try nyu lang basahin kung nagustohan nyo thanks pero kung hindi thanks parin at least binasa nyo...

====
Alam ko nananaginip ako ngayon. Alam ko ito ay nakakatakot. Hindi ako makagising at hindi ko natatandaan ang mga pangyayari. Alam ko lang may isang boses ang tumatawag sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
The Legend Starts Now…
Ako si Humphrey. Isang simpleng binata sa Assyla, isa itong maliit na lugar na hindi makikita sa mga mapa. Ito ay hindi gaanong sikat na lugar dahil walang masyadong tao na nakakakita sa aming lugar. Dati ang Assyla ay isa sa pinakasikat sa bansa dahil sabi ng aking mga magulang, ito ay nagtataglay ng pinakamayang pinagkukunan ng mga mamahaling bato na ginagamit ng mga tao na gumawa ng alahas. Sabi ng mga magulang ko, dahil daw may nangyari sa aming lugar noong panahon ng aking ama ng aking lolo na ayaw naman ikwento ng mga magulang ko.
“Gon! Bumangon ka na!” sabi ng isang babae sa baba ng aming bahay. Gon ang aking nickname, binigay nitong tawag sa akin ng isa kong kaibigan.
“Opo ma! Pababa na po!” sabay kong sinabi at agad bumaba sa bahay.
Siya nga pala ang pinakamamahal kong ina si Fei Monastalez. Siya ang nagpalaki sa akin at isa sa mga sumusuporta sa akin.
(sa baba ng bahay)
“Kanina ka pa gising iho?” tanong ng aking ama.
“Hindi naman po.” Sabi ko habang naghihilamos.
Siya naman ang aking ama si Cliff Monastalez. Mula ng bata ako wala na siyang ginawa kundi ang paghusayin ng paghusayin sa paggamit ng espada. Siya kasi ay dating isang magaling na manlalalaro sa Sword Dancing kung saan isang sikat na laro sa panahon nila. Ang Sword Dancing ay isang laro ng pakikipaglaban na may kasamang mga malikhaing mga galaw.
“Kumain ka na at papasok ka pa sa paaralan” sabi ng aking ama.
Pagkatapos kumain ay agad akong nag-ayos at nagpunta sa paaralan. Habang naglalakad ay iniisip ko ang napanaginipan ko sa mga nakaraang araw hanggang may isang tao na tumawag sa aking atensyon.
“Tama na po. Masakit po. Aray!” sabi ng isang bata.
“Manahimik ka!! Hangga’t hindi mo binibigay ang baon mo ngayong araw na ito, hindi ko pipigilan ang pagpingot ng tainga mo!” sabi ng isang malaking tao na ngayon ko lang nakita sa lugar namin.
“Tama na!” sabi ko sa taong iyon.
“Ano bang pake alam mo…bata!!” sabi ng lalaki. At hindi siya nag-iisa, may kasama pa siyang limang lalaki na alam kong taga dito din. Lumabas sila sa likod niya at ginawa siyang gitna.
“Oo nga Humphrey, ano ba ang pake alam mo dito” sabi ng isang lalaki na nasa dulong kanan ng bagong lalaking ito.
“Ang yabang mo ah!” sabi ng malaking tao.
Agad binitawanan ang bata at sabay akong sinugod. Habang sumusugod ang pinakamalaki sa kanila, may biglang tumawag sa pangalan ko at nakitang bumato ng medyo mahabang kahoy na papunta sa akin.
“Saluhin mo!” sabi ng isang lalaking napakapamilyar ang boses…
Sino kaya ito? At buti ay tinulungan kaya ako? At habang tinitignan ko yung ibinatong kahoy, naramdaman ko nalang na meron nang tao sa aking likod at nararamdaman ang malaki nyang braso na papalapit sa aking mukha.
Tsapter 1: Humphrey
Noong naramdaman kong nasa likod na ang malaking taong iyon agad akong lumundag paatras at sinalo ang kahoy na ibinato. Natawa ako dahil naiwasan ko ang tira niyang malakas at sa sobras lakas tapos naiwasan ko pa…imikot siya ng dalawang beses at nadapa. Lahat ng taong nakakita ay tumawa, pati ang mga kasama niya.
