• ARCHIVES 
  • » [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

Pages: 1

[align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

[align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie." "Ano?" may gulat kong sagot sa sinabi niya. "Pasensya na kung nagulat ka man na sinabi ko.. pero gusto ko lang na malaman mo... kahit ngayon lang." Ngayon nga lang talaga nagsalita ng ganon sa akin si William. Matagal na din kaming naging magkaibigan pero madalas hindi ganito kaseryoso ang mga pag-uusap namin. "Alam kong hindi siguro ito ang tamang oras..." "Ano bang ginagawa mo?" marahan kong tanong sa kanya. "Anong inaasahan mong isasagot ko dyan?" "Gusto ko lang malaman mo.. kahit ngayon lang." Nanginginig na ang katawan ko sa mga oras na yon. Napupuno na ng luha ang mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa mga oras na iyon. "Uhmm, Hindi ko.." "Wag.." "..Hindi mo alam kung gaano kahalaga ang pagiging magkaibigan natin..." "Don't do that, ayokong manatili tayong magkaibigan. I want more than that." "Alam mo naman yung sitwasyon di ba, hindi tayo pwede. I'm so sorry." "Hindi.. hindi mo kailangan magsorry. Ako ang dapat magsorry, for making things very complicated." Lumakad palayo si William mula sa akin. Napansin kong may luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Hindi ko gustong sabihin sa kanya yon, pero dahil sa mga nangyari, nararapat lang siguro na hindi ko na palalain ang mga pangyayari. Bakit ba lagi na lang pag sa tingin mong tama na yung desisyon na ginawa mo e bigla mo na lang matatanto na mali pala yun. At ang malala pa dun e huli na para maayos pa ang lahat. [b]4 Weeks Earlier[/b] "I am Jessica. I'm 17 years old. And I'm glad to be a part of this section. If you want to be my friend, then just be nice to me. Alright? Thank you." "Palakpakan naman natin si Ms. Jessica. Napakaganda mo iha, para ka nga talagang si Jessiehite." banat ng teacher namin. "Hindi po, kayo naman." "Ok, yung next one naman..." Ngayong araw na ito ang first day ko sa college and excited talaga ako sa pagpasok dahil na din siguro sa napili kong course, which is Accountancy, na gustong-gusto ko. At isa pa, nasa parehong school ko din ang aking long-time friend na si William. Simula high school magkaibigan na kami at hanggang ngayon ay matibay pa din ang aming pagsasamahan. Kaya napakasaya ko nung nalaman ko na dito din siya papasok. "Huy Jessie! Tagal mo naman, kanina pa ako naghihintay dito eh." halong inip at saya ang pagbati ni William sa akin paglabas ko ng classroom namin. "Di ba sinabi ko naman sa iyo yung oras ng labas ko? Dapat nag-ikot ka muna." "Naku, nakakapagod kaya. Tara na, kain na tayo." "O sige. Tara na." Nagsimula kaming maglakad papuntang canteen, magkasabay kami lagi sa pagkain. Nakasanayan na namin yun kahit pa noong high school pa lang kami. Yung iba ko kasing mga kaibigan nun, nag-da-diet daw kaya ayaw kumain pag lunch e ako naman mahilig sa lamon, kaya buti na lang andito din si William para saluhan ako sa pagiging matakaw ko. "So, may gwapo ka na bang nakita sa klase nyo?" tanong ni William sa akin pagkatapos niyang umupo sa pagkakainan namin. "Kung anu-ano tinatanong mo, hindi ako naghahanap ng gwapo ha." "Biro lang Jessie, alam ko namang hindi ka pa din nakakamove-on kay Harold. Mga three months na din pala since nagbreak kayo." Three months, ganun na nga katagal since nung naghiwalay kami ng boyfriend ko, sa kadahilanang masyado kaming malayo sa isa't-isa. Pero sa tingin ko hindi niya na ako mahal talaga. Masakit para sa akin ang nangyaring iyon, buti na lang at andyan palagi ang aking best friend para pangitiin ako. "Nakalimutan ko na siya. Ikaw lang laging nagpapa-alala dun eh." umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni William at tumingin sa kanya. "Hmm. Sa tingin ko hindi mo pa siya nakakalimutan, pero hindi naman yun pipigil sa yo para maghanap ulit ng iba." "Ayoko ngang maghanap. Dapat hayaan kong dumating sa akin. Ganoon