[b][Chapter 2][/b]
[i]Pero infairness, cute siya. Kaso nga lang, ubod ng sungit! Hmp.[/i]
---
Kinabukasan...
*phone rings*
"Hello?"
"Good morning Jays.
"
"Oh ma! Good morning din."
"Kamusta na? Ok ba ang dorm?"
"Yes. Everything's fine, so far.
"
"Sure?"
"Yes. Ma, Imma cut this muna. I gotta prepare myself kasi time na. Baka malate ako."
"Ok. Ingat ha?!"
"I will, mom. Love you."
*tut tut tut*
This is the day. Sana maging ok ang lahat. Malaking adjustment ang kailangan kong gawin this time. I hope I can do it.
---
7:30 am
Oh my. 30 minutes na lang. Sana di ako malate.
"Bye dormmates, bye best friend Sam.
"
"Bye? Naa. I'll see you later. Hehe."
"Ok. Ok.
"
"Teka nga... Bakit ka ba nagmamadali?"
"E kasi, 30 minutes na lang magsstart na yung klase."
"No. Naman. Mga 8:15 pa yun magsstart."
"Talaga?"
"Yes. Kung gusto mo, sabay na lang kayo ni Darl.
"
"Ha?!! No. I mean, wag na. Nakakahiya naman."
---
Darl's POV
"Darl!!!"
Hay nako. Si Sam na naman 'to.
"Bakit na naman ba?"
"Sabay na kayo ni Jays!
"
"Kumakain pa ko eh."
"Heh. Ang sungit mo, loks."
"Maghintay siya kung gusto niyang sumabay."
---
Jays' POV
Loko 'to ah. Kung hindi lang dahil dito kay Sam, eh, hindi naman ako sasabay sayo. Nako. Lunes na lunes pinapakulo mo dugo ko!
"I'll wait. Don't worry."
Nako talaga.
"Ok. That's good. Oi Darl! Bilisan mo jan."
"Oo na."
"Jays, maliligo na ko, ah? Bye."
"Hmp. I'll see you later.
"
"Okiee.
"
Eto talagang si Sam, ubod ng kulit. Hehehe.
Eto namang isa, cereal lang ang kinakain, ang bagal pa. Tama bang paghintayin ako? Naman talaga. Tssk.
---
"Excuse me po, di ka pa ba tapos?"
"Tapos na. Magttoothbrush na lang niyan."
"Pwede pung pakibilisan?"
"Nagmamadali ka ba? Mauna ka na kaya?"
"Hindi. Ayoko lang malate."
"Ah. Ok fine."
---
Nakakainis talaga! Ganito ba talaga 'to o nangtitrip lang? Sira na araw ko. Konting pasensya pa Jays, konti pa.
---
Darl's POV
Tama bang pinaghintay ko siya? Hahaha. Bahala siya. Pagtitripan ko muna yung babaeng yun. Tignan ko na lang kung anong mangyayari. Wahahaha.
"Oi Jays, tapos na ko."
"Talaga? Ang bilis naman yata?"
"Ganon? Gusto mo tagalan ko?"
"Ai wag na. Tara na."
"Oo na."
---
Jays' POV
Sa wakas!!! Nakaalis rin kami! Nakonsensya siguro 'to. Haha.
"Ui."
"Hindi ako ui."
"Ok, Darl."
"Ano?"
"Excited ka ba?"
"Hindi eh. Ayoko pa ngang pumasok ngayon."
"Ah. Bakit?"
"Ang dami mong tanong!"
"Ikaw naman! Masama ba?"
"Oo. Ang daldal mo eh!"
Ai sus. Di ko na yata kaya 'to. Masisigawan ko na 'to eh!
"Ai sori naman, no?"
"Watever."
"Alam mo nakakainis ka!"
"Alam ko... matagal na!"
"Bakit ka ba ganyan?"
"Wala ka na dun."
"Napakachildish mo!"
"Salamat
"
"Heh!!!!!
"
---
Darl's POV
Wakeke. Mapipikon na 'to. Malapit na. Nararamdaman ko na. Hahaha.
"O galit ka na?
"
"Hindi."
"Are you sure?"
"Hindi nga eh!"
"Weh?"
"Ewan ko sayo!"
"Ok."
---
Jays' POV
Wala na talaga! Sira na araw ko! Gusto ko ng umiyak!
Tumahimik na lang ako. Bahala na siya. Napaluha-luha na rin ako ng konti kasi nainis na talaga ako sa kanya. Akala ko isnabero lang siya. Un pala, ang sama talaga niya. Nakakainis. Kinamumuhian ko siya!!!
"Oi Jays! Andito na tayo."
"Ok."
"Umiiyak ka?
"
"Hindi ah."
"Kunwari ka pa.
"
"Anong pake mo?!"
"Wala. Hahaha. Alam mo na yung room mo?"
"Oo. Sige, mamaya na lang. Pupunta na ko sa room ko."
"Ok iyakin.
"
"Heh. Masama!
"
Ayun. Di na siya sumagot. Grabe. Naiyak talaga ako dahil sa pang-aasar niya. Pero cge, kakalimutan ko na yun. Ayokong makita ako ng mga bagong classmates ko na umiiyak ako o namumula mga mata ko.
Last edited by EMae (2008-11-21 09:01:25)