“Maghanda ka sa akin bata ka!” galit na galit niyang sinabi, at sa sobrang galit ay makikita mong umuusok ang kanyang ilong na parang toro.
Sabi ng aking ama ay balang araw magagamit ko ang kanyang itinuro sa akin at buti nalang at natutunan ko. Noong sumugod siya ulit ang kahoy ay ginawa kong pananggalang, at noong nakadikit na ang kanyang kamay sa kahoy, hinawakan ko ang kanyang kamay at mabilis kong itinusok ang kahoy sa kanyang tiyan at puso pero hindi na malakas ang pagkakatusok ko sa bahagi ng kanyang puso, tamang lakas lang para mapigilan ang kanyang mga galaw, at yun tumba na. agad kong tinignan kung lalaban din ang mga kasama niya pero pagkatingin ko wala na sila, nawala ng parang bula.
“Salamat po.” sabi ng batang inapi nila.
Nginitian ko nalang siya at umalis na ang bata. Tapos ay may tumatawang napakapamilyar na tao na nakalimutan ko dahil sa nangyari.
“Haha! Ang aga-aga nakikipagaway ka.” sabi ng lalaki.
“Oh Drei ikaw pala yan!” sabi ko noong tinignan ko na siya.
Siya si Drei ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na lalaki. Si Drei ay isa sa kasama ko na noong bata, siya ay kapitbahay namin. Sabay na kaming lumaki at lagi kong kasama sa lahat ng oras, lalo na sa mga kalokohan. Pero mabait siya, yun ang isa kong gusto sa mga ugali niya, gwapo at matalino. Hindi siya nang-iiwan ng kaibigan.
“Salamat kanina Drei.”
“Haha! Ok lang iyon basta sa susunod wag mong i-solo yung pakikipag-away, tignan mo tuloy, ikaw ang nagmukhang bayani dito.” pabiro niyang sinabi.
“Oo ba! Bilisan na natin at baka ma-late na tayo sa paaralan.” Sabi ko na hulatang nagmamadali.
Pagdating sa paaralan, dumiretso kami sa aming silid at agad kong nakita ang aming guro na sa Prof. Layton, ang guro namin sa mythology. Ayoko ng subject na ito. Lalo na mga pagsusulit na ginagawa namin. Ang daming isinasa-ulo. Tapos ang isa pang problema ay ang mismong guro. Nakakabagot siyang magturo. Kaya lagi akong hindi nakikinig sa mga aral niya.
Bago tumunog ang aming school bell, dumating na si Eunick, Nick for short. Siya ay isa rin sa pinakamatalik kong kaibigan at isa ring kababata. Siya ay maganda, mabait at matalino, siya nga ang valedictorian namin, sumusunod ako at pagkatapos si Drei. Siya rin ang idol o crush ng paaralan namin. Kaming tatlo, ako, si Drei, at si Eunick, ay sabay-sabay ipinanganak, magkakapitbahay lang kami at ang maganda pa, magkakaibigan kami. Tingin ni Eunick na tadhana iyon, pero tinawanan lang namin itong dalawa ni Drei.
“Hayan na, kumpleto na ang tatlo. Ang Gondrick” sabi ng isa naming kaklase.
Hai, malay ko ba kung saan galing ang Gondrick na iyon. Basta ang alam ko lang yun ang tawag nila samin dahil lagi daw kaming magkakasama. Sabi ko nalang sakanila bayaan nalang kasi dun sila masaya eh.
“Ok, magsisimula na tayo. Ang ating pag-aaralan ngayon ay tungkol sa mga…” sabi ni Prof. Layton na masiglang nagbati sa amin ngayon.
Pero kahit nag-umpisa ay hindi ako nakikinig at pilit kong iniisip ang panaginip ko kagabi. Ang mga pangyayari, mga taong nakita ko, at iba pa. masyado akong ginugulo ng panaginip na ito, hanggang sa may nagsalita ng mahina pero narinig ko naman.
