• ARCHIVES 
  • » Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

Pages: 1

Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

iNjuriNg_niHiLizSm
» n00b
FTalk Level: zero
3
0
1969-12-31

Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon ang mundo mula sa kawalan. At nawika Niya sa Kanyang sarili na, "Anong ganda ng mundo." Isinunod Niyang likhain ang araw at gabi na pinagpapalitan Niya ng paglitaw at paglubog kasama ng mga buwan at bituin nito na kumikinang sa kalangitan. ginawa Niya ito sa ikalawang pagkakataon at lubusan din Siyang natuwa. Nilikha rin Niya sa ikatlong araw ang lupa at dagat kung saan ay umaagos ang malinaw na tubig sa kailogan patungong karagatan. at bumubuhos naman ang tubig-ulan sa kalupaan mula sa karagatang nahihigop ng mainit na hangin paitaas. Ikinatuwa ni Makedepat ang pagkakasundo't bigayan nitong kalikasan. At sa ika-apat na araw naman ay nilikha Niya ang lahat ng mga halaman at punong tumutubo sa ibabaw ng kalupaan o sa ilalim ng karagatan. At nasilayan ni Makedepat ang kagubatan na tigib ng yabong at ganda. Sa tuwa Niya ay binigyan nito ng pangalan, "Tatawagin itong kagubatang hitik sa kakahuyan na Mahabe Pagotan dulot ng kahabaan nitong mga kabundukan na angpapanagpo sa pinakapusod na Bato sa Sare." Hindi nakuntento si Makedepat sa kagandahan ng Mahabe Pagotan kung kaya sa ika-limang araw ay dinagdagan pa Niya ito ng lahat ng uri ng mga nilikhang hayop sa himpapawid na mga ibon, sa kalupaan naman ay mga baboy-ramo't usa ang nagunguna at sa katubigan ay mga isda't susu. At naghuhumiyaw sa galak si Makedepat na, "Maganda na ang aking paraiso! Buhay na buhay na ang kapaligiran." Ngunit sa ika-anim na araw ay napag-isip-isip Niya na lumikha ng Kanyang kalarawan upang manirahan sa lupain na Kanyang nilikha. Humubog Siya mula sa pinakamatabang lupa ng Mahabe Pagotan at saka nito binugahan. Nagkaroon ito ng buhay bilang unang Agta na anak ni Makedepat na ibig sabihin ay tao. Binihisan ito ni Makedepat ng pinakamagandang kaanyuan at pinakamataas na karangalan sa lahat ng Kanyang mga nilikha na isang katutubo na suot ang marangyang bahag mula sa mga balat ng kahoy at mga makukulay na remong. Nilikha rin Niya ang babae mula sa tadyang ni Agta na tatawaging si Mahuna bilang kapantay upang maging kasama nito sa pag-ikut-ikot nito sa lupaing Mahabe Pagotan. At nagbilin si Makedepat sa kanilang dalawa: "Ito ang inyong lupain at nasa inyong mga kamay ang pamamahala nito habang ako'y mangdarayuhan sa kabila. Magagawa ninyo ang ano mang inyong nais. Pwede ninyong pangalanan ang lahat ng kabundukan, kailogan at kaparangan. Makakain ninyo ang lahat ng hayop at isda ng hindi kayo magugutom. Malaya kayong makapag-ikut-ikot sa lahat ng dako at mamuhay ng payapa. Kung gugustuhin ninyo ay maaari kayong mangalap ng mga yantok o baging at magtanim ng nais ninyong pananim." Tuwang-tuwa naman sina Agta at Mahuna sa kanilang tahanang sinibulan. At dagdag pa ni Makedepat ay: "Tanging isang bagay lamang ang hinihiling ko sa inyo na DAPAT PAGKATANDAAN na ang kinakapatid ninyong sina kakahuyan sa kagubatan ay huwag ninyong puputulin sapagkat ikamamatay ninyo ito." Dagdag pa ni Makedepat sa kanila'y, "Sapagkat ang kagubtan ay nabubuhay dahil sa mga kakahuyang iyan na kakanlong sa inyong magiging anak, angkan at tribu sa mahabang panahon. Kung kinakailangang protektahan ninyo sina kakahuyan ay gawin ninyo ng buo ninyong lakas." Mahigpit na ipinagbibilin nito sa mag-asawang katutubo na, "Mapuputol ninyo ang mga yantok, kawayan at ibang klaseng pananim ayon sa inyong pangangailangan. Ganoon din naman na makapangangalap kayo ng mga hayop at isda ayon sa inyong pang-araw-araw na kakanin ngunit