Hi everyone! sana po magustuhan niyo yung story na isusulat ko

sa totoo lang madami na akong stories na hindi ko matapos-tapos kasi pag sinumpong ako, di ko na itutuloy yun ulit kahit kailan.. so i hope na matapos ko to..
[spoiler]wag lang sana akong saktan ng inspiration ko sa story na to para makompleto ko

anyway, enjoy po kayo..![/spoiler]
suggestions are highly appreciated

[u][b]THE CAKESHOP[/b][/u]
Almost six years ko na siyang hinihintay after nang magpaalam siya sakin kasi mag-mimigrate na sila sa New York.. Six years na ang nakalipas ng iwan niya ko dito sa cakeshop na to.. I thought it will be the end of the world nung umalis siya, but I was wrong.. I’ve found out na bumalik siya after six years of waiting at I admit na sumaya ako.. pero.. pero inlove na siya… inlove na siya sa iba… at ang masakit pa dun……
“Anak gising na! may pupuntahan pa kayo ng papa mo..” sabi ni mama habang tinatapik ako sa hita..
“opo ma! Bababa na lang po ako..”
Naku!! Si mama talaga! Kelangan ba talagang bulabugin ang napakapayapang tulog ko?! Nakakainis.. gusto ko pang matulog eh kaso may appointment si papa kay tito hervic.. I have to rush fixing myself..
“anak, ito na lang ang isuot mo..” at iniabot nga sakin ni mama ang white at green dress..
“ma naman, dress?? Ayoko nga! Alam mo naman na allergic ako sa ganyan diba? Hindi ba pwedeng jeans na lang tsaka shirt??”
“hoy bata ka, ano sa tingin mo ang pupuntahan mo? Ordinaryong party?? Ipinaaalala ko lang sayo na Engagement party yun ng anak ni tito hervic mo.. si alexa..”
“ma, bakit kasi kelangan pa na nandun ako??”
“ay loka-loka ka talaga! Natural dapat andun ka kasi pinsan mo yung nag-iimbita sayo.”
“hayyy.. sige na nga ma.. teka..”
At bago pa ako makapag-salita, binagsak na niya ang pinto sa mukha ko.. itatanong ko lang naman ulit kung kelangan ba talagang bestida ang isuot ko..
“ang epal talaga.. tama ba yung ginawa ha? Nakakainis talaga! Ayokong mag-attend sa pasosyalang party ng alexang yun!”
Then suddenly, bumukas ang pinto..
“anong epal na alexang yun?? Hoy babae, pinsan mong buo yun kaya wag mong nilalalait-lait.. intiendes??”
*shocked* “o ma, niloloko lang naman kita eh.

” at may uber ngiti pa akong ipinakita. AhahÜ baka bawasan pa niya ang allowance ko para next week

Oo nga pala, ako nga pala si Ayesha Rinelle Hernandez at Yesh for short.. 16y/o at nag-aaral sa Xavier High School.. I’m a graduating student and ayoko nang dresssss!!

pero hindi naman ako tomboy.. ewan ha pero ayoko ng mga sleeveless, tube tops, backless at kahit maikling palda pa yan.. kontento na ako sa simpleng shorts lang at t-shirt.. ayoko kasing pinapakita ung balikat ko.. di baleng Makita na ang binti ko wag lang ang shoulders.. allergic ako sa powder at make-up.. dapat hypoallergenic ang mga yun bago ko magamit.. napaka-sensitive.. hayyy…
“maayos na ba ang lahat?” sabi ni papa.
“oo, si yesh na lang ang hinihintay.. ang anak mo nga namang yun.. ayaw magbestida.. akala mo naman ikamamatay niya pag nagsuot siya nun” sabi ni mama.
At parehas silang tumawa ng malakas.. nakakainis, bakit kasi only child lang ako eh? Ako tuloy ang obligadong laging sumama kina mama at papa pag may lakad sila..
“ma… kadiri oh. Ang pangit ko.” habang nagdadabog ako dahil suot ko na ang tube dress na binigay ni mama.. padala yun ni alexa from bataan para lang makaattend ako sa bonggang-bonggang party niya..
“wow! Napakaganda naman ng prinsesa ko!” pambobola ni papa.
“oo nga. Dapat talaga lagi ka ng nagsusuot ng ganyan anak..” singit naman ni mama.
“pero ma…”
“wag kang mag-alala anak ko, ibibili kita ng madaming dress sa susunod na lingo..” akala niya siguro magpapabili ako..
“pa oh, tignan mo si mama.. bibilhan daw ako ng madaming dress eh di ko naman susuotin yun noh..” at nag-frown ako.
“oh anong problema dun baby? Tama naman ang mama mo eh.. para naman magmukha ka ng dalaga. Eh kung pumorma ka ay para kang lalaki. Sabihin mo nga anak, tomboy ka ba?” pabirong sabi ni papa.
“Of course not papa! Ano ba yan! Alis na nga tayo papa, matagal pa ang biyahe papuntang bataan, dapat 5pm pa lang andun na tayo..”
“o siya sige.. una na kami ma ha? Lock mo ang mga pinto..” sabi ni papa kay mama tsaka niya hinalikan si mama