“Ok ka lang? Parang may iniisip ka ng malalim.” bulong sa akin ni Nick.
“Sabi sa akin ni Drei nakipag-away ka daw kanina. Hindi ka ba nasaktan?”
“Ok lang ako. Oo nakipag-away ako, pero tinulungan ko lang ang bata.” sabi ko sa kanya.
“May gusto ba kayong sabihin sa buong klase, Mr. Monastalez at Ms. Bonaparte?” galit na sinabi ni Prof. Layton.
“Tumayo ka, Mr. Monastalez at sagutin mo ang tanung ko.”
“Ano ang tawag sa nilalang na nasa larawan?”
Noong nakita ko ang larawang iyon, napakapamilyar nito at parang nakita ko na ito ng personal. Nabigla nga ako dahil mythology ito, imposibleng makakita ako nito. Ano nga ba ito at kakaiba ang nararamdaman ko dito?
Tsapter 2: Humphrey
“Uy! Gon! Bakit hindi ka makasagot, ang dali lang niyan.” bulong sakin ni Drei.
“Mr. Monastalez?” sabi ni Prof. Layton.
*rrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggggggggg*
Hindi ko namalayan, tumunog na ang bell. Buti nalang at tumunog ito kung hindi yari ako kay prof.
“Ok class. Salamat kay Mr. Monastalez, naubos ang ating oras at dahil doon mag-kakaroon kayo ng takdang-aralin tungkol sa mga nilalang na ito. Class dismissed!” galit na sinabi ni prof.
Naririnig ko lahat ang mga kaklase ko na bumubulong at nagrereklamo dahil sa ginawa ko. Gusto ko mang magsalita at humingi ng patawad, hindi ako makagalaw.
“Uy! Hagon! Bat nanginginig ka? Ok ka lang? Hahaha! Dahil lang sa larawan ng isang dragon nanginig ka? Paano pa kaya kapag nakakita ka ng totoo? Kung makakakita ka. Hahaha!” tawang-tawa na sinabi ng isa naming kaklase.
“Gon! Anung nangyari sa iyo?” tanong ni Nick habang inaalugan niya ako.
“O…ok lang ako. Umuwi na tayo, Nick, Drei.” nanginginig kong sinabi.
Tumango nalang sila at umalis na kami. Tahimik kaming naglalakad pauwi. Alam na alam ko na iniisip parin nila ang nangyari sa akin kanina. Hindi ko na masyadong iniisip ito at mas pinag-isipan ko ang nangyari sa akin kanina lalo na kung saan ko nakita ang dragon na iyon. Sigurado ako na hindi ako nakakakita ng totoo dahil ang mga dragon ay isang mythical creature, imposibleng makakita ako noon. Nabali ang katahimikan naming noong nagsalita si Drei.
“Gon…anong nangyari sa iyo kanina?” pabulong na sinabi niya.
“Hindi ko alam.” mahina kong sinabi.
“Kakaiba kasi. Larawan lang iyon. Hindi naman nakakatakot ang itsura ng dragon na iyon, bat nanginig ka?” biglang sinabi ni Nick.
“Hindi ko nga alam!” galit kong sinabi.
“Alam mo, wag mu nang isipin iyon. Normal lang naman iyon na may ikinakatakutan ang mga tao. Baka may phobia ka lang sa mga dragon. Haha!” pabirong sinabi ni Drei.
“Hindi. Nakakita na ako ng mga dragon sa mga larawan, pero iba talaga ang naramdaman ko kanina.” sabi ko sa kanilang dalawa.
“Ok sige. Hindi na natin pag-uusapan ito. Kasi nasa harap na tayo ng bahay ko. Kita nalang tayo pagkatapos. Gon! Magbihis ka ng maayos ah.” sinabi ni Nick.
“Sige. Saan tayo pupunta?” sabi ko.
“Basta. Magugustuhan mo ito.” sabi ni Drei.
