[align=center]This thread is for my poems/songs/etc. basta kahit ano!
Warning! puro Tagalog siya! Pero i'll try to write a Haiku!
[u][b]#1: Allyza Kibranza[/b][/u]
[spoiler][quote][b]Allyza Kibranza[/b]
I.
Ito ang tula ng 'sang simpleng dalaga,
Turing ma'y bata ang iba'y namamangha,
'di naman perpekto, ang mali'y higit pa,
Kaibigang tunay, kung tunay sa kanya...
II.
Tawag ng iba'y Asukal o Allyza,
Sa murang edad ay may kakayahan na,
Tunay na pag-ibig ang kanyang pamilya,
Sa pagsinta'y wala pang nabibiktima...
III.
Sa bahay 'di prinsesang maituturing,
Sermo't pagalit nawawalang matulin,
Kulang na lamang pagkatao'y hamakin,
Idukdok sa kompyuter kung nakatingin
IV.
Sa pag-aaral makikitang seryoso,
Ngunit 'di naman maiwasang magloko,
Kalantariin ang Friendster and s'yang tukso,
Imbis mga aralin ang nag-iibayo,
V.
Sa mga tuklas 'wag sanang manghusga,
Tao lang naman na gaya rin ng iba,
Buhay ay may dulo tulad ng hibla,
Wakas'y darating sana'y may pagkilala...[/quote]
[/spoiler]
[u][b]#2: Busted[[i]song[/i]][/b][/u]
[spoiler][quote][b]Busted[/b]
I.
Unang titig ko palang sa iyong muka,
Takbo ng puso’y bigla na lang gumana…
Hindi malaman kung ano ang dahilan,
Love at first sight yata sa’yong katauhan…
Refrain:
Dali-dali naghadali, manliligaw,
Pag may ibang didiskarte, mang-aagaw…
Pupuntang market, bibili ng chocolate,
At ‘di bale nang baduy ‘wag lang malelate…
Chorus:
Ngunit bakit nabigo, nabusted ako?
Puso ko’y pumutok na para bang lobo,
Kidnappin ka kaya, ngunit mawawanted…
Nakakahiya tukso sa’kin ay busted!
II.
Flowers ba ang tipo mo? Ibibigay ko…
Sino ba’ng karibal? Nagtataka ako,
Paraan ko naman ay sobrang moderno,
Bakit ba ‘di mapansin itong tawag ko?
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
Bridge:
‘Di umepekto ang uso kong istilo,
May ibang hanap gusto mo’y kakaiba…
Aking hinagilap ang swerteng ginoo,
Panliligaw niya’y dinaan sa harana!
2nd chorus:
O hinde, bakit mas sinagot mo pa siya?
Sa’yong ganda makaluma ka pa pala…
At ikaw nga ngayo’y isa nang newly wed,
Ngunit ‘di parin tanggap… na ako’y busted…
Ako ay busted… busted… busted… ako ay busted!
Hanggang ngayo’y nabubusted![/quote]
[/spoiler]
[u][b]#3: Simpleng Pamasko[[i]song[/i]][/b][/u]
[spoiler][quote][b]Simpleng Pamasko[/b]
I.
Ano nga nga bang tunay na diwa ng pasko?
Magbigayan nga lang ba ng mga regalo?
Magsaya kasama ng mga kaibigan
Magsalu-salo ang buong pamilya...
Chorus:
Ang pasko ay sasapit,
Ngunit sa'ting mga puso ay pasko parin
Konting pagmamahal na sumisibolo sa tunay na diwa ng pasko.
II.
Ang pagtulong sa kapwa ay mahalaga,
Basta't galing sa puso ay tama na,
'Di na kailangan pa ng magarbong paghahanda,
Sa mata ng Diyos tayo'y pantay-pantay lamang.
(Repeat Chorus 2X)
Coda: Ba't di na lang tayo... Magmahalan?
[url=http://vimeo.com/2599652]Video[/url][/quote]
[/spoiler][/align]
Last edited by asukal_rienee (2008-12-22 04:51:32)