ang tunay na pag-ibig." "Aba, makata ka na ba ngayon?" gulat na tanong niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin na para bang may ibubulong. "Kahit maganda ka, hindi basta-basta lalapit sa yo ang lalake. Dapat magparamdam ka din." "Loko-loko ka talaga!" "Joke lang, eto naman. Syempre lalapitan ka agad ng mga lalake. Sa ganda mo ba namang yan, mahaba ang buhok, maputi, maganda ang ngiti. Nasa iyo na yata lahat ng hinahanap ng isang lalake sa isang babae eh." "Yun lang? Paano naman yung ugali, wala ba kayong pakialam dun?" patanong kong sagot sa kanya. "Kasama na din yun. Pero unang titignan yung panlabas na katangian diba. Pustahan pa tayo, simula bukas may manliligaw na agad sa iyo." "Hay nako, kung anu-ano talaga iniisip mo. Tara na, bumili na tayo ng pagkain." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni William. Kahit naman sa ganoong paraan din kami nagkakilala ng ex-boyfriend kong si Harold. Isa siya sa mga manliligaw ko sa section namin nung high school. Medyo napabilib kasi ako sa panliligaw niya kaya siguro na-inlove ako sa kanya. Pero lahat ng iyon ay nakaraan na at hindi na dapat balikan. Pagkabili namin ng pagkain ay bumalik kami sa aming upuan. "Jessie, dapat laging ganito ha. Sabay tayo mag-lunch." "Oo naman. Buti na nga lang sabay tayo lagi ng break diba." Tinanggal niya ang kutsara sa bibig niya at tinuro ito sa akin. "Ay, nga pala. May nakita akong spot dun malapit sa gym. Doon na lang tayo tumambay mamaya. I'm sure you will like it there." "Oh talaga? Sige puntahan natin yun." Dumiretso kami ni William doon sa lugar na sinasabi niya pagkatapos naming kumain. Napakalaki ng campus namin, maraming puno na humaharang sa tirik na tirik na araw. Maaliwalas ang hangin na umiihip sa bawat punong nadadaanan namin. Pagdating namin dun sa lugar na sinasabi niya, namangha ako sa kagandahan nito dahil na din sa dami ng bulaklak na tumutubo dito. "Sunflower!" sigaw ko habang papalapit sa nasabing bulaklak. "Sabi ko na nga ba, magugustuhan mo yan eh." wika ni William. "Paano mo nakita tong lugar na to?" Nagkamot ng ulo si William na para bang may alalang nararamdaman. "Medyo naliligaw kasi ako kaninang umaga, hindi ko mahanap yung room ko eh. Napadaan ako dito tapos nakita ko yung mga Sunflower." "Naligaw ka kanina? Bakit hindi ka nagtext sa akin?" tumayo ako at hinarap ko siya. "Meron namang tumulong sa akin. Ang maganda pa dun e kaklase ko pala siya. Kaya ayun tinuro niya sa akin yung room." "Ganun. Swerte ha. Buti na lang. Edi may friend ka na agad." banat ko sa kanya. "Oo nga yata. Mukha namang mabait eh. Baka makasundo ko." "May barkada ka na, baka naman makalimutan mo na ako." Bigla siyang tumingin sa akin at napatawa. "Ano ba yang sinasabi mo? Syempre ikaw pa din ang best friend ko." "Naks naman. Basta dito na ang 'spot' natin ha. Tayong dalawa lang dapat dito." "Oo naman. Bagay na bagay na tambayan to, may upuan, may puno at ang favorite mong bulaklak." nakangisi si William habang tinuturo ang magagandang parte ng lugar na iyon. "Salamat ha. Umpisa pa lang ng college, napapasaya mo na agad ako." "Ikaw pa. Malakas ka sa akin eh." Noon ko lang naisip kung gaano ako kaswerte kay William. Siya lang ang kaibigan na ganon kalaki ang pagpapahalaga sa akin. Kapag kasama ko siya lagi akong masaya, laging maginhawa ang pakiramdam ko, at pakiramdam ko hindi ako nag-iisa. Madami naman din akong kaibigan na lalake, dahil sa tingin ko e super friendly talaga ako. Pero iba lang talaga ang pakiramdam ko pag kasama ko si William. Kaya sobrang swerte ko talaga sa kanya. Lumipas ang mga araw ng aking college life. Medyo normal naman ang mga nangyayari except pagdating ng friday, kung saan may nangyaring hindi ko inaasahan. "Ikaw po si Jessie diba?" Tanong ng isang lalaki habang ako ay nakatayo sa hallway. "Yup. Ako nga yun." "Ahh. May nagpapabigay po nito. Para sa inyo daw. Sige po." Biglang takbo ang lalaki pagkatapos niyang iabot sa akin ang isang sulat na may