay masusunod?” Tila nasisiyahan na si Harry sa mga nangyayari pero may dapat siyang alamin, alamin kung paano siya nakapunta sa mundo niya. Na hindi tama ang ginagawa niya. Habang siya’y naglalakad…. “Sabi ng babae, nasa aking mga kamay kung paano ko pagagalawin ang mundo ko, masubukan nga.” Nagpatuloy sa paglalakad si Harry, nakakita siya ng isang madumi at pangit na iskinita, dahil sa itsura nito, hindi niya ito pinuntahan kaya naghanap siya sa ibang lugar at ng hindi inaasahan, nasalubong niya ang isang magandang babae. May hawig ito sa babaeng minahal ni Harry kaya naisipan niya na… “Kamukha niya si Kristina, anong ginagawa niya dito? Tama, hindi pala siya nawawala sa isip ko kaya nandito rin siya. Sa kanya ko susubukan kung ano ang kaya kong gawin.” bulong ni Harry sa sarili. Nag-isip si Harry, pinikit niya ang mga mata, inisip nya ang mga bagay na gusto niyang mangyari at sa kanyang pagdilat… Lumapit ang babaing si Kristina, niyakap si Harry at hinalikan niya ito sa labi. Sa pangyayaring iyon, nabalot ng saya at tuwa si Harry. Patuloy siya sa mga bagay na gusto niyang mangayri, lahat ng naisin niya ay nakukuha na niya. Wala na siyang hihilingin pa… “Ito! Ito ang mundo na nais ko! Ganito ang gusto kong mangyari. Wala na akong hihilingin pa, lahat ay nasa akin na!!!” Nagpatuloy si Harry sa pagbuo ng mundo niya. Hindi na niya naalala ang misyon niya at ang mga dapat niyang gawin. Nabalot ng saya ang lahat, nilamon ng personal niyang interest ang lahat, nakalimutan na niya ang mga bagay na dapat niyang tuklasin. Lumipas ang ilang araw, nang may mapansin siya. Isang malungkot na mukha ni Kristina. Sa kasiyahang nararamdaman ni Harry ay lungkot naman ang nararamdaman ni Kristina. Tumigil sila sa isang tabi at nag-usap. “May problema ba? Bakit malungkot ka?” tanong ni Harry Tahimik lamang si Kristina, bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Nagpatuloy parin si Harry sa pagtatanong kay Kristina. “Kristina, ano ba? May kailangan ka ba? Kaya kung ibigay ang lahat!” Mali! Mali na ang ginagawa mo Harry!” salitang lumabas sa bibig ni Kristina kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mata. “Anong mali? Nagagawa ko ang lahat, nakukuha ko ang naisin ko, payapa ang mundo ko, kasama kita, ano pang kailangan kong gawin? Wala na akong masasabi pa kundi isang Perpektong Mundo ang kinalalagyan ko ngayon! Ayaw ko nang umalis dito!” “Harry hindi mo ako naiintindihan, nakukuha mo nga ang gusto mo pero ang pagmamahal ba kaya mong makuha? Nandito nga ako dahil nais mo pero ang nararamdaman ko, hindi mo kayang baguhin. Mahal naman kita eh! Pero sana hayaan mong ako ang magpakilos sa sarili ko at hayaan mong sundin ko kung ano ang nararamdaman ko at hindi ang ibang tao!” patuloy ang pagluha ni Kristina. “Hindi mo ba naisip na may pamilya ka? Mga kaibigan? Maraming tao ang nagmamahal sayo! Dahil lang dito sa mundong ito, handa mo kaming isakripisyo para sa sarili mong kaligayahan. Ganito ba ang gusto mong mangyari? Hanggang kailan ka mabubuhay sa mundong gawa mo? Hanggang kailan mo tatakasan ang totoong mundo na dapat mong harapin? Isipin mo yan Harry! Mahal kita!” dagdag pa ni Kristina. Sa pangyayaring iyon, nabalot ng lungkot ang paligid, ang dating masaya, tahimik at payapa ay binalot ng dilim at lungkot. Nagbago ang lahat, dahil iyon sa nangyaring pag-uusap ni Harry at Kristina. Malungkot si Harry at sumisilay ang luha sa kanyang mga mata. “Ano itong nagawa ko? Bakit ganito? Akala ko maayos na ang lahat? Akala ko… Akala ko… Patawad! Hangad ko lang na maging masaya at makaranas na magmahal. Pero hindi ko akalain na aabot sa ganito. Nabulag ako sa mga nangyari.” Tuluyang umagos ang luha na nagninilay sa kanyang mata. “Nagkamali ako, masyado ako nadala sa aking emosyon, hindi ko man lamang naisip na may masasaktan ako dahil dito sa ginagawa ko. Hangad ko lang talaga na magkaroon ng pagbabago at lumigaya subalit, inabuso ko ito.” Dagdag pa niya. Balot ng pagsisisi si Harry sa mga sandaling iyon. Dahil sa sobrang galak, marami siyang nakalimutan. Hindi niya akalain na sa kabila ng saya na tinatamasa niya ay darating parin ang lungkot. Habang nakaluhod at umiiyak si Harry, may kung anong liwanag ang bumalot sa katauhan ni Kristina, lumapit ito kay Harry at ng tumingin si Harry, nagbago ang mukha ni Kristina at naging mukha ni Milandra. Nakangiting inabot ni Milandra ang kamay sa binata. Si Milandra na hatid ay pag-asa para sa isang binatang nalulunod sa pighati at lungkot, binatang nababalot ng pagkamuhi at problema. “Halika, tumayo ka! Ang mundo mo ay balot ng misteryo at hiwaga. Sumama ka sa akin at aking