yes. this story is true to life. wanna know them?
imma post pictures. hahaha.
well anyways. im done with chapter 1.
[color=deeppink]
[b] CHAPTER 1 [/b]
[b]
-May bago daw Ministro? tanung sakin ng kapitbahay namin.
-Huh? talaga? sino?
-Sa tarlac daw galing eh. ata. May dalawang anak, isang babae isang lalake.
-Ahh. talaga? Matingnan nga bukas sa pagsamba.
May bago na palang Ministro? Sabagay ano naman saken? De may bago kung may bago! Hindi naman ako magkakapera kung may bagong ministro nuh. Wala naman akong pakialam sa kanila noh. Basta ako sasamba na lang. Sabi ko sa sarili ko pagkaalis nung kapitbahay namin.
Lumipas ang ilang araw naging usap-usapan na sa lokal yung anak ng Ministro na lalake, madaming kinikilig na mga babae sa kanya.
-Nako, grabe naman sila, ngayon lang ba nakakita ng lalake? Baka nga hindi pa gwapo yun eh para silang mga tanga.
Mga sabik siguro sa lalaki yung mga tao dito, tamo nga may bago lang kinikileeeg na mga wala siguro tong taste. hahahaha. ano ba to! ang sama ko naman.
Tapos isang araw, pagkagising ko..
-Maria, gumising ka na dyan, andito yung bago nating Ministro kasama yung mga anak nagdadalaw.
-Huh? nako naman kay aga aga namang dalaw nyan. Natutulog pa yung tao weh!
Wala naman akong nagawa, kaya lumabas na lang ako ng kwarto ng hindi man lang inaayos yung sarili ko. Ang gulo nga nung buhok ko eh. Pero hayamo nga yun, sila lang naman yun noh. Paglabas ko, nagulat pa ako nandun din pala yung mga anak nya? Kaya ang ginawa ko? Tumakbo ako ulit sa kwarto, at inayos yung sarili ko.
-Grabe, nakakahiya naman yun. Nakita kaya nila akong magulo yung buhok ko? Sana hindi, kung hindi! bawas ganda points yun. oh hinde!! hahaha.
Tapos, lumabas ulit ako...
-Mukhang kagigising mo lang kapatid. bati sakin ng Ministro
-Ayy. opo, pasensya na po nakakahiya naman po sa inyo.
-Ito nga pala yung mga anak ko.
Pinakilala nga sakin yung mga anak nya, eh nakalimutan ko namang tingnan para naman makita ko na yung sinasabi nilang gwapo, eh nakakahiya naman kagigising ko lang. Next time ko na na nga lang titingnan makikita ko pa naman sila. At hindi rin naman sila nagtagal at umalis na rin naman kaagad.
-Papa, ilan taon na ba yung mga anak nila?
-Ikaw talaga, andyan kanina hindi mo pa tinanong. Yung babae, 17 yung lalake naman, 15.
-Sus ang bata bata pa pala nun, pinapantasya pa nila.
Ano ba naman yan, child abuse pa sila. Bata pa pala yun. Pero, sayang talaga hindi ko man lang nakita kung ano yung itsura nun. Pero basta ang alam ko. Hinding hindi ako magkakagusto dun nuh. Kung sino man sya, basta hindi ako mafafall sa kanya. Over my dead body. haha
Makalipas ang ilang linggo, nakasundo ko yung Ministro. Nun din ay nabanggit nya sa akin yung tungkol sa
"socializing" hiniling nya na gumawa kami ng special number para doon, kaya ako naman pumayag na lang sa gusto nya. Mabaet naman pala eh. Unang araw ng practice ng sayaw nalaman ko na isa sa mga kasama namin sa pagsayaw ay may crush sa anak ng Ministro.
Ano ba yan! lahat ba ng kabataang babae magkakagusto sa kanya? Grabe naman to. Sabi ko naman sa sarili ko.