huwag lamang ang mga puno. Huwag na huwag lamang kayong puputol ng kahoy sapagkat masisira ang kagubatan na siya ninyong ikamamatay." Umalis na nga si Makedepat sa ika-pitong araw upang makapangdarayuhan at naiwan ng mapayapa sina Agta at Mahuna sa malaparaisong Mahabe Pagotan ng MAHABANG-MAHABANG PANAHON. Ngunit isang araw habang nagangaso si Agta at naiwan si Mahuna ay dumating ang isang Abyang na ibig sabihin ay Tagalog na namumundok ng walang kahirap-hirap mula sa malayong kapatagan. Nakita nito si Mahuna at tinawag nito, "Babae, pupwede bang makipagkaibigan sa iyo?" sumagot si Mahuna, "Oo, kung siya mong nais." Nagtanong muli ang Abyang, "Babae, pupwede ba akong manirahan pangsamantala sa tabi ng inyong bahay?" at sumagot din muli si Mahuna, "Pupwede naman, Bagama't amin ito ay hindi naman kami maramot." Muling nagtanong sa ikatlong beses ang Abyang, "Pwede mo bang ituro sa akin ang mga puno't kakahuyan ninyo dito, nais ko sanang pumutol para makapaghanap-buhay at kapalit nito ay bibigyan ko kayo ng pera?" "Naku, hindi pupwede, mahigpit na ipinagbabawal sa aming mga katutubo na pumutol ng kahoy ni Makedepat, dahilan sa ikamamatay namin ito. at ano ba iyang pera?" sagot ni Mahuna. Noong mga sandaling iyon ay dumating na si Agta dala sa kanyang kalatkat ang nahuling baboy-ramu. Matapos ang ilang sandali ng pamamahinga at pagnga-nganga ay muling nagtanong ang Abyang ngunit patungkol na kay Agta, "Kaibigan, totoo bang pagpumutol tayo ng puno ay mamamatay kayo?" "Totoo pong ipinagbabawal po sa amin ni Makedepat ang pagputol ng kahoy dahil po ang sabi ay ikamamatay namin ang pagputol ng aming kinakapatid na puno." sagot ni Agta lakip ang kainosentihan. "Hindi naman ikaw ang puputol, ituturo mo lang sa akin at kung gusto mo e papasanin mo pagbaba sa kabundukan kapalit ng dala kong bigas at ilang bagay mula sa kabayanan. Makakatikim ka na ng bigas at magkakaroon ka pa ng pera tutal marami namang kahoy dito at di na mapapansin iyan." sulsol ng Abyang kay Agta. Ang sumunod na pangyayari ay ng marinig sa unang pagkakataon ang nakabibinging ingay ng lagari na tinatawag na "powersaw" sa kagubatan na ENGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!! bLAG!!!! At naputol na nga ang punong kinakapatid nina Agta at Mahuna. Hindi lang isa o dalawang puno kundi marami pang nasunod na pinutol sa araw-araw. Di nagtagal ay muling bumalik si Makedepat na pahiyaw na hinahanap ang dalawang katutubo. "Agta! Mahuna! nasaan kayo?" tanong ni Makedepat. "Narito po kami makedepat sa kugonan." sagot ng dalawa. "Bakit kayo nagtatago dyan?" papaanong nagkaroon ng kugonan dito at bakit wala na kayo sa kagubatan? nasaan ang mga kinakapatid ninyong sina kakahuyan?" tanong muli ni Makedepat na may halong pag-aalala. "Ah! E, hubad po pala kami sa aming kasuotang bahag at tapis?" paiwas na tugon ni Agta. "At sino ang maysabi sa inyong hubad kayo? mayroon bang pumutol ng kahoy sa inyo?" tanong muli ni Makedepat sa malakas na tinig. "Ang Abyang po ang pumutol at pinasan ko lang naman kapalit ng tinatawag nilang mga maliliit na butil na bigas na tila itlog ng lamgam at ilang damit daw na aming isinusukat ngayon." tungon ni Agta na kinakabahan. "Manloloko ka Abyang!" sa galit ni Makedepat ay hinarap ang dayuhang Abyang at nagwika muli dito na, "Mula ngayon ay hindi ka na makakalakad ng patayo sa kabundukang ito, gagapang ka't maghihirap at halos aabot sa iyong bibig ang iyong tuhod sa pag-akyat sa kabundukan. Lulubog ang iyong kabayanan at mangangalunod ang iyong pamilya sa baha. Mararanasan mo ang matinding nakakapasong init ng araw. lalanghapin mo ang mababahong usok na iyo mismong ibinuga sa hangin ana siya mong ikalalason." "At