Pages: 12
[/spoiler]
[img]http://i295.photobucket.com/albums/mm137/dEniSeBhABy/Labyoo2.png[/img]
NOTE: Hindi ko po kilala ang mga nasa picture. That's not their real names. Pictures are just used for better imagination. Nakuha ko lang po yan sa friendster. If ever you know these people kindly extend my apology to them for using their pictures without their authorization. Thank you.
This is about a 4th year high school transferee student named Chloe. She met these two cute guys namely Cyrus and Joshua. Who will be her prince till the end? That's for you to find out. 
[b]SOON ! ! ! SEASON 2 OF MEDYAS A LOVE STORY ABANGAN :[/b]
[img]http://i295.photobucket.com/albums/mm137/dEniSeBhABy/Labyoo1.png[/img]
					Last edited by CzarinaLabyoo (2008-09-18 03:17:09)
Last edited by CzarinaLabyoo (2008-09-17 04:51:08)
it sounds interesting....
nyc..nyc one,..
update nah puh...
ganda ng medyas ni chloe
					Last edited by ashely_pain15 (2008-09-17 07:55:28)
hahaha . . . .
ok nga un eh ganda ni chloe oh . . .
sa picture dun sa taas . . .
mea mea q uupdate 
				
eeehh..ganda nga ni chloe...pati c cyrus..ggwap0 
					Last edited by ashely_pain15 (2008-09-17 07:59:42)
 i know we are new here in FS talk i read the rules of FS talk one of it is dont spam 
 hope u read the rules too . . . by d way thnx for reading my story
@all: thnx~
				
gwapo ni cyrus...grabeeh...he lukz familiar...
d kuh lng maalala..
cnu...?cnu ung dmating...?
				
ganda tlga ateh ahy...
weEh....png-axar c joshua...
				