Pagdating sa bahay ay nakita ko ang mga magulang ko. Agad akong nagpaalam sa kanila na umalis mamaya. Umo-o naman sila at nagkatinginan sa isa’t isa. Anu kaya ang meron? Kumain ako at nagbihis. Simpleng maong lang at t-shirt ang sinuot ko.
(pagkalipas ng ilang oras sa labas ng bahay nina Nick)
“Oh, Drei, andyan ka na pala” sabi ko.
“Oo nga eh. Ang tagal mo kasi.” Pabirong sinabi ni Drei.
“Gon! Drei! Andyan na pala kayo. Handa na?” masayang tanong ni Nick.
“Handa na!” masayang sinabi ni Drei.
“Handa saan?” tanong ko.
“Basta!” sabay na sinabi nina Drei at Nick.
At umalis na kami sa bahay nila at pumunta sa isang lugar na napakapamilyar. Nakita ko sa lugar na iyon ay maraming tao. Masayang bumibili at naglalaro. Ngayon pala ang pinuntahan naming lugar ay ang town square.
“Oo nga pala! Pista ngayon ng buwan” sabi ko sa dalawa. Kaya pala nagkatinginan ang aking magulang kanina, kasi nakalimutsn ko ang pinakagusto kong pista.
“Sabi ko na nga ba! Nakalimutan niya.” sabi ni Nick.
“Oo. Hindi ko inaakala na makakalimutan mo ang pista na ito Gon!” sabi sa akin ni Drei.
“Oo nga. Ok guys…magsaya na tayo!” sabi ko sa kanila.
Noong gabing iyon wala na kaming ginawa kundi magsaya. Nilaro naming ang lahat ng mga laro sa perya. Napagod kami. Nakakuha ng maraming stuffed toy si Nick, salamat sa amin ni Drei. Masaya kaming nag-kwentuhan at nagsama-sama. Nakasama rin naming ang iba naming kaklase na sina Era, May, Jack, at si Hix. Napagod kami pero sulit.
(noong pauwi galling sa square)
“Haha! Nag-enjoy ako.” sabi ni Drei.
“Oo nga. Buti nakasama natin sina may at iba pa.” dagdag ni Nick.
“Haha! Sana ganito din sa susunod na taon.” sabi ko.
“Haha! Sigurado.” sabi ni Nick.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko ang mga magulang ko na naka-upo sa sofa. Kinabahan ako. Ano kaya ang ginawa ko?
“Gon, anak. May sasabihin kami sa iyo ng iyong ama.” Malungkot na sinabi ni mama.
Ano kaya ang sasabihin nila? Wala naman akong ginawang masama. Kinakabahan na talaga ako. At may nakita akong hawak-hawak ni mama. Ano kaya iyon?
Tsapter 3: Humphrey
“Ma, may nagawa po ba akong masama?” malungkot kong sinabi.
“Hindi anak. Wala. May ipatatapat lang ako sa iyo.” malungkot ding sinabi ni mama.
“Humphrey …hindi ka namin anak…” biglang sinabi ng aking ama.
“Ano po!!!” sigaw ko ng malakas.
“Anak…hindi ka naman anak!” inulit niyang sinabi.
Sa nalaman kong ito, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw at hindi ako makahinga. Ang unang ginawa ng aking ama…akala kong ama noong nakita niya ang reaksyon ko ay tumayo siya sa sofa at inalog ako, pagkatapos inalayan niya ako sa upuan at narinig kong biglang nagsalita ang inakala kong ina.
“Anak! Ok ka lang?” alalang-alala na sinabi niya.
“…………” hindi na ako makasagot.
“Anak. Sasabihin ko sa iyo ang lahat ng nangyari mula noong nakita ka namin.” Sabi ng aking ama.
