[spoiler]First post here in Ftalk Literature... hope you'll like it...[/spoiler]
Mayaman, maganda, matalino at higit sa lahat mabait – siya si Kathy ang hinahangaan ng mga kababaihan at pinagpapantas
[spoiler]First post here in Ftalk Literature... hope you'll like it...[/spoiler]
Mayaman, maganda, matalino at higit sa lahat mabait – siya si Kathy ang hinahangaan ng mga kababaihan at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Sabi nga ng mga nakakakilala sa kanya na “she’s perfect, nasa kanya na lahat” pero alam naman nila na walang taong pirpekto, pero sa loob-loob naman ni Kathy ay “ang laki nilang mali”.
Summer na naman, weekend, kaya ang mga kaibigan niya ay todo pang-summer ang porma, maiiksing skirt, sexy ang mga kapares nitong pang-itaas at over ang accessories sa katawan ng mga ito. Siya lang ang naiiba sa kanila dahil kabaliktaran siya ng mga ito. Simple lang siyang manamit, walang kaartehan sa katawan, pants lang at blouse ay ayos na sa kanya iyon pero kahit ganon lang siya, makikita pa rin ang kaseksihan nito.
May outing na naman silang barkada at doon sa kanilang tambayan ay naghihintay na ang mga boyfriends ng kanyang kaibigan. Siya lang ang walang kaparehas doon, scorer nga lang daw siya at kung bakit daw hindi pa siya mag boyfriend din.
Marami nangliligaw sa kanya pero pinapahirapan niya lang ang mga ito at hindi rin pala sasagutin. Kaya ang iba ay hindi na naglakas pa ng loob na ligawan siya. Hanggang sa pakikipagkaibigan nalang ang ibang may gusto sa kanya, hanggang tingin nalang dahil takot din na mapabilang sa mga mabasted.
Kung alam lang ng mga kaibigan niya na naiinggit din siya minsan sa kanila, kaya lang pag nangyari iyon ay may biglang pumapasok sa kanyang isip at ang pagkainggit na iyon ay napapalitan agad ng poot. Naaalala niya ang hindi magandang pinagdaanan ng kanyang Mommy dahil sa Daddy niya. Bata pa lang siya ay saksi na siya sa pag-aaway ng kanyang mga magulang, ang pananakit ng kanyang Daddy sa Mommy niya, nakita niya ang pag-iyak at paghihirap ng kanyang Mommy, nakita niya kung papaano ito lumuhod at magmakaawang huwag silang iiwang dalawa ng kanyang Daddy – at ang tanging alam niyang dahilan ng lahat ng iyon ay ang pambabae ng kanyang Daddy.
Pero siya lang ang nakakaalam sa mga nangyari sa kanilang pamilya, dahil sa labas ng kanilang bahay lalo na sa mga gatherings na pinupuntahan nila “lovely couple” ang pagpuri ng mga tao sa kanila dahil sa sobrang sweet ng Daddy niya sa Mommy niya. Nakita niya ang pagbabalatkayo at pangloloko ng kanyang Daddy, pero sa ganoon lang din na pagkakataon nakikita niya ang kanyang Mommy na masaya, naisip nalang niya na baka kahit doon lang naramdaman nito na mahal siya ng asawa niya kahit alam nitong hindi totoo.
Dahil na rin sa mga pangyayaring iyon ay hindi nakaramdam si Kathy ng pagmamahal, hindi sa kanyang Daddy na abala sa ibang pamilya nito at mas lalong hindi sa kanyang Mommy na walang ginawa kundi ang habulin ang kanyang Daddy. Napabayaan siya at buong buhay niyang iniyakan ang magulong pamilya nila, buong buhay siyang nakakaramdam ng pag-iisa. Pero walang nakakaalam kahit ang mga kaibigan niya dahil malihim siya at walang nakakapansin dahil ang nakikita lang ng mga tao ay ang masayahin at palakaibigang si Kathy.
Isa na namang summer at naramdaman na naman ni Kathy ang mas lalong paglamig at pagmanhid ng kanyang puso. Iyon ang kadalasang naririnig niya sa mga nangliligaw sa kanya na hindi niya sinagot “Manhid ka Kathy, manhid ka”. Oo tama sila, manhid si Kathy dahil hindi siya marunong magmahal dahil hindi pa siya nakaramdam kung papaano siya mahalin, lahat ng ito ay isinisisi niya sa kanyang Daddy at ng dahil doon ay may namuong galit sa kanyang puso, kinamuhian niya ang kanyang Daddy at hindi niya inaasahang maging sa ibang lalaki na rin ay nagkaroon na rin siya ng galit. Naging man hater siya ng di niya alam at iyon ay dahil sa nakita niya sa kanyang magulang at ang mga kaibigan nitong babae na umiyak sa harap niya dahil niloko ng mga boyfriend nito.
Mabilis ang pag ikot ng buhay ni Kathy... mula sa bahay tapos papasok sa paaralan at pagkauwi niya sa bahay maaabutan na naman niya ang kanyang magulang na nagtatalo o nag-aaway, kaya didiretso nalang siya sa kanyang silid at sa pag-aaral nalang niya binubuhos ang kanyang galit at sama ng loob. Paulit-ulit lang ang nangyari sa bawat araw na lumipas hanggang sa taglamig na naman.
Then winter had totally begun – ang pinakaayaw na season ni Kathy, dahil sa sobrang lamig ay napapadalas ang pag-atake ng kanyang hika at bukod pa doon ay mas nararamdaman niya ang labis na pag-iisa.