				
 so i can know ya 
@ashley_pain15: ito na po ang update ^_^ salamat sa pagbabasa
[align=center][b]A hidden message[/b][/align]
Ilang araw narin ang nakalipas at hanggang ngayon hindi parin ako makarecover sa sinabi ni Cyrus na crush rin niya ako kahit alam kong biro niya lang yun. At oo, tama si Joshua na umaasa ako na isang araw magustuhan rin ako ni Cyrus. Sino ba namang babae ang ayaw magkatuluyan sila ng lalaking pinapangarap niya diba?
"Ay tutubi!" ang naisigaw ko nang may tumamang crumpled paper sa ulo ko. At kanino naman nanggaling yun? Kanino pa kundi sa laging nangyayamot sa akin na si Joshua.
"Asan tutubi? Hahaha! Tulala ka nanaman diyan. Iniisip mo nanaman si Cyrus parang kanina lang kasama natin eh. Miss mo agad. Hahaha!" sabi sakin ni Joshua matapos kong mapasigaw.
"Yun nga eh, kasama 'NATIN'. Kailan kaya magiging kasama 'KO' nalang." pabulong kong sagot ni Joshua.
"Ha? Ano un panget? Di ko narinig. Pakiulit dali." tanong niya sa akin nung narinig niya akong may sinasabi ng pabulong.
"Sabi ko ang gwapo mo! Kaya lang binge!" sagot ko sakanya.
"Ang yabangggg... Ang hina kaya ng boses mo. Pulutin mo nalang ung papel na kinalat mo." parang napipikon niyang sinabi sakin pero nakangiti.
"Bakit ako pagpupulutin mo? Kalat mo kaya yan! Ikaw nagbato eh." muli kong sagot kay Joshua.
"Sino ba last touch? Di ba ikaw? Kaya ikaw ang mag-pulot!" sabi ni Joshua na lumayo at pumunta sa iba pa naming kaklase. Napakabastos talaga ng lalaking yun kahit kailan. Buti nalang at hindi nahahawa sakanya si Cyrus. At eto naman ako, pinulot nga ang papel at inihagis sa basurahan kaya lang hindi na-shoot, bahala na nga nakakatamad eh lilinisin naman yan ni Kuya Manong mamaya.
"Chloe, tara lunch na tayo." boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking likuran. At pagharap ko hulaan niyo kung sino... Si Cyrus! Kilig to the max ako siyempre, kahit araw-araw naman kaming mag-kasabay kumain. Si Joshua kasi kadalasan ang nag-aaya sa akin na sumabay kumain sakanila. Sila talagang dalawa ang naging kaclose ko sa klase namin. Kaya ang tingin tuloy sa akin sa aming eskwelahan ay malandi dahil sikat silang dalawa sa campus, hindi lang mga gwapo, achievers pa. O ha haba hair, mga bigatin kasama ko. Pero kahit alam ni Cyrus na sikat siya sa campus, hindi siya nag-tatake advantage ika-nga down-to-earth parin siya. Ewan ko nalang kay Joshua. Hahaha!
"Ha? Ah sige. Si Joshua?" nahihiyang sagot ko kay Cyrus.
"May practice pa daw sila ng groupmates niya. Kayo wala ba kayong practice?" tanong ni Cyrus sakin. Dininig na ni Lord ang panalangin kong makasama si Cyrus ng solo, sa wakas. Hihimatayin ata ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Tapos na kami kanina magpractice. Kayo baka may practice pa?" kabado kong tanong sakanya pero keri lang bawal magpahalatang kabado na excited ako.
"Tapos na rin kami. Ano? Lunch na tayo?" tanong sakin ni Cyrus with his pamatay na ngiti. Malulusaw na ata ako. Parang gusto ko na pasabayin uli samin si Joshua, di ko alam kung makekeri ko toh. Hahaha. Chloe, inhale, exhale... Kaya mo yan.
"Tara." sagot ko sakanya at sabay na nga kaming naglakad papuntang canteen. Pinapangarap ko na balang-araw habang naglalakad kami ni Cyrus hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Hahaha! Chloe gising baka madapa ka nakakahiya kay Cyrus.
Pagkadating nga namin sa canteen ay agad siyang pumila at tinanong kung ano ang bibilhin naming ulam. Saktong mayroong sinigang na baboy na paborito ko, kaya yun ang pinili ko. At naghanap na nga kami ng upuan at nagsimulang kumain. Habang kumakain kami nagulat ako dahil nagsalita si Cyrus, hindi kasi siya nagsasalita habang nakain kapag kasama namin si Joshua. Bukod pa sa bigla niyang pagsasalita, nagulat rin ako sa pag-order niya ng combo meal kung saan hati kami sa isang klase ng ulam na kadalasan nama'y solo meal lang ang inoorder naming tatlo.
"Chloe, paborito mo?" tanong sakin ni Cyrus.
"Oo, Masarap ba? Sensya ka na ah, tagal ko na kasing hindi nakakakain niyan lagi kasing prito ulam namin eh. Hehehe." sagot ko kay Cyrus.