Eh, isang araw dinalaw kami ng Ministro namin sa practice.
-Ui.. ayan na si Daddy Leo. Hahahaha.
-Talaga!!
-As if naman gwapo talaga yung anak nun.
Haynako, nakucurious na talaga ako dun wah! Bat ba kasi hindi ko makita kita yun.
Hanggang sa dumating na yung araw kung saan magsisimula na nga ang "socializing".
This is it makikilala ko na sya hahaha. Sabi ko naman sa sarili ko bago pa kami magsimula.
Tapos, nakasayaw na nga kami, napagod ako dun wah! Pero ayos na din. Masaya naman eh. At oras na para kumain. Napadaan ako doon sa upuan nila, bigla akong tinawag nung Ministro.
-Maria.
Wow, bakit naman nya kaya ako natawag? Sabi ko sarili ko.
-Po? sabay lingon pagkatawag nya sa akin.
-Ang galing galing mo pa lang sumayaw.
Wow, flattered naman ako dun. Napansin nya pala ako. Sabi ko sa isip ko.
-Salamat po.
-Nga pala, kilala mo na ba yung mga anak ko? Eto nga pala si Ruth.
-Ahh. opo, kilala ko na sya. Minsan ko na po syang nakasabay sa jeep.
-Talaga? Eh yung anak kong lalake? Si Lex?
Tiningnan ko yung sinasabi nyang isa pa nyang anak..
Ano, ba naman yan! Isnabero, di man lang tumingen. Yan ba yung kinakaguluhan dito? Eh wala naman pala yan eh. sabi ko naman.
-Ahh opo, kilala ko na po sya.
-Paano mo nakilala?
-Eh diba po nagdalaw kayo?
-Ahh oo nga pala, oh sige kumain ka muna. Salamat.
-Sige po, kain po kayo.
Pagkatapos ng usapan na yun, umalis na ako. At nagsimulang kumain, halos kakatapos ko lang kumain ng narinig kong may tumatawag sa akin.
Tapos, lumabas ako at nagpunta sa stage saka inabot sa akin yung mic at sinabihang mag emcee daw ako.
-Grabe, ano to? On the spot emcee?
Kagulat naman sila. Ano ba toh! Hindi ako prepared. Pero, ewna bahala na.
-Sige, kaya mo yan andito naman ako eh.
Nagsimula na nga yung program, at dahil sa wala naman akong magawa nagemcee na nga ako. Sinimulan ko ng tawagin yung mga kasali sa unang laro na "Trip to Jerusalem" at nagsalita ako.
-For trip to Jerusalem, pumunta sa harap sina. Mike, Ber, Athan, Ronnel, Kenneth, Harley, Efren saka. ano to? ano to?
Noley? Noley ba?
-Nolex yan.
-Ayy. pasensya na. Ang gulo kasi nung sulat. hahahaha.
Ano ba toh. titingen na lang ako maling pa! Nakakahiya toh. Kainis.
Tapos tumingin ako sa kanya, nakita ko nakatingin sya sakin at nakangiti pa! Kaya, ngumiti din ako. Sus, nako plastic samantalang kanina hindi mo ako pinapansin. Pakitang tao ata toh eh!
Nagsimula na yung laro, lahat ng kasali nagpunta na sa harap. Nung naglalaro na sila, napansin ko pa nga na
nakatingen pa din sa akin si Lex. Pero dedma lang ako. Hanggang sa dalawa na nga lang yung natira. Si Lex at si Ber.
Nagbiro pa nga ako eh.
-Oh pagbigyan na! Anak yan ng Ministro, lagot ka Ber hahahaha.
At ayun na nga, may nanalo na nga at sino pa nga ba? Syempre si Lex. Pagkaupo pa nga nya, nakatingen ulit sya sa akin. At tinawag ko na nga sya para ibigay yung prize nya. Nakatingin lang sya habang inaabot ko sa kanya. Ilang pang mga laro at natapos na nga ang program.
