• ARCHIVES 
  • » share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

Pages: 1

share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hindi ka masaya sa taong iyon kung ano man siya ngayon, huwag mong pilitin ang sarili. sabi nga ng isang kaibigan, "inaakala mong magbabago siya pag kayoy magkasama na, pero ang nangyari, mas matindi pa pala." kaya pagdating sa kanyang espiritwalidad, karakter, paglilinis sa sarili, pakikipagkomunikasyon at mga personal na pag-uugali, siguraduhin mong kayang-kaya mong mabuhay kasama niya sa kalagayan niya ngayon. 2. pinili mo ang maling tao dahil nakatuon ka sa pagkakaroon niyo ng "chemistry" kapag kayoy magkasama, kaysa sa kanyang mga pag-uugali. ang "chemistry" ang nag-uumpisa ng alab ng relasyon, pero ang mga pag-uugali ang nagpapanatili ng apoy na iyon. mag-ingat sa "inlove ako!" syndrome. baka hindi mo nakikita ang tunay na pag-uugali ng taong iyon dahil nabubulag ka sa masidhing damdaming nararamdaman mo sa kanya. narito ang four (naks biglang english oh, four daw.) na katangian na dapat mong hanapin sa taong inaakala mo ay "inlove" ka: ____________________________________________________________________ A.- mapagpakumbaba: iniisip ba ng taong ito na ang "paggawa ng mabuti at karapat-dapat" ay mas mahalaga kaysa "paggawa ng mga bagay dahil sa kagustuhan lamang"? B.- kabaitan: lalo ba siyang masaya kapag nakakapagbigay siya ng kasiyahan sa iba? paano niya tinatrato ang mga taong hindi naman niya dapat pakitaan ng kabaitan (waiter, beggar (**sosyal, beggar..), atbp)? sumasali ba siya sa mga "volunteer work"? magalang ba siya sa aking mga magulang at sumusunod ba siya sa payo ng mas nakatatanda sa kaniya? SEE.- responsibilidad: Maasahan ko ba ang taong ito kapag nagsabi siya ng mga bagay na sinasabi niyang gagawin niya? DEE.- masayahin: "Mahal ba ng taong ito ang kaniyang sarili? iniibig niya ba ang kaniyang sariling buhay? nag-eenjoy ba siya sa kaniyang paligid gaano man kapangit ito? matatag na ba ang kaniyang damdamin ano man ang dumating na problema sa kaniya? madali ba siyang sumuko sa mga problema?" puwede mo rin itanong sa sarili mo: "gusto ko bang maging katulad niya? gusto ko bang maging katulad siya ng mga magiging anak ko (someday)?" ____________________________________________________________________ 3. pinili mo ang maling tao dahil hindi niya maintindihan ang mga pangangailangan mo bilang babae/lalaki. ang lalaki at babae ay mayroong pansariling pangangailangan, at mas madalas, ang lalaki ang kailangang mag-adjust para matugunan ang mga pangangailangan ng babae. (mag papapartey ang kababaihan, kinampihan nanaman sila sa post na ito....) kasi sa kulturang Hudyo, inilalagay ang "onus" o responsibilidad sa lalaki para unawain ang emosyonal na pangangailangan ng kaniyang asawa. ang isa sa pangangailangan ng babae ay ang pagmamahal, at ang kaalaman na siya lang ang tangi at pinakaimportanteng tao sa buhay ng kanyang asawang lalaki. (vice versa sa puntong ito.) kailangang ibigay ang tuloy-tuloy at walang-sawang atensyon sa bawat isa. 4. pinili mo ang maling tao dahil hindi kayo iisa sa mga pangarap at prayoridad niyo sa buhay. mayroong 3 ( ahaha. three, parang ang pangit noh, bigla bigla akong nag eenglish matapos ang pagkahabang tagalog..) paraan upang makapagtatag ng maayos na relasyon sa ibang tao: ____________________________________________________________________ a. "compatibility" b. parehas ng mga interes c. parehas ng prayoridad at pangarap sa buhay. ____________________________________________________________________ pagkatapos ng boypren gerlpren, kayong dalawa ay maaring tumanda na magkasama o magkahiwalay. para maiwasan ang pagtanda ninyo ng magkahiwalay, dapat mo munang alamin kung ano ba ang layunin at pangarap mo sa buhay habang single ka pa, at humanap ka ng taong ganun din ang layunin at pangarap. ito ang tinatawag na "prayerpakner" (kaya nga diba sina sabi ng ating mga mas nakakatanda, intayin ang panahon na puwede ka nang mag prayer partner, at hindi bf/gf), yan ay dalawang taong may parehas ng pagkaunawa ng layunin sa buhay, kaya nagkakaroon sila ng parehong prayoridad, pagpapahalaga, at pangarap. 5. pinili mo ang maling tao dahil nagkaroon kayo kaagad ng sa maagang panahon ng relasyon. TULDOK! ( di bagay, kailangan english dito..). PERIOD! 6. pinili mo ang maling tao dahil hindi mo siya lubusang kilala sa damdamin. para malaman mo kung lubusan mo na siyang kilala sa kaniyang damdamin, maari mong itanong sa sarili mo: "nirerespeto ko ba at iginagalang ang taong ito?" hindi ibig sabihin ay gusto mo ang taong ito. gusto natin ng Mercedes, oo. pero nirerespeto natin ang isang tao hindi dahil sa meron siyang Mercedes. ( hahaha. ano ba ako? napunta na sa kotse. pero nagets mo po?) dapat kang mabighani sa mga katangian ng pagkamalikhain, katapatan, determinasyon, pagsisikap, atbp. itanong mo rin: "nagtitiwala ba ako sa kaniya?" Ibig sabihin rin nito, "matatag na ba ang kaniyang damdamin sa mga pagsubok na darating? makakaasa ba ako sa kanya sa panahong kailangan ko siya?" 7. pinili mo ang maling tao dahil pinili mo siya kahit hindi ka malaya sa iyong pagpapahayag ng damdamin sa kaniya. tanungin mo ang iyong sarili: "kaya ko bang maging AKO sa harap ng taong ito? payapa ba akong kumilos sa harap niya? nasasabi ko ba ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya? kaya niya bang iparamdam sa akin na dapat akong matuwa dahil ako ay AKO? natatakot ba ako sa taong ito sa kahit na anong paraan?" hindi mo dapat maramdaman na dapat mong ingatan ang iyong pagsasalita at pagpapahayag ng iyong damdamin sa kanya dahil takot ka sa kung ano ang maaari niyang isipin o gawin. kung takot ka na ipaalam ang totoo mong nararamdaman, may problema ang relasyon niyo. (siryoso ako) tignan mo palagi kung ang taong pinili mo ay laging gustong baguhin ka. isa pang aspeto ng pagiging "safe" sa isang relasyon ay kung ang taong ito ay kinokontrol ang buhay mo. isa ito sa mga senyales na maaring maging "abusive" ang isang relasyon. Tandaan: Ang suhestyon ay ginagawa para sa iyong kabutihan, ang pagkontrol ay ginagawa para sa kanilang sariling kapakanan. 8. pinili mo ang maling tao dahil hindi niyo kayang pag-usapan ang mga problema. anumang suliraning dumating sa isang relasyon ay dapat na pinag-uusapan at hindi tinatapos kaagad ng hindi man lang nagkakalinawan. ang pag-uusap tungkol sa mga hindi kanais-nais sa isang relasyon ay makakapagbukas ng komunikasyon sa inyong dalawa, at sa bandang huli ay makalulutas pa ng maraming isyu sa hinaharap. wag kang matakot na sabihin sa kanya ang problema. ito ang susi sa isang malusog na relasyon. 9. pinili mo ang maling tao dahil ginamit mo siya sa pagtakas sa mga responsibilidad mo sa buhay. ang iba naman, ginamit ang relasyon upang maibsan ang kalungkutan na dulot ng pamumuhay mag-isa. kung malungkot ka sa buhay ng pagiging single,maari ka ring maging malungkot kapag nagging kayo na. ang pagkakarelasyon ay hindi makalulutas ng suliraning personal, emosyonal, at "psychological". kung malungkot ka at hindi kuntento sa iyong buhay, ayusin mo muna ito habang single ka pa. kapag nag bf/gf ka na, mas magiging masaya ang pagsasama. 10. .... AD SPACE.. salamat.sa.pagbasa..
emceediesvii
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
307
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