ikaw naman Mahuna, dahilan sa hindi mo pinigilan ang iyong asawang si Agta sa pagtuturo ng iyong kinakapatid na kahoy, ikaw ay maghihirap sa panganganak, paghihirapan at luluha kang hahanap ng mga ipakakain sa iyong mga anak na sa tuwina'y mangangagutom." sumpa ni Makedepat kay Mahuna. At bumaling naman si Makedepat kay Agta at nagwika na, "At ikaw naman agta dahil sa iyong kapabayaan sa pag-iingat sa lupain mo at pagwawalang bahala sa iyong pagiging katutubo ay dadanas ka ng mas maraming hirap. magiging dayuhan ka sa sarili mong lupain. Hahamakin kang mang-mang at marumi. Itataboy ka ng papasok sa liblib na kagubatan ng mga dayuhan na halos wala ka ng maiikutan at sa tuwi-tuwina'y may mga Abyang na magnanais agawin sa iyo ang ituturing mong lupaing ninuno dahilan sa pinahintulutan mong mawasak ang Mahabe Pagotan." Nabago na nga ang malaparaisong Mahabe Pagotan dahil sa kapabayaan nina Agta at Mahuna na maputol ang kinakapatid nilang puno kung saan ang kagubatan ay unti-unti ng naglalaho. Ngunit nangako si Makedepat kayna Agta at Mahuna na, "Sa inyong paglisan sa aking biyaya ay pasasamahan ko kayo sa aking mga sobkal na siyang gagabay sa inyong pagsusumikap na muling makabalik sa inyong dating kalagayan upang maangkin muli ang lupaing ninuno sa pamamagitan ng inyong KULTURA at PAGKAKAISA. At ipinangangako ko na mula sa INYONG HANAY ay magmumula ang mga katutubong magliligtas sa inyong abang kalagayan." Tila nawala na nga sa lupaing paraiso ang mag-asawang Agta at Mahuna. At magpahanggang ngayon ay patuloy ang kanilang mga anak at apo sa paghihirap upang maangkin ang kanilang dating lupain na makapal ang kakahuyan na kagubatan. Kinakailangan pa nila tukuyin at kilanlin sa kapahintulutan ng pamahalaan ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno samantalang walang pinakamabisang pamamaraan na maangkin ito kundi ang kanilang pagiging katutubo-pagsasabuhay ng KULTURANG DUMAGAT. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang Abyang sa pag-aabang sa mga mag-asawahang Dumagat na muling maloko sa pagnanais na makapagtroso na pinasimulan lamang ng isang punong kahoy na itinuro ng mag-asawahang sina Agta at Mahuna. Ang kasaysayang ito na Kusang-Sumibol ay kinatha ni Ilabe na isang tagalog na nakipamuhay sa mga katutubong Dumagat at nangalap ng mga orihinal na impormasyon ukol sa mga katutubong Dumagat na may kamulatan sa silanganing kaisipan (eastern thinking) na ibinatay ang kanyang paglalarawan sa itaas ng Paglikha sa Genesis ng Biblia ay kakikitaan naman ng tunay na pangyayari ayon sa tunay na karanasan. ang mga pinagbatayan niya ay isinalaysay ng mga katutubong dumagat na ngayon ay karamihan sa kanila'y sumakabilang buhay na. Mula sa aklat na "BAKIT SILA NANGANGAMATAY SA GUTOM? ni Ilabe" pahina 115-118."
'AphrOdiTe'
» FTalkElite
FTalk Level: zero
4140
0
1969-12-31

Re: Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

[b]wew wrong thread better to post this in phil. sec. reported. [/b]
`mizeL
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
FTalkers ♥♥ My Threads!
3034
0
1969-12-31

Re: Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

ano toh????????? explain!!!!!!
duchess
» FTalkElite
FTalk Level: zero
6453
0
1969-12-31

Re: Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

:arrow: Walang reaction ang thread starter O_O tl;dr [b]CLOSED[/b]
  • ARCHIVES 
  • » Kasaysayan Kusang Sumibol at Simula ng Pagkasira ng Kagubatan batay sa Katutubo Noong unang panahon ay nagsosolo lamang si Makedepat. Dahilan sa Kanyang kabutihan ay nilikha Niya sa unang pagkakataon

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 19:54

[ 10 queries - 0.012 second ]
Privacy Policy