[b][u]CHAPTER 3[/u][/b]
[i]Ang galing rin naman ng mga paa ko. Parang alam niya kung saan talaga dapat pumunta. Akalain mo? Dun sa lumang building ng school namin dati ako dinala ng mga paa ko. Ang galing naman o. Dito kaya ako madalas pag pinapagalitan ako ni Mama. Actually, dito kami madalas ni kuya. Dito ang tambayan namin. Walang tumatambay dito. Kami lang. Sabi kasi nila may namatay daw dito na estudyante at nagmumulto ngayon kaya inabando na ng school. Sus, maniwala ka dun. Wala naman talagang multo.
Umakyat ako sa rooftop. Ito ang paborito kong spot. Wala lang. Gusto ko lang dito. Isinisigaw ko lang talaga lahat ng gusto kong sabihin dito. Sama ng loob, sama ng loob at higit sa lahat, sama ng loob. Ano namang ilalabas ko dito? Saya? Haha, as if.
Buhay. Madaya talaga. Bakit parang ako lang ang nakakaramdam ng ganito? Bakit parang lahat ng sakit ako lang ang nakakaramdam?[/i]
[b]*TOK!TOK!*[/b]
Cecile: MYMEE! It's your first day today! Gising na! Mymee!
[i]Napabangon ako sa lakas ng boses ni Mama. Ano ba yan? Ang aga-aga. Naalala ko na naman yung kagabi. Amf, binungangaan na naman ako. Bwisit talaga[/i]
Mymee: Eto na po!
[i]Dumiretso na ko sa banyo. Pagkatapos, siempre. Morning rituals, breakfast tapos pasok na.
Hayy. New school. Hope this is better. Ayoko lang na ---[/i]
[b]*RIIIIIIIIIIIIIIIIING!*[/b]
[i]Hala! Bakit sila nagtatakbuhan? May sunog ba? Stampede? Teka, may bell na ba ngayon ang stampede? Baka sunog nga!
But wait! Nasaan na sila? Biglang nawala? Hala, naiwan na ata ako dito? Hala, saan kasi daan palabas? Takbo dito. Takbo doon.[/i]
---: Miss, classes are going on.
[i]Teka, kilala ko yung boses na yun ah. Siya na naman. Hindi pwede. Tumakbo na ko. I didn't bother to look back. Makikilala na naman niya ko.[/i]
---: Miss!Come back here!
[i]Dire-diretso lang ako. Ayoko ng maulit pa yung dati. Pwede ba. Takbo ulit dito. Takbo doon. Hingal na hingal na ko. Teka, san ba daan palabas? At bakit nandito pa yung lalaking yun? Diba nga may sunog? Hala, ano ba talagang nangyari?[/i]
:idea: [b][i]to be continued[/i][/b]
Last edited by m4ndz9 (2009-03-16 08:59:29)