Pagkauwe ko ng bahay, nahiga na ako para matulog. Kaya lang hindi ako makatulog, pumapasok kasi sa isip ko yung mukha nya. Hala ano ba toh? Diba kakasabi ko lang hindi ako magkakagusto sa kanya? Hindi wala akong gusto sa kanya. Ok? Wala! Wala! Maria, ano ba? Umayos ka nga! Hindi ka magkakagusto sa kanya. Bata pa yun! Ano ka ba naman? Pero. pumapasok pa din sya sa isip ko. haii.
Crush ko na ba sya?
Kinabukasan, nakausap ko yung kaibigan ko. Tinanong nya ako.
-Gusto mo isali natin sya sa clan?
-Sino?
-Si Lex.
-Si Lex? Sasali ba yun? Eh mukhang isnabero. Pero sige, kayo bahala. Sa akin ok lang naman.
Kinabukasan, narinig kong tumunog yung cellphone ko..
-Ui, ate! galing mo namang sumayaw! Idol. hahaha. Lex toh.
Sender: Unknown
Si Lex? Nagtext sakin??? Wow! Tunay ba to? Teka teka baka nananaginip lang ako? Teka nga, baka pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko wah? Hmm. ano bah toh!! pero. Kilig to the bones!! Bhala na. Nagreply na lang ako.
To: Lex
Oh? Lex? Kasali ka na ba? Welcome ah! Idol ka dyan? Di ah. Kilala mo ba ako?
-Oo, diba ikaw si Maria? Binigay sa akin ni JV yung number mo. Idol talaga kita.
Sender: Lex
Wow, kilala nya ako? Sosyal yun wah?
To: Lex
Ahh. talaga? tinotoo pala nya, sinali ka talaga. Ui. Sige na, ala na akong load. Kakaend lang kasi ng unli ko.
-Ganun ba? Sige text ka kapag nagkaload ka na. Idol! Bye bye.
Sender: Lex
Wrong timing naman yung unli ko! Kung kelan nagtext si Lex, saka nag.end! Ano ba naman tong buhay na to woh!!
Hanggang sa naging close na nga kami sa text. Halos madalas na din kaming magkatext noon. Napapag-usapan
namin na sumama kami sa mga dalaw. Pumayag naman ako. Habang nagdadalaw na nga, naisip ko na iba pala talaga siya sa text at sa personal. Hindi sya palakibo kasi nga mahiyain. Lumipas ang mga buwan, naging close na rin kami sa personal. February 14 nung napag-usapan namin na sabay kaming pupunta sa pamamahayag sa ibang lokal.
Pumayag naman ako. Hinintay nya ako sa kanto namin, sumakay kami ng jeep kaya lang masyado pa kaming maaga kaya tumuloy muna kami sa plaza at nilakad na lang namin mula dun hanggang sa dako ng pamamahayag.
Wow, sabay kaming maglakad? Ayos toh ah. Nagulat na lang ako ng magsalita siya.
-February 14 ngayon, pero wag mung isipin na Valentines date to, kasi wala tayo nun.
Tumawa na lang ako. Nahihiya pa ako nun eh. haha. date? Pwede na rin. Bat naman kasi wala pa kami nung ganun eh! haha. Hanggang sa nakarating na kami, pero pinauna nya akong pumasok baka kasi magtaka sila kung saan kami galing.
Kinabukasan, nagtext sa akin yun ate nya.
-Ui, kayo ah! San kayo galing dalawa? Nagsosolo pa kayo. hahaha
Sender: Ruth
To: Ruth
Pano mo nalaman?
-Di sa kanya. hahaha ok lang yan.
Sender: Ruth
To: Ruth
Sus, ang daldal naman nya. Ui, wala lang yun ah!
-Yamu, secret lang natin, wag mung sabihin na binanggit ko sayo kasi sinabi ko sa kanya na hindi ko sasabihin sa yo na alam ko.
