[b]Chapter 4[/b]
Recess
"Hoy, impakta! Ba't ka nandito sa school."
"Eh, ano ba pakialam mo dun?"
"Uhmm..Ako kasi yung kapatid ng boyfriend mo so ano?"
"-sigh- Ganito kasi iyan..."
"Ang curfew ko ay 6:30 PM pero 7 pasado na tayo dumating. Nagtanong ang Lolo ko kung bakit at sinabi ko na pumunta kami ng mall ng aking mga barkada. So ayun, nagalit siya at para hindi ko na makita yung mga barkada ko, pinatransfer niya ako ng school."
"Hindi niya alam na may boyfriend ka?"
"Hindi. Magagalit yun."
"Eh, gaga ka pala eh. Bakit nagrelasyon2x ka pa?"
"-sigh- Mahal ko yung Kuya mo at part din ito sa pagrerebelde ko."
"Baliw ka na diba? Kung malalaman iyan ng iyong Lolo?"
"Kakatayin niya ako at kakainin."
"Ha!"
Maika's POV
Dismissal 4:50 PM
"Maika, ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na Justin. Salamat nalang."
"Sige. Uhmm..Take care, bye!"
"Bye!"
House 5:15
"Kumusta ang bagong school apo?"
"Ok lang po. May friends na po ako."
"Ayusin mo ang iyong studies kung hindi ipapadala kita sa America."
"O-opo Lo. Tsaka mag-aaral na po ako ngayong gabi."
"Sige, umakyat kana at mag-aral."
"Opo Lo."
School 7:15 AM
"Mukhang pagod? Anong nangyari?"
"Hay naku Maika, ayaw ko nang umuwi!"
"Eh, bakit?"
"Ang ate ko, palagi akong binubully!"
"Tapos bakit may sugat ka?"
"Eh, nahulog ako sa hagdanan. Mga 4 steps."
"Haha. Kawawa na man kayo!"
"Huwag ka ngang tumawa!"
"Anong pakialam mo?! Hahahahahahaha!!!"
"Bahala ka nga diyan."
English Class
"So, the present and past forms doesn't need helping verbs but the past participle and present participle need helping verbs, right Ms. Lim?"
"Ms. Lim?"
"Uh, Yes Miss?"
"You listen."
"Yes miss."
Nakatulog ako doon. Hay naku! Nakakainis talaga!
[spoiler]tnx sa mga bumasa!
![:D](img/smilies/another_D.gif)
edit ko muna yung ibang parts ng story sa mga coming chapters para mas gumanda.[/spoiler]
Dismissal
"0o, Maika, kumusta ang klase?"
"Ok lang Justin. Tsaka nag-aaral na ako nang mabuti."
"Mabuti naman iyan. Sige, ihahatid na kita."
"Huwag na. Kaya kong mag-isa."
"Sige bye!"
"Bye!"
[b]Chapter 5[/b]
House 5:20
"Sinabi ng teacher mo na hindi ka raw nakikinig sa discussion. Anong ibig sabihin niyan?"
"Lolo, nakatulog po ako kasi nag-aar--"
"Tumigil kana! Puro ka na lang satsat!"
"Hindi po naman kayo nakikinig sa akin! Ba't pa ako makikinig sa inyo? Lo, nirerespeto ko talaga kayo pero sobra na po talaga ito. Hindi niyo ako pinapasalita kasi akala niyo palagi na kayong tama. Lo, nag-aaral na talaga ako nang mabuti kaso parang hindi niyo ito alam at palagi ka lang nagsasabi na bobo ako katulad ni Papa dahil pinakasalan niya ang isang pulubi! Lo, ayoko na!"
"Sige, lumayas ka! Simula ngayon wala nang pakialaman. Bahala ka sa buhay mo! Ikaw na ang magbayad ng tuition at mga gastusin mo. Sige, layas!
"Lalayas talaga ako. Sawa na ako sa pagiging sunud-sunuran dito!"
Umakyat na ako sa room ko na umiiyak. Sawa na talaga ako dito. Controlled yung life ko. Ayoko na! Nag impake na ako sa aking mga gamit. Nakita ko yung family picture namin at umiyak ako. Sayang, kung buhay pa si Mama.