At ayun nga, 10:00am na kami nakaalis ni papa sa bahay dito sa maynila.. kung mapapansin niyo, kami lang dalawa ni papa ang umalis kasi may order si mama ng specialty niyang cookies sa birthday ng anak ng isa niyang kumare..
--HABANG NASA BIYAHE…
“baby, nagugutom ka na ba? Baka gusto mong dumaan muna tayo sa isang resto bago tumuloy dun?”
“pa, malayo pa ba tayo kina tito hervic? Naku pa, di pa naman ako gutom eh. Kung gusto mo pa bili ka ng food mo tapos hintayin na lang kita..”
“malapit na tayo.. ikaw lang naman ang inaalala ko anak kasi ayaw kong magutom ang baby ko..”
“salamat papa

ikaw talaga.. I love you papa.”
“mahal din kita anak.ü”
--4:30pm sa bahay nina tito hervic.
Pagbaba pa lang namin ni papa ng sasakyan, ang dami na ng taong nakatingin samin na hindi ko naman kilala.. siguro kilala naman nila si papa

pero nakakairita naman dahil naka-dress ako.. di tuloy ako komportable..
“Cousin yesh!!!” parang may pamilyar na boses na tumawag sakin kaya lumingon ako.
“alexa?!” nakaka-shock naman si alexa.. di ko akalain na kaya pala agad ikakasal eh dahil buntis siya.. naku naman, ang mga kabataan nga talaga ngayon.
“oh kumusta? Buti na lang dumating kayo ni tito. Ang ganda mo yesh. Para kang prinsesa sa suot mo” at nakipagbeso-beso pa.
“ayos lang.. naku alexa, alam mo naman na ayoko ng ganitong klase ng damit diba? Tapos ganito pa yung ipapadala mo..”
“bakit? Ayaw mo ba? Maganda naman ah?”
“ayaw ko ng bestida diba? Maganda nga kung maganda pero nakakairitang isuot..”
“ikaw naman yesh, minsan-minsan lang to.. salamat parin kahit di taos sa puso mong suotin yan, atleast sinuot mo para sakin

”
“hay naku. Ikaw talaga.”
At iniwan na niya ko.. pano kasi magsisimula na ang seremonyas ng kanyang party..
Tagal naman.. andaming ka-ekekan ng party niya.. akala mo naman perfect match sila nung c eiron

pero infairness ha, ang sarap nung cake na sinerve.. dun lang ako nakakain ng ganun na cake

“anak, uwi na tayo.. hinihintay na tayo ni mama mo..”
“opo pa.. cge po..”
“oh alexa, ipadala mo na lang ang imbitasyon kung kalian ang kasal niyo sa bahay ha?”
“opo tito

”
“sige lex, we have to go.. walang kasama si mama eh.. eiron, ingatan mo si lex ha?”
“o cge.. maaasahan mo ko..” sabi ni eiron.
At umalis na kami.. madaling-araw na ng makabalik kami sa bahay.. pagod na kami ni papa kaya diretcho tulog na kami.. kinabukasan, Sunday na!

may usapan nga pala kami ng kaibigan ko na sabay kaming magsisimba..
“pa, ma, magsisimba po ako kasama si shey..”
“o sige.. mag-ingat ka iha..”
At inabutan ako ni papa ng P500.00

hahaÜ may pangdagdag na ako sa pang-gimmick

“sige po pa, alis na po ako..”
Sa simbahan na namin napagplanuhan ni shey na magkita.. sabi niya ililibre daw niya ako ngayon kasi pinadalhan siya ng pera ng papa niya..
--sa simbahan..
“shey, kumusta?”
“uy yesh, ayos lang.. kaw?”
“ayos lang din.. samba muna tayo..”
After 1 hour natapos nga ang misa.. niyaya ako ni shey magpunta sa Gloria jeans.. treat naman niya eh
“dahil ililibre kita, ikaw na lang ang mag-order

” ang utak talaga ng babaeng to..
“ok sure” at uberr ngiti pa ako.

“psssst! Yesh!”
“ei..eiron?”
“oo ako nga, buti nandito ka?”
“eh nagsimba kami kanina ng kaibigan ko eh tapos napag-isip-isip namin na punta dito.. eh ikaw? Di ba dapat kasama mo si lex nian?”
“lumuwas muna ako dito kasi may pinabiling condo unit si mama at papa dun sa sampaloc para samin ni lex..”
“ahh.. edi dito na kayo titira sa maynila??”
“oo ganun na nga..”
“eh sino nga pala yung kasama mo?”
“ayy.. eto.. c Andrew.. bestfriend ko since elementary

sila yung may-ari nung cakeshop na pinag-orderan namin ng cake nung party..”
“ahh.. ehh.. nice meeting you!

cge ha, hinahanap nako ng *hiccups* kasama ko eh..” ano ba yan wrong timing yung pag-sinok ko..
“ok cge.. yesh sandali lang, ano nga pala yung number mo para matawagan ka na lang namin ni alexa pag naka-lipat na kami sa sampaloc..”
“eto.. 091********… alam *hiccups* ko na pala yung number mo kaya *hiccups* di ko na kukunin, pinantext kasi *hiccups* ni alexa yan dati eh..”
“o cge.. ingat ka yesh..”
“ok! *hiccups* kaw din.. I mean *hiccups* kayo pala

”
“ok cge.. inom ka ng madaming tubig!” singit ni mr. Andrew..
mang-asar ba? naku.. Ano ba yan. Ang gwapo naman niya..isa siyang prinsipe.. isang bachelor-type ng lalaki.. pero bakit ganun? Sa sobrang pagka-pressure nung ipakilala siya sakin ni eiron sininok tuloy ako.. kainis..
[i]--to be continued--
sana po magustuhan niyo

[/i]
Last edited by Phynne06 (2009-09-16 09:58:08)