naka-ipit na isang bulalak ng sunflower. "Oh, Jessie. Anu yan?" tanong ni William na kakalabas lang ng room. "Uhmm. Sulat yata. Hindi ko alam, may nagbigay lang sa akin e." "Wow. Love Letter. Galing sa isang hindi kilalang lalake. In short, a secret admirer." Puminta sa mukha ko ang pagtataka. Sino naman kaya ang maaaring maging secret admirer ko? Akala ko noong high school lang uso yung mga ganun, kahit hanggang ngayon pala. "Ano pa tinutunganga mo dyan? Buksan mo na kaya. Excited na akong malaman kung sino yan." Kitang-kita ko nga ang pagkasabik sa mukha ni William habang binubuksan ko, kahit naman ako gusto ko din malaman kung sino ba ang nagbigay nun, at anong dahilan niya.[/spoiler] -------------------------------------------------------------------------------------------------------- [align=center][img]http://img146.imageshack.us/img146/6858/sunflower082707.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Laging may nasasaktan..." Yan ang sabi ni Ms. Rodriguez, isa sa mga ka-close kong prof. namin, matapos kong i-kwento sa kanya ang mga pinagdadaanan ko nitong mga nakaraang linggo. Tama nga naman siya sa sinabi niya, pero sa tingin ko may kulang pa dun. Lagi ngang may nasasaktan, pero ang mahirap ay kung ang nasasaktan e yung taong napakahalaga sa iyo. "Bakit mo ba ako iniiwasan? Akala ko ba ayos lang sa'yo ang lahat?" Biglang tumigil sa paglalakad si William, umikot siya at tumingin sa akin na para bang sobrang laki ng galit niya sa akin. "Ayos lang naman talaga sa akin e, ikaw lang ang ayaw maniwala." "Paano naman ako maniniwala e ayaw mo na nga akong pansinin, hindi mo na ako sinasamahan, at higit sa lahat hindi mo na ako kinakausap. Parang nawala yung pagkakaibigan natin. Ngayon sabihin mo sa akin kung dapat ba akong maniwala na ayos lang sa'yo ang nangyayari." Mga luha ang biglang bumagsak mula sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang umiyak, masyadong mahirap sa akin ang mistulang pagkawala ng isang taong pinahahalagahan ko higit pa sa buhay ko. "Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Hindi mo ako pababayaan?" Pasigaw na tanong ko sa kanya. "Para saan pa yung mga sinabi mo sa akin dati na kahit anong mangyari, hindi masisira ang pagsasamahan natin?" "Ang mahirap sa'yo e wala kang ideya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Kung alam mo lang Jessie." Nanginginig na ang mga kamay niya, kitang-kita ko ang hirap na nadadama niya. Sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan namin, alam ko na agad kung malungkot siya. Alam ko na agad kung may dinaramdam siya. At alam ko na agad kung nasasaktan siya. "Hindi mo din alam kung gaano kahirap sa akin na makita kang ganyan. Ikaw din ang may kasalanan, dahil sa dinami-dami ng pangyayari hindi ka man lang nagsalita kahit isang beses. Kung ayaw mo naman pala yung mga ginagawa kong desisyon, dapat sinabi mo man lang sa akin. Hindi yung ganito, nasasaktan din kasi ako e." "Sinubukan kong magsalita, pero nakita ko kasi na masaya ka sa mga nangyayari. At ang mahalaga sa akin ay yung kasiyahan mo. Kaya hindi na ako nagsalita." Natahimik na lang ako bigla. Mula nga sa simula, malinaw sa akin na ang gusto niyang mangyari e makita ang ngiti sa aking mukha. Alam ko na ngayon na mali ako para magreklamo sa kanya. Hinayaan ko na lang siya na maglakad palayo sa akin. "Laging may nasasaktan..." Ngayon alam ko na hindi lang siya ang nasasaktan sa mga nangyayari. Pati ako nasasaktan, hindi lang dahil sa nasirang pagkakaibigan namin. Pero dahil mahal ko na din siya. [b]3 weeks earlier[/b] "Jessie! Kamusta ang weekend? Kilala mo na ba yung secret admirer mo?" Ngumingising tanong sa akin ni William. "Hindi pa nga e. Nagkatext kami pero ayaw talagang makipagkilala. Naku, pag naiinis ako sa kanya hindi ko na siya kakausapin." "Oh, hinay-hinay lang. Eto naman e. Minsan ka lang magkaroon ng secret admirer, papalagpasin mo pa." "Kung katulad niya naman edi ayos lang." Napatingin siya sa akin ng may