“Anak, noon, 19 taon na nakaraan, sa pista ng buwan, maaring humingi ng 1 hiling ang isang bagong kasal. Hiningi namin agad na kahilingan ang magka-anak. Naghintay kami ng naghintay, sumubok kami ng maraming beses pero walang naganap na resulta. Nagpatingin kami sa doktor, yun pala may sakit ako. Kaya imposible kaming magka-anak ay dahil baog ako. Sa balitang iyon, sobrang nalungkot kamin dahil nga kailanman, hindi kami magkakaroon ng anak. Hanggang pagkalipas ng 2 taon, nagbakasyon kami sa isang lugar na tinatawag na Rouof, isa itong lugar na maraming mga isla. Sa isang isla ay may kweba at doon ka naming nakita ng iyong ina, sa harap mismo ng kweba. Tumingin-tingin kami ng tao sa lugar na iyon na malapit sa iyo pero wala naman. Subalit may nakita kaming iba. Isang puting orb at isang sulat na nasa tabi mo ang nakita.
“Eto ang sulat. Hindi na namin sinabi ito dahil wala kaming karapatan.” sabi ng aking ama at sabay inabot ang sulat. Na galing sa kamay ni ina.
Noong pagkatingin ka sa sulat, nakita ko lang naka-ukit ang aking pangalan, “Humphrey”,
“Sa sulat na iyan namin nakuha ang iyong pangalan.” mahinhin sa sinabi ng ama.
“At heto ang puting bato na aming nakita.” biglang sinabi ni ina. Makikita ang bakas ng kanyang kalungkutan dahil kitang-kita na namamaga ang kanyang mga mata. Ibinaba niya ito sa harapan ko, sa mesa.
“Anak, nakita ka naming puno ng dugo. Alam naming kakapanganak mo palang. Pasensya na kung hindi namin agad sinabi at lalo na hindi namin nahanap ang totoong magulang mo.” malungkot na sinabi ni ama.
Noong oras na iyon. Iisa lamang ang nasa isip ko…ang sabihin ang nasa loob ko.
“Ma, Pa. hindi ko po alam ang nararamdaman ko, hindi naman po galit, pero hindi ko po alam kung malulungkot ako dahil hindi kayo ang totoo kong magulang o mabibigla po ako dahil natagpuan ninyo ako. Gusto ko lang pong malaman nyo na wala po akong pake alam kung hindi po kayo ang tunay kong magulang. Masaya po ako dahil kayo ang naging magulang ko kahit makita ko man po ang mga tunay kong magulang, kayo pa rin po ang ituturing kong mga magulang ko.” mahina kong sinabi.
Pagkatapos kong sinabi ang mga salitang yun, agad umiyak si mama at agad niya akong niyakap sumunod naman si papa, at ngayon ko lang siya nakitang lumuha. Inulit-ulit nilang sinabi na salamat, pero dapat ako ang mas nagpapasalamat dahil tinanggap at tinuring nila ako bilang tunay na anak. Sa oras na iyon sobrang saya naming magpamilya at kahit nalaman ko ang totoo, hindi kami nanghina kundi mas tumibay pa bilang isang pamilya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, diretso na kami sa kama dahil gabing-gabi na at pagod na pagod kaming lahat. Tinulungan ako ni mama na dalhin ang mga gamit ko sa kwarto ang puting bato at ang sulat. Nilagay niya ito sa study table ko. Pagkatapos niyang ginawa iyon ay hinalikan niya ako sa noo at muling nagpasalamat at pagkatapos ay bumalik na siya sa kwarto nila ni papa. Naalala ko ulit yung sulat na nakita nina mama at papa tignignan ko ulit ito, kukunin ko sana hanggang….
Tsapter 4: Humphrey
“Aray!!” sigaw ko ng malakas, natamaan pala ako ng isang bato.
“Sorry Gon!” sabi ng mahinang boses.
Agad kong tinignan sa baba sa aking bintana kung sino iyon. Wala pa naman akong gana na makakita ng sino man dahil sa pagod na pagod na ako at dahil din sa aking nalaman, maraming-marami na ang gumugulo sa aking isip.
“Uy! Gon!” sabi ni Nick.
“Nick! Ikaw pala yan, anong ginagawa mo dito? Gabi na, bat di ka natutulog?”
