[align=center][b]Chapter One:[/b][/align]
May isang dalagang babae na sobang yaman na napakaganda, matalino, mabait at minsan mapagsagot kapag alam niya tama siya. Ang pangalan niya ay Katrina. Noong bata pa siya pinagkasunndo na siya ipakasal sa anak ng kaibigan ng ama niya. Nakilala na ni Katrina ang lalaki yung mga bata pa sila.
Masaya ang pamilya nila. Ang pangalan ng magulang niya ay sila Franco at Lina Augustin. Sila ay may malaking kumpanya. Isa ito sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Cargo shipping ang nigosyo nila.
Si Katrina ay may nakakabatang kapatid na si Michelle. Silang magkapatid ay magkasundong-magkasundo. Si Katrina ay kakatapos lang ng business management habang si Michelle naman ay nag-aaral pa ng high school.
Isang gabi, kinausap ni Franco si Katrina: “Katrina, graduate ka na. Pwede mo pamahalaan ang ating kumpanya.”
“Papa, di ko pa po kaya pamahalaan ang ating kumpanya. Alam mo naman po na kaya ko kinuha yung business management, dahil gusto mo lang po. Pati nga po yung gusto kong maging photographer, kinalimutan ko. Pero sinunod ko lang po yung gusto mo.” Sagot ni Katrina sa ama niya.
“Anak ko pa rin ikaw at susundin mo pa rin ang gusto ko. Sa isang taon ikakasal ka na at di mo na kailangan magtrabaho.” Sabi ni Franco.
“Opo. Lahat ng gusto mo susundin ko. Kahit di ko naman gusto. Lagi na lang, yes, Papa!” Sabi ni Katrina na umiiyak.
Biglang tumakbo si Katrina sa kwarto nila Michelle. Doon siya nag-iiyak at ang sabi niya: Michelle, bakit ganun si Papa? Dapat yung lahat ng gusto niya, susundin natin. At sabi niya pa ikakasal na ako sa isang taon.”
“Ate, di ba nakilala mo na yung bata pa kayo? Sundin na lang kaya natin yung gusto ni Papa. Tutal utang naman natin yung buhay natin sa kanila ni Mama.” Sagot ni Michelle.
“Oo, susundin ko yung mamahala ng nigosyo natin. Pero di ako magpapakasal sa di ko kilala at di ko mahal. Nakilala ko siya yung 7 yrs. old ako at may boyfriend ako.” Sagot ni Katrina.
Kinabukasa, nakadamit pang-alis si Katrina at ang sabi niya sa magulang niya at kay Michelle: “Good morning, Mama, Papa & Michelle! Nagtataka siguro kayo kung bakit ganto ang damit ko. Pumapayag na po ako gusto mo po na pamahalaan yung kumpanya natin. Nagdisiyon ako kagabi. Turuan mo ako kung paano magpasikot-sikot doon po.”
Anak, salamat, sinunod mo ang pabor ko. Maraming salamat talaga. Makakapagpahinga na ako. Madali mo naman yun matututunan.” Sabi ni Franco.
“May kapalit yung pagsunod ko po sa iyo. Hindi ako magpapakasal sa lalaking pinakasundo mo po sa akin ipakasal” Sabi ni Katrina.
[b]Papayagkaya ang Papa ni Katrina na hindi na siya ipakasal sa lalaking hindi niya kilala.
Itutuloy…[/b]
Last edited by kathleen24 (2009-02-03 02:38:09)