Hey guys.. got a new story here.! Hope you like it..!
1st episode...
:Introduction
"Hoy Jasta Sheen Cruz! Bilisan mo nga diyan!! Malelate na tayo!! First day na first day late tayo! Ang bagal bagal mo talaga kahit kailan!!" sabi ni Tim
Tim's Background:
Name: Arthemeus Mark Yu (ayaw niyang tinatawag siyang Arthemeus ang pangit daw kasi)
Nickname: Tim
Background:Magkababata kami ni Tim, we grew up together until my father died, Nalugi ang mga kompanya namin at hindi na namin nakyang tumira sa exclusive subdivision. Ang pamilya nila Tim ang tumulong sa amin upang bumangon ulit. Ang pamilya nila Tim ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa hindi sila kilala masyado dito dahil most of their business ay nasa ibang bansa. May ate si Tim, may asawa na, nakatira na sa states. Tim and I are the best of friends, well, siya ang bbb ko as in best boy bud. Siya ang pambato namin tuwing UAAP, biruin mo siyan na ang MVP ng UAAP since 1st year siya. Isa siya sa mga 'Most Eligible Bachelors' ng school namin. Management ang kinukuhang course ni Tim. And lagi siyang dean's lister and he would probably be one of the cum laudes 2 years from now.
Physical Appearance: gwapo si Tim, matangkad, 5'11 ang height niya, maputi siya yung natural na maputi na kahit magbabad sa araw mamumula lang pero hindi iitim, singkit siya, hindi naman yung singkit na parang nakapikit na, maganda ang mata niya, nakakatuwa na ang mga yun eh.. nag-iiba ng kulay depende sa light (pag matindi ang light, kulay gray, minsan kukay blue, nagiging kulay green rin yun at brown) pero natural lang yun,walang contacts. Yung buhok niya wavy tsaka black na black. Artistahing artistahin ang dating niya. Kung built naman ang pag-uusapan ok rin si Tim, alaga ang katawan niya dahil sa basketball, meron rin kasing gym sa bahay nila.
"Hoy, Arthemeus! Para namang wala kang ate! Alam mo namang matagal mag-ayos ang mga babae! Hay! Ma, alis na po kami!" nagmamadaling pahayag ni Jhaz.
MY background:
Name: Jasta Sheen Cruz
Nickname: Jhaz (friends) Sheen (family)
Background: Maagang nawala ang father ko. Namatay siya when I was 10. Yun ang dahilang kung bakit naghirap kami, but Tim's family was there for us, and now, bumabawi na kami. Nag-iisa lang akong anak, kaya ng gustong gusto ko ng mga bata. I wisheto have a sister. I'm studying law, mahirap pero ok pa rin naman ang grades ko. VArsity player rin ako ng school namin sa volleyball.
Physical Appearance:maraming nagsasabi sa akin na maganda raw ako, and halos every year muse ako, so I think pwede ng sabihin na may hitsura naman ako kahit papaano,kikay rin ako, sobra, matangkad ako for a typical Filipina, 5'5 ang height ko. Sexy naman ako, kasi kailangan namin yun sa volleyball.. we must always stay fit. Color brown ang eyes ko at manipis lang ang labi ko. Wavy ang hair ko, kulay brown ito. Maputi rin ako... pero hindi kasing puti ni Tim.
"Hoy! Huwag mo nga akong tinatawag na Arthemeus! Baka may makarinig sa'yo. Ang pangit pangit ng Arthemeus eh. Sinabi na ngang it's TIM!!"
"Eh kasi naman Tim nakakaasar ka! Kanina ka pa nagmamadali eh we still have 30 minutes before the bell rings!" naasar na sabi ko.
"Eh baka naghihintay na si Joanne eh. 'Di ba susunduin pa natin siya."
"Ayan, ganyan na lang dapat ang sinabi mo kanina pa. Hay! Kasi naman halata namang may gusto ka kay Joanne bakit ayaw mo pang ligawan?"
"Wala po akong gusto kay Joanne. Ako lang po ang nahihiya sa kaniya dahil last year lagi siayng nalelate dahil sa'yo."
"Eh di wag niyo na akong isabay. Hindi ko naman kasi sinabing isabay niyo ako eh. Marami naman akong kotseng pwedeng gamitin sa bahay."
"Eh sino ba kasing may sabi na gusto ka naming isabay? Kaya lang naman kita pinagtitiyagaan dahil kay Tita eh. Sabi niya nag-aalala daw siya sa'yo lalo na kapag late ka ng umuuwi. Ayaw mo naman daw ng driver, nasasakal ka daw." inis na sabi ni Tim
"Hay! Tumigil ka na nandito na tayo kina Joanne."