pagtataka. "Pero mukhang masaya ka naman ha." "Masaya? Siguro dahil dun sa binigay niyang sunflower, na hindi ko talaga alam kung paano niya nalamang paborito kong bulaklak." "Kilig ka naman. In-love na si Jessie." Patawa niyang sinabi. "Hala, ang bilis naman nun. Hindi ko pa nga alam kung sino siya e." "Mas maganda nga yun e. Para malaman mo muna yung ugali niya bago mo malaman kung panget ba siya o hindi." "Loko ka talaga." Sabay simangot ng mukha ko. "Galit na yan. Eto naman, hindi na mabiro." "Hmmp." "Ahh. Alam ko na, eto lang solusyon dyan e. Isang pack ng cheese popcorn!" Nilabas niya sa bag niya ang cheese popcorn, na pinakapaborito kong kainin kapag ako'y nababagot at gusto lang lumamon. "Oh, diba. Smile na siya!" "Hmm. Pasalamat ka talaga, may dala ka lang popcorn. Kung hindi patay ka talaga sa akin." Alam na alam na talaga ni William kung ano ang gusto at ayaw ko. Wala na yata akong maiitatago sa kanya. Kilalang-kilala niya na ako. At tama din siya dun sa sinabi niyang masaya nga ako sa secret admirer ko. Matagal na kasi since noong nagkaroon ng isang tao na interesado sa akin. At dagdag pa dun, alam niya kung ano ang gusto ko. Ang hindi ko lang alam, iyon pa lang ang simula ng mga pangyayaring makakapagbago sa daloy ng buhay ko. “Si Jessica, in-love na sa secret admirer niya!” Pang-inis na sigaw ni William. “Huy! Tigilan mo nga yan. Nakakahiya to. Bahala ka, magagalit ulit ako sa’yo.” “Hahaha.”[/spoiler] -------------------------------------------------------------------------------------------------------- [align=center] [img]http://chipskjaa.files.wordpress.com/2009/02/man-walking-away.jpg[/img][/align] [spoiler][b] Present Day[/b] “Walang mangyayari sa’yo kung magmumukmok ka lang dyan. Kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo.” “Eh anong gusto mong gawin ko?” “Sumama ka sakin, lumabas tayo at pumunta tayo sa pinakapaborito mong lugar.” Nagkakilala kami ni Alfred two weeks ago, siya pala ang secret admirer ko. Ayos naman siya, mabait at maalalahanin. At best of all, halos pareho kami ng gusto. Hindi ko pa naman siya sinasagot kahit na nanliligaw na siya, handa daw siyang maghintay sa akin. Pero simula nung maging close kami, napalayo naman sa akin si William. Isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari. “Andito na tayo!” Pagmamalaking sinabi ni Alfred. “Ang pinakapaborito mong lugar! Nagulat na lang ako nung sinabi niya yun. At mas lalo akong nagulat nung nakita kong hindi naman yung ang lugar na gusto kong puntahan. “Umm, fred?” nagtatakang pagtatanong ko sa kanya. “Hindi ito yung gusto kong lugar, diba naituro ko na sa’yo yung paborito ko. Doon siya sa malapit sa Open Field, yung maraming sunflowers. “Ahh.. Doon ba?” sagot ni Alfred habang nagkakamot ng ulo. “Pasensya na ha, nakalimutan ko kasi e. Maganda naman din dito diba, at meron din nung kulay yellow na bulaklak.” “Ano ka ba, yellowbell yang halaman na yan.” “Ganon ba, pasensya na talaga ha. Wag ka nang magalit, ibibili na lang kita ng pagkain. Gusto mo ba ng taco’s?” “Hindi, ayaw ko nun. Gusto ko ng popcorn, meron nun sa canteen. Bili mo ako, gusto ko yung cheese flavor.” “Cheese na popcorn?, bakit yun? Ayoko nun. Hindi ako kumakain ng cheese popcorn.” pagtangging sagot ni Alfred. “What?, Hindi ka kumakain ng popcorn? Eh kala ko favorite mo yun? Diba sabi mo nung first time tayong kumain ng magkasama, na gustong-gusto mo kumain nyan?” “Favorite mo nga pala yung cheese. I thought you said barbeque flavor, yun ang ayaw kong flavor ng popcorn.” “Right.. Sige na, bilhin mo kung anong gusto mo. Ayos lang sa akin yun.” “I’m sorry, bibilhin ko din yung popcorn mo. Wag ka na sanang magalit.” pagsisising sagot ni Alfred. Bigla akong napa-isip, parang biglang nag-iba si Alfred nung nawala hindi na ako kinakausap ni William. Two weeks ago he was the sweetest guy in the world, ready to do everything just to please me. “Just like William…” bulong ko sa sarili ko. Isang linggo na ang lumipas since