ipapaliwanag ang lahat-lahat…” wika ni Milandra. “Salamat, pero bakit nung una palang tayong nagkita, tinanong kita. Hindi mo sinagot ang mga tanong ko, nagpanggap ka na walang alam?” “Harry, kung sasabihin ko ba ang lahat, matututo ka? Kaya nga pinaglakbay kita para alamin ang mga bagay-bagay na ito. Tuklasin mo ang mga dapat mo malaman. Wala sa ibang tao ang kasagutan na hinahanap mo sa mga tanong mo sa buhay, kundi nasa iyo mismo, sa sarili mo makikita ang matagal mo nang hanap. Buksan mo ang iyong puso, hindi lang ang iyong mata at paganahin mo ang iyong pakiramdam at hindi lang tainga at higit sa lahat ang tiwala mo sa sarili sa lahat ng pagkakataon.” Paliwanag ni Milandra. “Naintindihan ko, akala ko nasa akin na ang lahat, talino, iba’t ibang talento at malikhaing pagiisip pero marami pa pala ang kulang. Masyado ako bumilib sa sarili ko. Hindi ko naisip ang iba, naging makasarili ako.” Wika ni Harry na may pagsisisi. “Mabuti at naunawaan mo, halika, may ipapakita ako sa iyo.” Sambit ni Milandra. Maraming natutunan si Harry sa mga sinabi ni Milandra. At malaki ang naging epekto nito sa buhay ng binata. Nagpasya si Harry na sumama kay Milandra, sa kanilang paglalakad, huminto si Milandra sa isang maduming eskinita. “Anong ginagawa natin dito? Madumi dyan at mabaho” sambit ni Harry. “Tara subukan nating pumasok sa madumi at mabahong lugar na ito” sagot ni Milandra. “Ito ung eskinita na nakita ko noon, ano kaya ang gagawin namin dito?” bulong ni Harry sa sarili. Sa kanilang paglalakad may liwanag na nagmula sa dulo ng daan. Nang sila’y makarating sa dulo, isang kagulat-gulat na bagay ang bumulaga sa binata, isang paraiso, puno ng halaman, bulaklak, mga hayop at naglalakihang mga puno. Ilog na umaagos at isdang nagtatalunan sa tuwa. Masarap ang simoy ng hangin at sa gitna nito ang isang balon na may malinis na tubig. “Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, isa itong paraiso, hindi ko akalain na sa likod ng madumi at mabahong daan na iyon ay may nagtatagong isang paraiso na gaya nito” bulong sa sarili habang namamangha sa kanyang nakikita… “Hindi lahat ng pangit sa paningin ay wala nang kwenta o silbi, kailangan mong matutong huwag maging mapanghusga. Dahil sa likod ng pangit na kaanyuan ay may nagtatagong kagandahang panloob.” Paliwanag ni Milandra. Sila ay nagtungo sa balon, nagulat si Harry sa kanyang nakita. Ang pamilya niya na nag-aalala sa kanya, mga magulang niyang naghahangad na siya ay mapabuti at mga kapatid na nagpapakita ng suporta at pagmamahal. Hindi niya akalain na ganito pala ang pamilya niya na akala ni Harry na walang pakialam sa kanya subalit umaapaw pala ang pag-ibig ng mga ito sa binata. Nakita niya rin ang mga kaibigan na handang tumulong sa kanya, pagrespeto sa kanya bilang lider sa kabila ng mga tampuhan at pagtatalo. Nakita niya rin si Kristina na nagmamahal sa kanya ng totoo at handang gawin ang lahat para sa kaligayahan ni Harry. Muling bumuhos ang luha sa kanyang mata, hindi niya akalain na sa kabila ng pag-iisip niya ng mga bagay na nagpapahirap sa kanyang damdamin ay napupuno parin siya ng pagmamahal. “Ngayon alam mo na ang lahat, sana natulungan kita. Bukas pa ang pinto upang makabalik ka sa iyong tunay na mundo o pipiliin mong manatili dito sa mundong gawa mo? Pag-isipan mo Harry habang may oras pa.” ani Milandra. “Nakapagdesisyon na ako, masaya dito, lahat nasa akin, nakukuha ko ang gusto ko, lahat ng nais ko pero…dapat akong gumising! Hindi ako dapat mabuhay at makulong sa mundong gawa ng ilusyon. Dapat kung harapin ang totoong mundo at mabuhay kasama ang mga taong nagmamahal sa akin…Salamat Milandra!” sagot ni Harry. “Mabuti at nakapagdesisyon ka na, mag-iingat ka at hangad ko ang iyong kaligayahan. Tandaan mo lahat ng natutunan mo, ang pagbabago ay nasa iyong kamay, magtiwala ka lang sa iyong sarili at isipin kung ano ang makabubuti para sa lahat.” Ani Milandra. Nagliwanag ang paligid, lumakas ang hangin, muling naganap yung dati, si Milandra ay nakangiti at nagpapaalam sa binata. “Teka! Nakalimutan kong itanong, sino ka? Ano ka sa buhay ko? Sandali lang!!!” tuluyan ng naglaho ang lahat… “Anong nangyari? Nakatulog lang pala ako…panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo na. Makauwi na nga at baka hinahanap na ako sa amin.” Nakangiting bigkas ni Harry. Ang malungkot na si Harry ay umuwing masaya at nakangiti, ang hindi niya lang alam at hindi napansin ang babaeng nasa likod ng puno, si Milandra, at bigla nalang itong naglaho. E n d…
akuzet16
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
2880
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

