[b]CHAPTER 3:[/b] [b][color=red]Ang bayan ng Dagaw (Antique) ".[/color][/b]
Dahil sa lahat kami ay pagod na ninais nalang namin ni Eney na magpahinga nalang sa van, ksama si James at Blanche, at ang iba ay umupa na ng matutuluyan sa pier. Ng mapansin ko..
"..best, bat mag uumaga na di ka pa magpahinga?" tanong ni Jeff sa kaibigan nyan si Eney. "best.. iniisip ko parin hanggang ngayon ang sinabi ng matanda saken na.. [b]Lahat kayo mamamatay, maliban sa'kin,[/b] best.. ayokong isipin to hangga't maari, pero hindi mo mawawala saken na pumasok sa utak ko yun" banggit ni Eney.
Buti nlng, tulog na si James at Blanche ng mga oras na yun.. I hope so, pero sa hilik palang ni Blanche tulog na sila. Ng mga oras din na yun, naisip ko ung sinabi ng matanda kay Eney tungkol sa pagkamatay daw namin? Naisip ko na.. bat sya? Hindi sya kasama? Sya kaya ang magliligtas samin o.. ano? Mga oras na yun, tinititigan ko ang mga mata ni best, at nakikita ko sa mga mata nya ang pagaalala..
"best.. wag mo na muna isipin yan ha? matulog kna, gusto mo ba uminom muna ng sleeping pills?" tanong ni Jeff sa kaibigang si Eney, "osige best, kuha mo nalang ako jan sa maliit na bulsa ng bag ko" sagot ni Eney.
Nung kinakalikot ko ung likod ng van at hirap na hirap ako hanapin ang bag ni best, nakaraan ang ilang minuto, nakita ko din. Yes! Salamat naman at nakita ko rin, nung kukuha nako ng sleeping pills may nakita akong isang sulat, bigla akong napaisip kung babasahin ko ba to o hindi.. at syempre dahil isa rin ako sa mga kolokoy sa tropa, nung kukunin ko na ung sulat..
"best, ang tagal ata ng sleeping pills? hindi mo ba mahanap?" inip na tanong ni Eney, at biglang nagulat si Jeff at binalik sa dating kinalalagyan ang sulat. "ay eto na o best, eto na rin yung tubig" banggit ni Jeff at sabay abot sa sleeping pills. "o, dahan dahan sa paginom ng tubig best" banggit ni Jeff. "best, salamat sa mga oras na nanjan ka ha.." banggit ni Eney. "bat naging mag best pa tayo kung di kita tutulungan.. diba?" nakangiting sagot ni Jeff habang may binabasa syang text sa cellphone nya.
Ng pagkalingon ko kay bestm naku.. ambilis ata tumalab ng sleeping pills at taob kagad ang best ko, kaya wala na muna akong proproblemahin kundi matulog muna din at ulit.. problemahin si best bukas. Hehe, iba rin tong si best ko eh.
Kinaumagahan, nadatnan ko ang sarili ko na.. yun syempre nakahiga parin at nakahiga ang ulo ni best sa mga binti ko.. Bigla akong kinilabutan, Nyaha. Joke. Napansin ko na din na wala na si James at Blanche sa van ng mga oras na yun, tngnan ko ang watch ko, at halos mag aalas-otso na pala ng umaga, kumuha ako ng isang unan mula sa likod ng van at dun ko muna inihiga si best at lumabas muna ako ng van at pupunta sa deck para magpahangin muna at mag paaraw, at syempre para tignan ang mga tropang peste.
[b]Ipagpapatuloy..[/b]
Last edited by jamessss:b (2009-01-08 11:21:55)