[align=center]
[img=400x400]http://cosmopic.com/689/8775/186587279friendship.jpg[/img]
[size=6][b]Better As Friends[/b][/size]
[b]Started[/b]: May 28, 2010 [b]Ended[/b]: ??/??/??
[b]/[color=red]![/color]\[/b] This story is based true to life. The name of the characters are changed for their privacy also. Pero I will use my name for my role.
The name of the characters will be mentioned while the story is on going. Please enjoy the story and support it. Kapag walang nagsupport, edi.. There's a chance na hindi ko na ituloy `tong story na `to. The story I experienced lately.
[b]- Introduction: -[/b]
Khed: Bakit ba puro nalang siya, siya ang tinutulungan mo? Lagi nalang yung mga problems niya sa Math ang sinasagutan mo.
Ako: Ewan ko ba.
Ang gaan ng loob ko sa kanya.
Khed: So, ganyanan na? Palagi nalang siya? Porket lang pogi siya, tapos ako hindi. Porket kamukha ko si Shivacker gaganituhin mo na kami.
Ako: Ha? May sinabi ba akong may favoritism na dito? Sige, sasagutan ko lahat. Pag ayaw niyo kunin, edi wag. Basta wala akong sinabing porket pogi siya, siya nalang palagi.
Khed: Oo na, oo na.
Ako nga pala si Kristel Balao. Thirteen years old. 5'2 in height. Hindi mataba, hindi din payat. PETITE kumbaga. Nagkaron na ako ng madaming mga ex. Ngunit, hindi ko parin nahahanap yung talagang tatagal. May tumagal, isang taon. Ngunit wala din. Hindi ko masabi kung maganda ako o hindi. Tignan mo nalang yung avatar ko. Ayokong magsabi na maganda ako o pangit. Dahil iba iba ang mga mata natin. Kaya ayoko kayong pangunahan.
First year palang ako ngayon. At eto ako, Nagsusummer class sa Math. Hindi naman ako bobo sa Math. Talagang wala lang talaga akong tyaga sa pagsosolve ng Algebra sa Math. Lalo na ang corny pa ng teacher. So, ayun. Ang kinalabasan, binagsak ko ang Math dahil tinatamad ako at ayoko sa teacher.
Naghanap ng school ang Mom ko. At may nakita siyang school offered ang Math Summer Classes. Sabi ko sa Mom ko, kahit na maguuniform ako araw araw, basta lang pumasa at makagraduate sa school ko ngayon, gagawin ko. Ayun nga, naka-uniform dapat pumasok ng summer. Wala akong nagawa. Enrolled na ako sa school na yun. Hindi na ako nakaback out.
Si Khed, Secondyear student dun sa school na pinagaaralan ko. Kamukha niya si Shivacker. So, may looks din. Pero wala pa din tatalo kay Anthony. Matangkad siya. Kung ako 5'2. Wala pa ako sa balikat niya. Matangkad. Pogi. Mabait pa. Kapag ngumiti, nakakabaliw. Yung lips, pulang pula. At 3 palang ang nagiging girlfriend. Malay mo, pang 4 ako. Swerte ko naman.
Ang alam ko bumagsak siya sa Math dahil sa paglalaro niya ng Basketball. Naiwan niya ang pagaaral niya, kaya ayun. Bagsak sa Math. Pero ayos lang.
Makakasama ko naman siya eh.
Pero, bakit ba palagi nalang si Anthony ang pinagtutuungunan ko ng pansin? Anong meron siya na wala ang iba? Masyado na akong nageeffort sa kanya. Pero dahil sa pogi siya, mabait, matangkad. Meron siyang something na wala ang iba. Ano ba yun?
[b] -- to be continued. [/b][/align]