“Sandali lang, aakyat ako. Pumunta ka na sa tambayan natin.”
Ang tambayan naming dalawa ay isang makapal na sanga sa puno naming mangga. Mabilis siyang nakaakyat sa lugar na tinatambayan naming. Ako naman, agad din akong pumunta. Pagkakita naming dalawa sa tambayan agad sinabi ni Nick.
“Ok ka lang? Narinig kitang sumigaw kanina. Nag-away ba kayo ng mga magulang mo?”
Patay! Sasabihin ko bas a kanya ang nangyari ayoko pa naman sabihin ito sa kahit kanino. Sabagay si Nick naman ito.
“Nick, may sasabihin akong sikreto sa iyo. Alam ko naman hindi mo ito ipagsasabi kahit kanino.” mahina kong sinabi.
“Oo naman. Alam mo naman ako. Kahit isang sikreto mo wala pang nakakaalam.” pangako niya.
“Nick. Hindi ako tunay na anak nina mama at papa.”
“Ano?!” biglang-bigla niyang hinabi.
“Uhmmm…hahahaha!” tumutingin siya ng kakaiba at biglang tumawa.
“Bakit ka tumatawa?” takang-taka kong sinabi
“Hindi yan totoo! Hahaha! Niloloko mo lang ako. Hindi na ako naniniwala sa mga kalokahan mo. Nadala na ako noong kabataan natin.” tawang-tawa niyang sinabi.
“……..” nananahimik lang ako at tumitingin ako sa baba.
“Sorry Gon…totoo pala yun. Ok ka lang?” tinding-tindi niyang sinabi.
“Ok lang iyon. Oo, buti nga at nalaman ko. Lalo ngang tumibay ang pagsasama naming magpamilya. Hindi naman ako galit sa kanila dahil hindi nila agad sinabi pero ito pinatunayan na mahal talaga nila ako.” masaya kong sinabi.
“Buti naman Gon. Masaya akong narinig ko iyon. Hai…ang dami na nating masasayang ala-ala na nangyari dito.” sabi niya habang naka-smile. Ganda nga ni Nick. Sayang at hindi siya ang minahal ko. Hindi sana ako nasaktan dati.
“Oo nga. Dito nag-simula ang lahat.”
“Haha. Oo nga. Ang sarap balikan ang ala-alang iyon.” Ngiting-ngiti niyang sinabi.
Pinagkwentuhan namin ang lahat ng nangyari noong kabataan namin. Nagkakilala kami ni Nick dahil sa tambayan naming ito. Dati kasi noong bata ako, pinagalitan ako ng ama ko dahil hindi ko masyadong siniseryoso ang pagsasanay ng Sword Dancing dahil napakahirap ng pagsasanay noon lagi akong nasasaktan kaya naisipan kong magpakamatay kahit bata palang ako. Umakyat ako sa puno ng mangga hanggang sa makapal na sanga. Tatalon na dapat ako hanggang sa may narinig akong isang sigaw sa baba.
“Hoy! Bata! Anong ginagawa mo?” sigaw ng batang babae.
“Magpapakamatay na ako!” sigaw ko rin sa kanya.
“Ano?! Wag kang gagalaw! Pupunta ako dyan!” sabi niya. Sabay noon ay nakita ko siyang tumalon sa puno, tapos nahulog siya.
“Hahahaha!” tawang-tawa ako.
“Hoy! Wag mo akong pagtawanan! Pupunta talaga ako dyan ng mabilis, tignan mo!” galit na galit niyang sinabi. Totoo ang kanyang sinabi mabilis nga siyang nakaakyat sa puno at mabilis na nakapunta sa tabi ko.
“Aray!” binatukan niya ako ng napakalakas.
“Ano bang ginagawa mo ha Hagon?” galit na galit niyang sabi.
“Nag….ha?! Bakit alam mo ang pangalan ko? Bigla kong sinabi.
“Hindi ha bata! At ako lang ang may karapatang magtanong dito.” biglang-bila niyang sinabi.