nung last time na nag-usap kami ni William. Akala ko nagtatampo lang siya sa akin dahil sa pagiging close ko agad kay Alfred, pero now I think it’s more than that. And now, more than ever I realize that I miss him. [b]2 weeks earlier[/b] “Hey..” bati sa akin ni William habang ako’y nakaupo sa hagdanan. “Kamusta ka na? Hindi ka nagparamdam nung weekend ha, busy ba?” “Hindi naman, pasensya na ha.” “Ayos lang, mukhang masaya ka yata ngayon. May nangyari ba?” tanong sa akin ni William habang nakatingin sa aking mata. “Well, nagtext ako dun sa lalakeng nagbigay sa akin nung letter last week. I got his name, which is Alfred and we’re meeting up today.” “Talaga?, parang ang bilis naman ata.” pagtatakang tanong ni William. Napatawa ako sa sinabi niya sa akin sabay paliwanag na, “Gusto ko na din siyang makita e, hindi sapat yung pangalan lang at isang sulat. Mas maganda kapag kilala mo na sa personal diba?” “Kung yan ang gusto mo…” Ilang minuto ang lumipas nang hindi nagsasalita si William. Naisip ko na baka nagtatampo lang siya sa akin, dahil sa pagkakaroon ko ng interes kay Alfred. “Ikaw pala, kamusta naman ang weekend mo?” tanong ko sa kanya. “Ayun, doing my homeworks. Same stuff…” walang buhay niyang pagsagot. Napagbugtong-hininga ako, “May problema ba William?” Tumingin siya sa akin ng diretso at marihing sinabi, “I think you already know…” “Jessica?” isang lalake ang umantala sa aming pag-uusap. “Yes?..” sagot ko habang iniisip kung sino ang lalakeng nasa harap namin. “Ikaw ba si Alfred?” “Ako nga, nice to finally meet you in person.” Sabay lapit ng kanyang kamay upang makapagpakilala. “Nice meeting you too Alfred”, sagot ko sa kanya. “Say, you look familiar, nagkakilala na ba tayo dati?” “Actually no, but you may recognize me because I was working for the Enrollment Committee. I was one of the guys that was handing out the Registration Forms.” “Ahh. So, that’s why you look so familiar.”, nakangiti kong sagot. “Oh, I almost forgot. This is my friend, William.” “Hello William, ako pala si Alfred.”, pagpapakilala ni Alfred. Tumungo lang si William at hindi nagsalita. “Bibili lang ako ng pagkain sa canteen. Maiwan ko muna kayo dyan.” “Uy, William. Babalik ka dito?”, pahabol kong tanong sa kanya. “Yeah, I will.” Tumalikod si William at naglakad papuntang canteen. Hindi ko talaga alam kung ano nasa isip niya. Bigla na lang nag-iba ang mood niya simula noong isang linggo. Naisip ko na kakausapin ko na lang siya mamaya. Siguro naman maiintindihan niya na hindi ako laging naandyan para sa kanya. “Something wrong?”, biglang tinanong ni Alfred sa akin. “Ah, wala. Wag kang mag-alala. So, magkwento ka naman tungkol sa sarili mo.” Nagsimulang magkwento si Aflred at hindi ako makapaniwala sa dami ng pagkakapareho naming dalawa. Naisip ko tuloy na kung totoo yung soulmate baka siya na yung para sa akin. “Oh, I have something for you. I think it’s the best suited flower for a girl like you.”, inilabas niya mula sa kanyang bag ang isang sunflower at ibinigay sa akin. “Sunflower! Favorite ko to. Ang galing mo naman. Kala ko tsamba lang yung pagsama mo ng sunflower dun sa letter na ibinigay mo sa akin.”, masayang pagtanggap ko sa binigay niya. “I’m glad you like it.” “Thank you talaga!” “It’s getting late, gusto mo ihatid na kita?” “Sige, ayos lang. Tara, malapit lang naman ako dito eh.” Tumayo na kami at naglakad pauwi. Hindi ko nga lang naisip na hindi na pala bumalik si William pagkatapos niyang bumili sa canteen. Nagtext ako sa kanya upang tanungin kung nasaan na siya, ngunit hindi siya sumagot. Ang hindi ko lang alam e nandoon pala siya malapit sa entrance ng building, ngunit hindi siya pumasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit tumayo lang siya doon at hindi kami nilapitan. Hindi ko din alam kung ano na ba ang nangyayari sa pagkakaibigan namin.[/spoiler] -------------------------------------------------------------------------------------------------------- [i]to be continued..[/i]