whooaa so long sis!. my eyes get hurt in the middle of the story. hehe, that's why i didn't continue it!.. hehe. sorry... i'll just continue it next time!
Cutie_Phunk
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1044
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

yah! it so long!.,:thumbsup: but your story is nyc!, my nkuha akong lesson! jiji:D ~kip it up!
alyssarae17
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1034
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

ehehe..it's not my story it's written by my ex:lol:
---mad4u---
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
491
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

^big sis. :o ex.? woooah. :) i love the story te (even though it was nosebleed for me. :lol: ) yea its long but.. i looove it. :) :)
alyssarae17
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1034
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

hehehe yep that was written by my ex he wrote a letter for me the time we're still together I thought it was a love letter but it was that story.. hehe thanks for appreciating!
Cutie_Phunk
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1044
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

weew!, ahw!sorry!, i forgot!, jiji:D, sorry sis!,:(
lady_end
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
3154
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

wew, xo long. grabeh naman. :eh: but itz nice huh. :D and written by ur ex.. :retard:
akuzet16
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
2880
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

lol!., haha., what a perfect world!., i like ur story sis!., kip it up!., and hope that u make more stories!., hehe.,
alyssarae17
» FTalkGeek
FTalk Level: zero
1034
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

ahaha not my story it's written by my ex huhu miss him!
ravenum008
» FTalker
FTalk Level: zero
162
0
1969-12-31

Re: This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

not a nosebleed~ its an EyeBleed~ meaowtch~ :lol::thumbsup: <-Keep It Up~
  • ARCHIVES 
  • » This one is written by my ex. I just wanna share it here.. ----------------------------------------------------------------------- Isang tahimik na gabi habang umiihip ang hangin at dumadampi sa pis

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 12:15

[ 10 queries - 0.037 second ]
Privacy Policy