"Jhaz!!! IMY!!" tumitiling sabi ng palabas na si Joanne.
Joanne's Background
Name:Joanne Mariz Santos
Background: NAging mag bff kami ni Joanne nung highschool, kami ang magkakabarkada nila Tim. Hindi mganun kayaman sila Joanne pero nakakaluwag luwag sila sa buhay.
Physical Appearance:super kikay, president nga siya ng pinakakikay na group sa school, ang 'Angels' wherein I'm also a member. Lagi siyang nakaminiskirt/ shorts. 5'1 lang ang height niya, petite.. pero maganda.
"Che! Isang linggo pa lang po tayong hindi nagkikita dahil nagbakasyon kami sa Bora!" saway ko sa kanya
"Eh kahit na ba friend! You know naman me, bored always here sa bahay pag kasama ko lang kayo ni Papa Tim tsaka sumasaya ang buhay ko. Eh what happened naman to your vaction?" naglalambing na sabi ni Joanne.
"Ayon okay naman.... OMG!!!! Oh my gosh!! Joanne!! Ahhh!!! Oh my Josh!! ...Si Josh!! Ayun oh!!" kinikilig na sabi ko
Josh's Background
NAme: Josh Martin del Rosario
Nickname: Josh
BAckground: my crush as in totally superduper!!! Captain siya ng basketball team.
Physical Appearance P-E-R-F-E-C-T period!!
"Ahhhh! Josh, tumingin ka lang dito liligawan na kita!!" sabad naman ni Joanne
Crush na crush rin Joanne si Josh. Dun kami nagkabati.
Epi 2
:The rising game
"HAy kumerengkeng na naman." sabi pa ni Tim as he rolled his eyes.
"Hoy! Tumigil ka nga! Uy Tim, ilakad mo nga ako kay Josh! Sige na naman oh." pagmamakaawa ko kay Tim.
"Ano ko? Hilo? Ayoko nga!"
"Tim naman eh. Sige na!"
"Ayoko nga eh. Team Captain namin yun noh."
"Hay! Ganyan ka naman lagi eh! Hmp!"
...
"Friend! May kailangan tayong gawin. Host ang Angels sa Acquaintance Party. And we need to make that party rock! Kaya lang kulang tayo ng cash." sabi sa akin ni Joanne nung recess namin
"Friend naman! Bakit pa natin naging kaibigan si Tim kung pera lang ang pinoproblema natin?" sabi ko naman
"Eh friend, nahihiya ako eh. Kayo naman talaga kasi yung close. Hindi naman kami close eh."
"Hai chika friend!! Okay lang yun sa kaniya. Basta! Set out your plans ako na ang bahalang magsabi kay Tim."
"Sure. Nasa isip ko na ang party, siyempre pink ang motif, tapos meron tayong snacks and drinks. MAg-iinvite rin tayo ng Live Band! Hay naku friend! And ganda!!"
"Hay Joanne! Dyan ako bilib sa'yo! Napakaimaginative mo!"
"Thanks friend!"
...
(Sa gym, nagpapraktis ang basketball team)
Grabe kilig to the max ako pag nagshu-shoot si Josh! Gosh! Ang gwapo talaga!
"Woo!! Go Tim!! Aahh!!!" sigaw ng isang grupo ng babae sa isang side ng gym. Hindi na nakakabigla ang ganitong eksena. Heartthrob talaga kasi si Tim. Mas sinisigawan pa nga si Tim kaysa kay Josh eh.
Tumingin naman sa kanila sa Tim tapos ngumiti. Sobra namang kinilig ang mga girls!
Napangiti na lang ako. Yun pa ang isang magandang bagay about Tim, marunong siyang makibagay sa kahit kanino despite of all his riches.
Biglang nagshoot si Josh! Nabigla ako! Napatili tuloy ako ng bonggang bongga! Shucks diyahe ng sobra! Pero.. wait.. tama ba ang nakikita ko? Nginingitian ako ni Josh!! OMG!! Nginingitian ako no Josh!! Shucks! This is like heaven!
...
"Uy, Tim, nga pala. Okay lang ba kung manghiram ang Angels ng pera for the Acquaintance Party?" tanong ko kay Tim nung pauwi na kami. Hindi namin kasama si Joanne dahil inaayos na niya ang mga gagamitin.
"Sure, kelan niyo kukunin?"
"Well, ASAP na. Kung pwede bukas?"
"Okay."
"Thanks Tim! The best ka talaga!"
Bumuntong hininga lang si Tim.
Last edited by u_dont_matter_anymore (2008-11-07 21:10:52)