[quote=As cicatrizes]ang problema lang talaga sa mga proposal na ganyan., it would cost a lot.,and hindi maiiwasan na mga 20% ng budget para sa ganung proyekto eh mapupunta sa pulitikong nagpropose nun.,
isa pa.,andame pa nga ng utang ng pinas sa world bank,bakit hindi muna nila bayaran ang utang dun.,baka di na tayo pautangin ng world bank pag di tayo makabayad.
wala ng makukurakot, i mean,magagamit ang mga public officials naten for their projects.
[/quote]
Wag na tayong magturuan. Malalaki na tayo. Bakit pa natin kelangan umasa sa gobyerno e alam na nga natin na hindi naman nila tayo matutulungan? Sinagot mo na rin ang tanong mo, malaki talaga ang gastos dyan. Isipin mo na lang kung 10k ang isang solar panel, tingin mo ba kukunin yan ng mga tao? Malamang kaya hindi yan kinuha ng gobyerno dahil alam din nila na malulugi sila kahit na environment-friendly.
Ang dapat lapitan dyan ay yung Meralco kasi majority ng electricity natin sa kanila nakukuha. Private din naman sila. Malaking advantage din sa kanila yun para hindi na sila mapilitan itaas ng itaas ang bill sa kuryente. Ang hindi kasi alam ng mga tao, dumedepende rin sila sa iba't ibang gastusin kaya pwede rin maapektuhan ang kuryente. Hindi porket minomonopolize nila ang market sa kuryente, ganun na lang kataas ang singil nila.