"Oo masarap. Ok lang un, kaya nga ikaw pinapili ko ng ulam para makakain ka ng maayos." ang isinagot naman sakin ni Cyrus. At bigla nalang dumating si Ericka.
"Pwede maki-upo? Sensya sa istorbo sa date niyo ah? Wala na kasi maupuan eh." tanong ni Ericka samin.
"Sure." sagot ko. "Hindi." sagot naman ni Cyrus.
"Sige po. You may join us." Halos magkasabay kaming sumagot kaya naman sumagot na lamang ako uli. At umupo nga si Ericka sa tabi ni Cyrus.
"Bakit nasa campus ka pa? Hindi ka naman dito nag-aaral." tanong ni Cyrus kay Ericka nang hindi man lang tumitingin dito.
"Ano ulam mo Cyrus? Sinigang na baboy? Hindi ka naman kumakain ng baboy diba?" tanong naman ni Ericka kay Cyrus na hindi sinagot ang tanong nito. Nagulat ako dahil nalaman kong hindi pala nakain si Cyrus ng baboy pero ngayon ay nakain siya nito.
"Ngayon mo lang ba nalaman na nakain ako ng baboy? At paborito ko ang sinigang na baboy? Tagal mo kasing nawala eh." sagot naman ni Cyrus kay Ericka. Naloloka na ako sa dalawang ito para silang nag-aaway sa harapan ko. Pero infairness kinikilig ako, pareho pala kami ng paborito ni Cyrus.
"Ah, ganun ba. Dami na palang nagbago dito." pagsang-ayon nalang ni Ericka sa sinabi ni Cyrus.
"Madami na talaga... Chloe tapos ka na ba kumain?" tanong sakin ni Cyrus na tapos nang kumain.
"Ah, oo." sagot ko sa tanong niya.
"Balik na tayo sa classroom. Mag-time na." sabi sakin ni Cyrus.
"Pero... si Ericka walang kasama." nag-aalalang tanong ko kay Cyrus. Kahit alam kong ex niya si Ericka, alam ko rin naman ang pakiramdam ng maiwan mag-isa.
"Naki-upo lang naman siya eh. At masaya na yan na nasira niya ang date natin." sagot ni Cyrus sakin. Ano kamo ang sinabi ni Cyrus? D-A-T-E? Bakit hindi ko alam na nag-dadate kami? Eh di sana hindi ko na pinaupo si Ericka kung nagdadate pala kami. Hahaha. Joke lang. Hindi umiimik si Ericka sa mga sinasabi ni Cyrus pero nakikita ko sakanyang mga mata na pinipigilan niyang maluha.
"Mauna ka na Cyrus." muli kong sagot sa pag-aaya niya.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama. Mag-titime na Chloe oh? Malalate na tayo. Kaya na ni Ericka sarili niya. Tara na." muling pag-aaya ni Cyrus sakin. Wala akong nagawa kundi sumama sakanya pero hindi ko maiwasang mag-alala para kay Ericka dahil nakikita kong paiyak na siya.
"Pasensya ka na Chloe sa ugali ko ha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mairita kapag nandyan si Ericka." sabi sakin ni Cyrus habang naglalakad kami pabalik ng classroom.
"Ah. Ok lang un. Ang sungit mo pala. Hahaha!" pabiro kong sabi sakanya para mawala ang init ng dugo niya.
"Sakanya lang. Hindi kita susungitan ng ganun, promise." sabi niya sakin habang nakadisplay nanaman ang kanyang killer smile. Kinilig nanaman ako. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyayaring ito pero sinubukan kong kurutin ang braso ko nasasaktan naman ako. Maloloka na ata ko.
Nakasalubong namin sa daan ang janitor ng aming eskwelahan. "Hi Kuya Manong!" ang bati ko sakanya.
"Hello Ms. Beautiful at Mr. Handsome! Late na kayo ah" sagot sa amin ni Kuya Manong.
"Hindi pa naman po. Papasok na po kami ng classroom oh. Sige po, ingat sa paglilinis ng campus." sagot ni Cyrus kay Kuya Manong. Ang galang niya, grabe meron pa palang ganitong klaseng lalake ang nabubuhay sa panahong ito?
"Sige, ingat din kayo. Aral ng mabuti!" sabi ni Kuya Manong sa amin. At pumasok na nga kami sa classroom.
---
"Mga batang ito talaga. Magtatapon lang ng basura sa sahig pa, hindi sa basurahan." At pinulot nga ng janitor ang papel na nakakalat sa sahig. Binuklat niya ito upang malaman kung importante ang nakasulat.
Pasensya ka na sa mga biro ko.
Pasensya ka na sa mga banat kong nakakapikon.
Pero gusto ko lang sanang malaman mo,
Na nakuha mo na ang atensyon ko nung una pa lamang pagkakataon.
[i]-J.G.�[/i]
"Talaga nga naman ang kabataan ngayon. Dinadaan-daan sa pasulat sulat. Ayaw pang sabihin ng harapan. Mahirap na ang buhay ngayon. Mahal na ang papel. Tsk.Tsk.Tsk." pailing na sinabi ng janitor matapos mabasa ang sulat.
Chapter 4 ended
				