“E, bat namumula ka?” pabiro kong sinabi.
“Hindi ah! At inu-ulit ko ako ang may karapatang magtanong.” galit niyang sinabi.
“Loko lang. Hahahaha!” tawang-tawa kong sinabi.
“……….” nananahimik nalang siya.
“Uy! Sorry bata.”
“……….”
“Wag ka nang magalit bata. Sorry na.” seryoso kong sinabi.
“…Sige sa isang kundisyon…wag mong ituloy ang binabalak mo.”
“Sige na. Papayag na ako…sandali lang, sino ka?”
“A…ako si Eunick.” mahinhin nyang sinabi.
“Bakit mo binabalak na tumalon Humphrey?” alalang-alala niyang sinabi.
“Ah…nakalimutan ko.” Sabi ko. Ayaw kong ipagsabi kahit kanino tungkol sa nangyari sa amin ng aking ama. Siguradong iiyak lang ako at ayaw kong umiyak lalo na sa harap ng babae.
“Salamat.” sabi ko sa kanya.
“Saan?”
“Sa pagpapasaya sa akin ngayong…hahaha!” tawang-tawa kong sinabi.
“Ang sama mo!” at binatukan niya ulit ako.
“Hahahahaha!” tumawa ako.
“Hahahahaha!” nakitawa na rin siya. At simula noon ay naging matalik na kaming magkaibigan.
“At pagkatapos ng araw na iyon nakilala na natin si Drei.” masaya niyang sinabi.
“At alam kong simula noon ay magsisimula ang isang mabuti at masayang pagkakaibigan.” masaya ko ding sinabi.
“Ikaw rin ang nagbigay sa akin ng nickname na Gon nga pala, bakit? Hahaha!”
“Wala lang, napagtripan ko lang. Hahaha! At ikaw naman ang nagbigay ng nickname na Nick.” Nakangiti niyang sinabi.
“May naalala ako.” sabi ko sa kanya.
“Ano?” nagtatakang tanung niya.
“Bakit alam mo ang pangalan ko noong unang pagkikita natin?”
“…Kasi narinig ko noong tinatawag ka ng mama mo.” sagot niya.
“Ah…alam mo kung bakit nagbalak akong tumalon dito dati?”
“Bakit” bigla niyang sinabi.
“Nagsisinumaling ako noon. Dahil sa ama ko. Dati noon ayaw kong magsanay sa paghawak ng espada. Pero buti nalang at hindi ako sumuko.” Inamin ko rin ang totoo pagkatapos ng 12 taon.
“At ngayon magaling ka na dito.” sabi niya.
“Oo nga.” sabi ko at may nakita akong kumikinang sa langit.
Tumingin ako sa taas at nabigla ako sa nakita ko. Meteor Shower.
“May meteor shower pala ngayon.” sabi ko.
“Oo ibinalita ito kanina.” sabi niya.
“Salamat at sinabi mo din sa akin ang katotohanan pagkatapos ng 12 taon. Alam kong nagsisinumaling ka noong araw na iyon pero ala ko na ayaw mo itong pag-usapan, salamat din at sinabi mo sa akin yung tungkol sa pamilya mo.” sabi niya.
“Hindi ko naman balak itago ito sa inyong dalawa ni Drei. Nabigla kasi ako ngayon pero buti nalang at dumating ka. Kanina ayaw ko talagang sabihin ito sa iyo. Pero pagkatapos ng pag-uusap natin, gumaan ang loob ko. Salamat!” masaya kong sinabi sa kanya.
“Masaya ako at nakilala kita at si Drei. Hindi ko inaakala na magkakaroon ako ng mga kaibigan na katulad niya.” sabi ko sa kanya habang tinitignan ang meteor shower.
“Ako din. Masaya ako.” sagot niya at sabay niyang ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.
Pareho naming tinignan ang magandang meteor shower na ito hangang sa matapos ito.
====
===
pa sabi nalang po kung ano ang tingin nyo...cncya po ah...bago palang po kasi ako dito...thanks...
===