Sender: Ruth
To: Ruth
-Luko talaga yun. hahahaha.
Lumipas ang mga araw, tumatakas sya para pumunta sa bahay namin. Minsan pa nga sinusundan nya ako pagkatapos ng pagsamba. Wala naman akong magagawa. Baka isipin, ang sungit ko.
Isang gabi, nagkwentuhan kami sa terrace namin. Inabot na nga kami ng alas-dyes ng gabi. Pero parang wala pa ata syang balak umuwe. Hindi ko naman masabi, kasi baka isipin pinapaalis ko siya.
Sige, kahit wag ka ng umuwe. Magkwentuhan na lang tayo!! Bat kasi ang sarap netong kakwentuhan eh. Sabi ko sa isip ko.
Hanggang sa sa naisip din nyang umuwe.
Buti naman! Nilalamok na ako noh! sabi ko sa sarili ko. Pero, sayang naman! Akala ko hindi na uuwe toh

Naisip din namin na dahil nga bago lang sila dito, ihahatid na lang namin sya. Baka kasi mapag-tripan pa sya sa
daan. Pero, actually gusto ko lang naman talaga siyang makasama pa bago pa sya umuwe. At ayon na nga, hinatid na namin siya. Nalaman ko lang na nakauwi na siya nung magtext siya sa akin.
Napapansin ko na lang na may kakaiba sa mga text nya sa akin. Hanggang sa isang araw umamin na lang siya na gusto na nga niya ako.
What??? Did i hear it right? gusto daw nya ako? Am i dreaming or what? Is he kidding or not? Naman! Super kiligneessssss. pero, syempre, konting pa hard to get pa.
Nung inamin nga niya sa akin yun, halos kada text nya may kasama ng mga i love you. Pero akala niya ba makukuha nya ako sa pa-i la-i love you nya sa text? Aba, syempre hindi. Para malaman ko kung totoo ba talaga yung sinasabi nya, sinubukan kong makipagkita sa kanya. Tutal naman, inaya nya ako nun may sasabihin daw! Ewan ko nga kung ano pero sige, pumayag na lang ako.
Araw ng Linggo nun, siguro nasa alas-syete na ng gabi noon, tumakas ulit sya at nakipagkita sa akin. Sinalubong ko na lang siya sa labas kasi nahihiya na din daw siya pumunta sa amin, sandali lang naman daw yon. Pero, tumagal yung pag-uusap namin, hanggang sa sinundo na kami ng mama ko sa labas.
-Nako, pano ba yan? Saan ako magtatago? Natatakot ako sa mama mo.
-Baliw, hindi yan. Mabait naman si mama eh. Ayun na siya oh, wag ka nang magtago nakita na tayo! hahahahahaha
-Ano bang ginagawa nyo dyan? Gabi na, baka hinahanap na siya. Tanong sa amin ng mama ko.
-Oo, nga baka hinahanap ka na. Umuwe ka na. Sabi ko naman sa kanya.
-Ay, opo uuwe na po ako.
-Oh, sige ingat ka. Di ka ba papagalitan sa inyo?
-Hindi po, salamat po. Sige po.
At nagpaalam na nga siya sa akin. Sakto namang may dumaang jeep, pasakay na siya pero nakita ko na bumalik ulit sya at lumapit sa akin. Lumapit talaga. Grabe. Ano naman kayang balak ng lalaking toh?
Pakiramdam ko nun, magkakapalit na kami ng mukha. Ano ba naman to, ang bilis ng tibok ng puso ko. my gawd! Wag ngayon, nandito sila mama ano ba? Ui, hala. ano ba toh! natetense talaga ako. Wag dito.
Pero, narinig ko na lang na bumulong siya....
[i]..i love you![/i]
lintek! akala ko naman goodbye kiss na yun. Nakakainis naman yun. hahahaha
[/b]
[/color]
-