wow..astig ka..
chipster489
» FTalkWorm
FTalk Level: zero
16296
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

[font=Lucida Sans Unicode][b]Thanks 4 posting dat, God Bless. ;) [/b][/font]
zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

your.welcome.po! "I.have.a.promise. a.promise.from.heaven"
Dynasty-tweaker
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
2528
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

lup8s ah aztigin !!!
mabuhay
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
849
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

aztig tlga kpag KKB... =):thumbsup::thumbsup::thumbsup: [spoiler]15 minutes bgo q ntpos bsahin... :D :wallbash: korek ka jan bro. :D kaya pagdating sa kanyang espiritwalidad, karakter, paglilinis sa sarili, pakikipagkomunikasyon at mga personal na pag-uugali, siguraduhin mong kayang-kaya mong [b]mabuhay[/b] :D kasama niya sa kalagayan niya ngayon. [spoiler]Mahal q po buhay q..kya nga MABUHAY eh!... :wallbash: :lol: :penguin: DEE.- masayahin: "Mahal ba ng taong ito ang kaniyang sarili? iniibig niya ba ang kaniyang sariling buhay? nag-eenjoy ba siya sa kaniyang paligid gaano man kapangit ito? matatag na ba ang kaniyang damdamin ano man ang dumating na problema sa kaniya? madali ba siyang sumuko sa mga problema?"[/spoiler][/spoiler]

Last edited by mabuhay (2009-01-17 04:58:05)

zzamae
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
984
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

heheh...yah.kuya.artman!!! thanks.sa.repu!
leipot
» FTalkElite
FTalk Level: zero
6019
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

wow astig :thumbsup: galing mo :D
vbuzz3r
» FTalkWhiz
FTalk Level: zero
2982
0
1969-12-31

Re: share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

galing nmn astig ka tagala sis
  • ARCHIVES 
  • » share.ko.lang.po.ito.... 1. pinili mo ang maling tao dahil iniisip mo na magbabago siya pag naging kayo. ito ang madalas ipagkamali ng iba. huwag sumama sa taong inaakala mong "magbabago". kung hind

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 23:35

[ 10 queries - 0.014 second ]
Privacy Policy