Last edited by rouken (2010-04-28 05:54:21)

yunish
» FTalkFreak
FTalk Level: zero
1951
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

just dropped by the lit section and saw this. haha. nice story. when will be the update?:P p.s. still rmmbr me?
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=yunish;#3521262;1271137473]just dropped by the lit section and saw this. haha. nice story. when will be the update?:P p.s. still rmmbr me?[/quote] of course naman, right now nga nsa profile mo ako sa facebook and im typing you greeting. at birthday mo pla. haha. update ko din yan every now and then. medyo tamad kasi yung kamay ko sa pagttype. xD
yanndicecaedy
» FTalkAddict
FTalk Level: zero
361
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

Nagbabalik si Kenneth. Next na :)) E, ako ba naaalala mo pa? :P
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=yanndicecaedy;#3521351;1271140320]Nagbabalik si Kenneth. Next na :)) E, ako ba naaalala mo pa? :P[/quote] ayan, hehe. i remember. :yes: great to see na andito pa din kau. hehe. at syempre ako, nagbabalik. :thumbsup:
zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

this story is real cool! right.. sometimes being so close of opposite genders brings conflicts as days pass oh come on! what will happen next... update soon!!
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=zheaisthria;#3521403;1271142849]this story is real cool! right.. sometimes being so close of opposite genders brings conflicts as days pass oh come on! what will happen next... update soon!![/quote] thank you for that wonderful comment. =] i guess you're a writer too? don't worry, i'll update it as soon as I hit my imagination mode again. :woohoo:
zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=rouken;#3521417;1271143958]thank you for that wonderful comment. =] i guess you're a writer too? don't worry, i'll update it as soon as I hit my imagination mode again.[/quote] no problem you deserve it in a way.. lol yes i',m a writer too and i wait for your update then
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=zheaisthria;#3521526;1271149871]no problem you deserve it in a way.. lol yes i',m a writer too and i wait for your update then[/quote] thanks! :woohoo: if a free time comes by, i'll read your stories here. :yes:
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

