nais ko lang ipamahagi sa inyo ang ginawa kong tula noong panahon ng aking kaguluhan....(ang lalim noh)
pinamagatan ko itong
[b]Buhay[/b]
[spoiler]BUHAY
Sa panahon ngayon ,may patutunguhan
Sa mundong magulo ating kapalaran
Di mo maaninag yaong kaginhawaan
Pilit hinahanap ang kapayapaan
Sa lahat ng tao dito sa ‘ting mundo
Walang isa sa ‘tin ang naging perpekto
Sa buhay nating punong-puno ng gulo,
May solusyon pa rin,iyan ang totoo
Naging mahina man ating mga ulo
Huwag kang mag-alala kaibigan ko
Hanggang ikaw ay nagpapakatotoo
Matutuwa pa rin sa iyo ang mag tao
Tunay na ugali natin ay lumabas
Sa masamang bisyo hindi makaiwas
Sa mundo ko’y gulo tayo ay nadulas
Kaya ngayo’y naligaw ating landas
Ang ating buhay ay may takdang panahon
Tulad ng puno,nalalagas ang dahon
Huwag hayaang buhay ay matapon
Sapagkat ito ay biyaya ng Poon
Mga oras natin huwag sayangin
Mga bagay na nararapat ay gawin
Katapusan ng buhay huwag hintayin
Sapagkat buhay natin din na maaangkin
Bawat sandali ating sariwain
Kabutihang loob ating pairalin
Kapayapaan ng lahat ay unahin
Isiping ito ay para rin sa atin[/spoiler]
[b]Tatay[/b]
[spoiler]Ang ama ko ay mahalaga sa akin
Kung wala siya, hindi alam ang mgagawin
Walang magtuturo ng aking aralin
Walang magluluto ng gaming pagkain
Ang aking ama ay sobrang matiyaga
Lahat ng Gawain kanyang ginagawa
Pati na rin ang paghuhuli ng mga isda
Sa masaya at makulay naming sapa
Minsan, may panahon sa ating mga buhay
Isa ay nangangailangang humiwalay
Sanhi ito ng kahirapan sa buhay
Pati tuloy kami ay nadadamay
“anak ko’y huwag na kayo magalala”
“nandito naman ang tangi ninyong ina”
“handing tumulong sa anumang problema
maaasahan sa hirap o ginhawa
Ama ko sa wakas ako’y napapayag
Para daw ito sa perang idadagdag
Panyo ko ay kinuha ko sa aking bag
Upang hadlangan ito’y nakakasinag
Ang mga luha ko ay aking pinunasan
Sana pati kalungkuta’y mabawasan
Pagpapaalam ay parang kawalan
Lahat naman ito’y may kaginhawaan[/spoiler]
ito ay isang kanta..
[b] proud to be ann gillian[/b]
[spoiler]Ann Gillian, computer maghapon
Galing ako sa seksyong Newton
Mahilig akong kumain ng pancit canton,
u don't understand click the button
[url=]click here[/url]
AniMusix ang aking grupo,
We are happy kahit magulo
we are the best sabi ng tao,
mahilig kaming kumuha ng video
ako'y wag na wag maliitin
ako'y maraming kayang gawin
ayaw pansinin, wag papansin
Baka ika'y aking hampasin
Natapos na ang aking tula
sana lahat kayo's natuwa
di biro gumawa ng tula
lalo na 'tong aking dinula..[/spoiler]
iyan ang nangyayari pag boring ang buhay..
Last edited by ann gillian (2011-01-10 08:42:39)