Kahit malakas ang pagbagsak ng niyebe at hinihika na siya ay matiyaga pa rin niyang inabangan ang kanilang School Bus para makapasok pa rin siya. Masipag siya sa kanyang pag-aaral, hindi ito lumiliban sa klase dahil ayaw niyang may makaligtaan siyang liksiyon. Dumating na ang kanilang school bus at tuwang-tuwa siyang nakita ito dahil makakapasok siya kahit sobrang sama ng panahon. Pagdating niya sa kanilang classroom ay wala doon ang kaniyang mga kaibigan at kaunti lang sila ng kaniyang kaklase.
Hapon na, oras na ng kanilang uwian. Masayang natapos ang kanilang klase sa araw na iyon kaya lang hindi siya nasiyahan sa ipinahayag ng kanilang guro na nasiraan ang kanilang School Bus, na magpasundo nalang sila sa kanilang magulang o kung sino man ang maaring sumundo sa kanila. Tawag siya ng tawag sa mobile ng kanyang magulang pero nakapatay ito pareho, sinubukan na rin niyang tumawag sa kanilang landline pero walang sumasagot. Dalawa nalang silang naiwan doon sa kanilang classroom at dumidilim na, hindi pa rin niya macontact ang kanyang magulang. Gusto na niyang tumawag sa mga kaibigan ng kanyang Mommy at Daddy pero nauunahan na rin siya ng hiya sa kadahilanang masama ang panahon.
Gabi na ng nagpasya siya na sa labas nalang maghintay baka sakaling may dumaan na taxi. Nagpaalam na siya sa kaklase niya na kasama niyang naiwan doon. Habang nasa labas na siya ay wala pa rin siyang tigil sa pagtawag sa kanyang magulang. Nanginginig na siya, umatake na naman ang kanyang hika, hindi na sapat ang makapal niyang suot dahil tagos na sa kanyang katawan ang lamig. Hinang-hina na siyang nakaupo sa bench pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawag pero wala pa rin.
Sa di kalayuan naman ay andoon si Jake, ang kaklase na iniwan niya sa classroom. Hindi umuwi si Jake dahil binabantayan lang niya si Kathy hanggang sa may sumundo na dito, hanggang sa umalis nalang ito at iniwan siya pero sinundan lang din niya ito at doon nga sa kung saan siya nagtatago ay pinagmamasdan lang niya si Kathy. Awang-awa na siya dito at hindi niya napigil ang pagtulo ng kanyang luha dahil sa nararamdamang awa sa babaeng matagal na niyang minahal ng lihim. Hindi na siya nakatiis at kinuha na niya ang kanyang ninja bike at nilapitan si Kathy, hinubad nito ang kanyang jacket at inabot ito kay Kathy para isuot ito. Pero wala ng lakas si Kathy kaya si Jake nalang ang nagsuot nito sa kanya at ng parang matumba si Kathy ay sinalo at niyakap naya ito.
May malay pa si Kathy noong tulungan siya ni Jake... noong may namuong katanungan sa kanyang isip... hanggang sa tuluyan na siyang mahimatay. Sa mga sandali ding iyon ay tumawag na si Jake sa kanyang Daddy.
Pagkagising ni Kathy ay nagtaka siya sa paligid na kanyang nakita dahil hindi niya ito silid, saka niya naalala ang nangyari ng makakita siya ng nurse. Sa paglibot pa ng kanyang mga mata ay hinanap niya si Jake pero wala ito doon at ang nakita niya ay ang kanyang Mommy, tinanong niya ito kung nasaan si Jake... at sinagot naman siya ng kanyang Mommy, umuwi muna daw ito noong dumating sila ng kanyang Daddy, na ang Daddy ni Jake ang pumunta sa kanilang bahay para ipaalam ang nangyari sa kanya. Humingi nalang ng sorry ang Mommy niya dahil sa nabanggit ni Jake na hapon pa lang noong tawag ng tawag na sa kanila ang kanilang anak pero hindi sila nito macontact.
Tumalikod nalang siya sa kanyang Mommy dahil ayaw niyang makitang umiiyak siya, ayaw niyang may makakitang mahina siya. Pinipigil niya ang kanyang pag-iyak at binalikan ang nangyari kagabi bago siya nawalan ng malay... huminto ang bike ni Jake sa harap niya, pinahid muna ang mata nito bago lumapit sa kanya at noong iabot na nito ang jacket sa kanya ay nakita niya ang pagtulo ng luha nito. Sinubukan niyang tanggapin ang jacket kaya lang hinang-hina na siya kaya si Jake nalang ang nagsuot noon sa kanya, nahihimatay na siya noon at noong matutumba na siya ay sinalo siya ni Jake at sa dibdib siya nito sumubsob at niyakap nalang siya nito. At kahit ganoon na ang karamdaman niya ay may naramdaman pa siyang kakaiba, bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, parang nag-aalab ito sa init at noon lang siya nakaramdam ng ganoon sa buong buhay niya. Naitanong nalang niya sa kanyang sarili... “Ito kaya ang tinatawag nilang pag-ibig? Pag-ibig kaya itong kakaibang nararamdaman ng aking puso? Bakit parang ang saya, parang ang sarap ng pakiramdam? Bakit... bakit...”... pagkatapos blackout...
[align=center]-Wakas-[/align]