 
 
				
				
nice editing skills you got there. 
have you read what plagiarism is?
better READ FiRST.
for the readers. here's the next chapter. 
[spoiler][align=center][b]What? Cyrus is absent?! OMG![/b][/align]
Ang sarap nga naman kumain ng lunch kapag kasama mo ang taong nagpapaganda at nagpapakulay ng araw mo. Hindi ko talaga makalimutan ang mga ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Yun nga lang, nabitin ako sa moments namin ni Cyrus.
Pagkaupo ko sa aking upuan agad akong tinabihan ni Joshua.
"Chloe, ung papel na pinapulot ko sa'yo?" tanong niya agad sakin.
"Eh di tinapon ko." sagot ko sa tanong niya.
"Bakit mo tinapon? Sabi ko pulutin mo lang eh." muli niyang tanong na medyo malungkot.
"Nye, ano naman gagawin ko dun? Remembrance? Eh basura lang un galing sa'yo. Hahaha." pang-aasar kong tanong kay Joshua.
"Labo mo naman oh. May sulat pa naman dun si Cyrus. Sayang." pailing niyang sagot sakin.
"Weh? Di nga? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Eh di sana binasa ko. Ikaw ang malabo!" nanghihinayang kong sagot sakanya at agad akong tumayo para puntahan ang basurahan kung saan ko tinapon ang papel.
"Sus. Kita mo toh. Nung nalamang galing kay Cyrus kukunin pa niya kahit nasa basurahan na. Loko lang un. Sige salamat na lamang sa pagtapon ng BASURA ko ha." pagpigil niyang sagot sa akin na may tonong pagtatampo sabay alis sa upuan. Ano bang problema nun? Parang basura lang eh. Ako na nga tong pinagpulot niya at pinagtapon siya pa tong galit at sinabihan pa akong malabo, tama ba un?! Siya nga tong malabo eh.
Sa likod ko lang nakaupo sina Joshua at Cyrus kaya habang nagkaklase naririnig kong bumubulong-bulong si Joshua.
"Pinagbigyan na nga't lahat sa hiling niya, hindi man lang nagpasalamat. Tinapon pa ang pinaghirapan mong gawin. Talaga nga naman." ang binubulong niya.
"Salamat ha!" sagot ko kay Joshua dahil malakas ang pakiramdam kong ako ang pinariringgan ng lalaking ito dahil siguro narinig niya na sana masolo ko naman si Cyrus kaya hindi niya kami sinabayan nitong lunch. Grabe muntik na akong matawa nang sinabi niyang pinaghirapan niyang gawin ung papel. Eh ginusot niya lang un at ibinato sa akin. May sayad na yata tong si Joshua.
"Cyrus, salamat daw sa date niyo sabi ni Chloe." sabi ni Joshua kay Cyrus nang marinig ang sinabi ko.
"Ha?" ang tanging naisagot ng walang kamalay-malay na si Cyrus.
"Ang gwapo mo daw, kaso binge sabi ni Chloe." sagot ni Joshua ng mapa-'ha?' Cyrus.
"Loko wala namang sinabi si Chloe eh, makinig ka na nga kay Ma'am" sagot naman ni Cyrus.
Ang kapal talaga ng Joshua na yan. Sisiraan ba naman ako kay Cyrus. Buti nalang at hindi niya pinansin ang sinabi ni Joshua.
Natapos na nga ang klase sa napakasayang araw ko. At isang himala ang araw na ito dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ngayon lang hindi tinago ni Joshua ang bag ko. Laking pasasalamat ko talaga. Pero... hindi kaya nagtatampo sa akin si Joshua dahil tinapon ko ang pinaghirapan kuno niya?
Agad akong lumabas para hanapin siya at tanungin kung nagtatampo nga ba siya. Nakita ko siyang parang nag-iisip ng malalim sa dulo ng 1st floor kaya agad ko siyang nilapitan.
"Joshua!!!" sigaw ko habang papalapit sakanya.
"Umuwi na si Cyrus." agad niyang isinagot sa akin.
"Nyeh, hindi naman kita tatanungin kung asan si Cyrus eh--"
"Oh bat ka andito? Kaaalis lang ni Cyrus maabutan mo pa un. Sige na puntahan mo na siya." putol niya sa aking pagsasalita. Bastusin talaga, hindi pa ako tapos mag-explain eh nambabara kaagad.
"Uuyyy... Bat kaya ang sungit ni Mr. Garcia?" paglalambing kong tanong sakanya habang kinukurot ang tenga niya.
"Tinapon mo kasi ung BASURA ko eh." sagot niya sakin.
"Bakit? Ano bang meron dun sa BASURA mo?" paglalambing ko paring tanong kay Joshua.
"Wala. Di bale na nga. Tara na uwi na tayo." ang tanging sagot sa akin ni Joshua na napangiti ko kahit kaunti. Ano ba talaga meron dun sa basura niya at napakabig deal para sakanya? Bahala na nga un. Makakalimutan niya rin un. Hahaha.
Kinabukasan ang aga kong pumasok dahil sa napakagandang araw ko kahapon. Isang oras pa bago kami magtime. Nagkaroon ako ng pagkakataon makilala pa ng lubos ang iba pa naming kaklase na maaaga magsipasok. Kwentuhan tungkol sa mga teacher, mga estudyante at sa kung ano-anu pa. Chismis dito, chismis doon. Ang dami kong nalaman sakanila, tungkol kay Cyrus at sa kung sinu-sino pa. Kung alam ko lang dati pa na ganito kadami ang kwento tuwing umaga eh di sana lagi akong nakikichismis sakanila. Hahaha. Ang dami na naming napagkwentuhan pero hindi parin dumadating si Cyrus siguro nalate lang un ng gising.
Nagsimula na nga ang aming klase pero wala parin si Cyrus.
"Mr. Bernal?" sabi ng aming teacher.
"Mr. Bernal??" paulit niyang sinabi.
"Absent po Ma'am!" sagot ng katabi niyang si Joshua.
[i]Bakit absent si Cyrus?
May nangyari kayang masama sakanya?
Nakakawindang namang kung kailan ako pumasok ng maaga para makita siya dun pa siya umabsent!
Cyrus asan ka na ba?[/i]
[b]Chapter 5 ended[/b][/spoiler]
hope you like the next chapter.
[spoiler]ang hirap walang preview button. i can't preview my reply. XD[/spoiler]
Thank You CzarinaLabyoo.[/spoiler]
					Last edited by misstinapay (2008-09-20 09:22:27)
right, misstinapay? 
and by the way, si misstinapay po ang totoong author ng story na to. look, nipost na nya yung next chapter oh. 
					Last edited by xxBUBBLiExx (2008-09-20 10:16:54)