[align=center][size=8][b]Bugtong[/b][/size][/align]
[align=center]Ang [color=red][b]bugtong[/b][/color], [color=red][b]pahulaan[/b][/color], o [color=red][b]patuuran[/b][/color] ay isang pangungusap
[align=center][size=8][b]Bugtong[/b][/size][/align]
[align=center]Ang [color=red][b]bugtong[/b][/color], [color=red][b]pahulaan[/b][/color], o [color=red][b]patuuran[/b][/color] ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan ([i]tinatawag ding palaisipan ang bugtong[/i]). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga ([i]o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong[/i]), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan ([i]o konumdrum[/i]), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang [color=red][b]Pilipino[/b][/color], nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.[/align]
Kung kayo ay nahihirapan sa tagalog at hindi alam ang salitang [b]Bugtong[/b], ito po ay [b]Riddles[/b] sa salitang Ingles. Gets? Wahaha.
[u]Halimbawa:[/u]
[b]Manlalaro Ikauna:[/b] Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
[b]Manlalaro Ikalawa:[/b] Aba! Alam ko yan! Sampayan! Wahaha! Eto naman, Hayan na, hayan na di mo pa makita.
[b]Malalaro Ikatlo:[/b] Edi Hangin! Eto naman! [i]*at nagpatuloy*[/i]
Okay, laro na. Kapag itong thread na ito ay nagawa na, sa mga Moderator, pwedeng-pwede niyo nang tanggaling ito.