Lumabas na ako ng bahay at nag palaboy-laboy. Pinilit kong hindi umiyak pero may mga luha parin na tumutulo sa aking mga mata. Umupo ako sa bench sa isang train station at naghintay ng train. Hindi ko alam kung saan ko pupunta. Bastah, ang alam ko lang ay may pocket money ako, 50,000 pesos at may naipon akong 30,000 pesos so 80,000.
May umupo sa tabi ko. Isang lalaki. Hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil tinabunan ko yung face ko.
"Miss, okay ka lang ba?"
"Baliw ka ba, umiiyak na ako tapos okay?"
"Miss?"
"Ano?"
"Ikaw lang pala iyan Maika. Eh, ba't nandito ka at bakit may dala kang bag?
"Naglayas na ako James. Hindi ko na kaya sa bahay!"
"Ano? Saan ka na titira?"
"Yun nga yung problema ko. may 80,000 pesos nga ako dito pero anong gagawin ko dito?"
"Eh, may kamag-anak ka ba dito?"
"Wala, lahat sila nasa abroad."
"Kung tumira ka muna sa amin?"
"Huh. Eh, ayaw mo sa akin titira pa ako doon."
"Bahala ka."
James POV
Tumayo na ako pero kinuha niya yung kamay ko.
"Sige na nga, total, future bro-in-law naman kita."
"Anong bro-in-law? Kasal na ba kayo ni Kuya?"
"Hindi pa. Boyfriend ko siya at kapatid ka niya."
"Magtataxi nalang tayo. Ikaw magbayad."
"Ano, eh, pangtuition ko pa ito, pang personal use at iba pa!"
"Sige na nga! Ako na!"
"Lamatz bro-in-law!"
"Huwag mo nga akong tawaging bro-in-law! Kadiri!"
"Ang arte naman. Mas arte ka pa sa bading!"
"Isa na lang. Pag nagsalita ka pa ipapa drop kita sa mga hoodlums."
"Okay, ang sama."
"Ano yun?"
"Wala. Sabi ko ang bait mo. Hehe."
Nakatulog na siya. Wala akong choice kundi ilagay yung ulo niya sa balikat ko. Hahaiizz. Ang cute niya pala pag natutulog. Parang batang palaboy! Jowk. Totoo nga cute siya. Haha.
"Hoy, nasa bahay na tayo."
Pumasok na kami sa bahay. Si Kuya at Mama ay nasa sala while si ate naman ay kumakain na miryenda sa kusina. Ang takaw talaga.
"Good evening ma."
"Girlfriend mo?"
"Ah! Hindi po, kang Kuya poh!"
"Ang ganda naman ng girlfriend mo Justin."
"Eto ma? Maganda? Haha."
"Ah, tita, ako po si Maika Angelica Lim."
"Talaga? Apo ka ni-"
"Ma, obvious na po na apo siya ng kaniyang lolo."
"Pilosopo. Apo ka ni Richard Lim?"
"Apo."
"Ba't ka naglayas?"
"Pano niyo po nalaman?"
"Hoy babae! Hindi bulag ang mama ko!"
"James, tama na iyan. Iha, alam kong naglayas ka dahil nagtampuhan kayo ng iyong Lolo."
"Opo, tsaka sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?"
"Aba, updated and Lola niyo. Business partner kasi kami ng iyong Lolo at blah blah blah..."
"Ah, Ganun pu ba?"
"Balita ko 80,000 pesos lang ang money mo diyan. Huwag kang mag-alala iha, ako ang babayad ng tuiton mo."
"Ah, Huwag na po. Nakakahiya."
"Iha, ang sarap ng pakiramdam na makapagtapos ng pag-aaral ang iba dahil sa iyo."
"Ah, talaga po Tita. Oo, sige pero magtatrabaho rin ako."
"Uhmm, bahala ka na."
"Salamat poh."
"Walang anuman. Kumain ka na ba?"
Bigla nalang naglabas ng ingay ang tiyan ko.
"Ah, hindi pa poh."
"Sige, James, kumain na kayo."
"Opo."
Last edited by annxchen (2008-10-22 08:44:09)