ayan, updated na agad. :thumbsup: nilagyan ko na din po ng spoiler tags para ndi humaba yung post. hehe. enjoy po. =]
zheaisthria
» FTalker
FTalk Level: zero
256
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=rouken;#3522022;1271165619]thanks! if a free time comes by, i'll read your stories here.[/quote] if that so, thanks too anyway i read the next update so made it on one post only and just use spoilers... ahh nice... who might be the secret admirer??hmmm he might be close to her... lol haha update!
yunish
» FTalkFreak
FTalk Level: zero
1951
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

nice update Super Dad. Hahaha. Love ur style in making stories. :D
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=zheaisthria;#3522464;1271211337]if that so, thanks too anyway i read the next update so made it on one post only and just use spoilers... ahh nice... who might be the secret admirer??hmmm he might be close to her... lol haha update![/quote] haha. yun ang big question. sino ang secret admirer? abangan! :D [quote=yunish;#3522781;1271233054]nice update Super Dad. Hahaha. Love ur style in making stories. :D[/quote] thank you for that nice compliment SK. =) iba nga ang style ko, mapapansin mo pa lalo yun sa susunod kong story. mas nakakahilo pa dyan. haha. buti nlng may mga readers pa din ako dito. hahah. napansin ko kasi wala yatang guy na nagpopost ng stories dito. yan tuloy minority ako. :pacman:
yunish
» FTalkFreak
FTalk Level: zero
1951
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

haha.yun nga SD, mjo nkkhilo. pero aus lng. kakaiba e. ((: may next story kpa? naks. inspired tlg a.((: hnnga't nndto pa ako SD. my reader kpa tlg. haha. ((: aus lng un. minority wins. konek? wla lng. ((: naalala ko lng ung pnpnuod ko dti. ung sa liar game. lol. Off topic na. ((: Quiet na me. haha. -- kelan update?
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

hehe. almost 2 weeks without update. im so sorry. xD kinda busy. so this is for my super kid. yunish. :woohoo: and those who have the courage to read my work. thank you. xD
yunish
» FTalkFreak
FTalk Level: zero
1951
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[align=center]yeeeey. inupdate na ng super dad ko. hahaha. thankies. :d ---- kmsta naman un? bkt gnun si william? :O tapos, errr? Alfred? mukhang fake siya. haha. jk. ((: [/align]
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

[quote=yunish;#3549589;1272449551]kmsta naman un? bkt gnun si william? :O tapos, errr? Alfred? mukhang fake siya. haha. jk. ((:[/quote] yun ang malaking tanong. hehe, pero kala mo alam mo na ang mangyayari dyan. may surprise pa at the last second. haha. abangan.
yunish
» FTalkFreak
FTalk Level: zero
1951
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

ay. may gnung effect. haha. cge po. aabangan ko. :DD
tribalz
» n00b
FTalk Level: zero
9
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

ive met this nah.... Miss ko si [b]mich! [/b]
rouken
» n00b
FTalk Level: zero
77
0
1969-12-31

Re: [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

salamat po sa pagtangkilik ng original filipino stories. haha. mejo unconventional ang style ko sa pagsusulat, pero exciting naman basahin. :run: pagkatpos nitong story na to, babalik ako sa bob ong style na pagsusulat. ang title eh "Boto Ko, Bilhin Mo" sa title palang, alam niyo na magiging masaya. xD :yes2:
  • ARCHIVES 
  • » [align=center][img]http://sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-snc3/hs394.snc3/23971_1411005796447_1271578656_1159988_5674855_n.jpg[/img][/align] [spoiler][b]Present Day[/b] "Mahal na mahal kita Jessie.

Pages: 1

Board footer

© 2024 F Talk

Current time is 01:32

[ 11 queries - 0.971 second ]
Privacy Policy