[align=center][b]Chapter One[/b][/align]
"CUTTTTTTT!" ang malakas na sigaw ni Direk. Kakatapos lang ang panibagong scene. Pagod na pagod ang lahat, maliban lang sa akin. Eh pano ba naman, ang appearance ko lang naman ay nung tatalon sa building, in a far view para hindi mahalata na ibang tao na iyon.
"Okay, that's the end for now. Pwede na kayo makauwi." Masayang nagsi-alisan ang mga artista at nag-liligpit na ang crew and staff, at nahihiya akong lumapit kay Direk.
"Ano, um, asan na po ang sweldo na napagkasunduan natin?" sabi ko, na todo ang effort for a beautiful smile and hinihimas-hismas ang kamay ko. I can't wait to get those cash on my palms.
"Ah, ikaw nga ulit yung back-up ni Ms. Judy Ann Santos." sabi niya.
"Ay opo. Yung bayad po?"
Sumimangot siya at nagbigay ng 5,000 pesos sa akin. Ang saya saya kong lumabas ng studio at yehey, may pangkain ulit ako.
Tinabi ko na yung 3,000 para kay Mama, akin na yung dalawang libo.
[hr]
Habang nagbabasa ng Magazine at umiinom ng Capuccino dito. Naghahanap kasi ako ng bagong trabaho, hindi naman yung palagi na lang ako ma-stuck sa pagiging back-up. Hanggang sa may nakita na akong ad, na may audition for the next singing sensation. Nag-vocalize na ako dahil mamaya ay ang 3rd day ng audition. Naku, excited na ako. Siguradong ako ang mapipili, ang ganda kaya ng boses ko!
Napadpad na rin ako sa wakas sa studio nung company na nagpapa-audition. Medyo kinabahan tuloy ako dahil ang laki ng building, parang ABS-CBN sa galante. At ang dami pang artista. Nakita ko si Piolo Pascual, Coco Martin, John Llyod Cruz, Kristine Hermosa at iba pa. Nastar-stuck tuloy ako, dahil siguro next time ako rin, magiging isang sikat na artista.
Ayun, nag-fill up ng form and maghintay lang daw kapag tinawag ka. Ang haba ng pila, grabe. And after an hour, eto na, ang aking SHOWTIME. Haha.
"Um, contestant # 122, Christine Mae Rodrigo. May experience ka ba sa mga ganitong singing contest?" tanong ng isang lalaking mahaba ang balbas doon. Papangalanan na lang natin siyang "Santa Claus".
"Ay opo. Doon po sa probinsya namin, nung maliit pa ako."
"Nanalo ka?" tanong naman ng isang masungit na babae. Kamuka niya si Mr. Bean, grabe.
"Ay hindi po. Tanggal na po ako sa first round. Ah, pero okay lang naman po iyon diba? I mean.. malay niyo, nag-improve na ak-"
"We don't care. Ang mahalaga ay may talent ka. Okay, do you mind to sing for us?" tanong ni Mrs. Bean.
"Ay sige po.." napalunok ako ng laway, pero over over sa confidence pa rin ako na maganda talaga ang boses ko.
"CAN'T YOU SEE THAT I'M THE ONE WHO UNDERSTANDS YOU?! BEEN HERE ALL ALONG, SO WHY CAN'T YOU SEEEE?! YOU BELONG WITH MEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! STANDDDD-" I trailed off dahil nawala na ang sound ng mike.
"Um, sira na po ata ang mike ninyo." sabi ko.
"Hindi sira yan! Kanina ka pa namin inaawat pero ayaw mong tumigil, kaya ayan." sabi ni Santa Claus.
"Um pero.."
"Sorry ija, hindi ka tanggap. We need someone we can be proud of."
"Pero maganda naman boses ko aa."
"Halos nasira mo na yung mike." sabi naman ni Mrs. Bean.
Kaya ayun, wala na silang sinabi at doon ko na nalaman na talagang hindi na ako tanggap. Pero, ang ganda naman ng boses ko ah. Bakit ba? Naman.
"O sige po, salamat na lang po." handa na akong lumabas nang biglang ngumiti sa akin. Nakakainis, and I can't help it. Lumingon ako at dumila sa kanya at, "BYE, GIRL VERSION NI MR. BEAN!" and I left the whole crew laughing at Mrs. Bean.
Bago umalis ng building na iyon, bigla akong naihi. Eh sa sobrang laki ng building na 'to, saan ko makikita ang ladies' room? Nakakahiya naman kung magtatanong ako sa mga artista na dumadaan-daan dito. Nagtanong ako sa mga janitors, at nagturo nga sila, eh hindi ko pa rin maitindihan. Grabe, naiihi na ako! Sumunod ako sa isang artista na baka-sakali papunta sa CR, pero ayun, maling room ang napuntahan ko.
Napadpad ako sa isang shooting ng TV Show. At nang makita ko kung sino yung bidang lalaki, sobrang nagulat ako. Si Papa Drew na crush na crush ng mga babaeng kapatid ko maging ang best friend kong bading. Si Papa Drew na isang matinée idol na maging leading man nila Bea Alonzo, Angel Locsin at kung sino-sino pa. Si Papa Drew na crush na crush ng mga teenagers ngayon, na daig pa si Justin Bieber. Si Papa Drew, si Papa Drew.
EWWWWWW.
Ang scene nila ngayon ay isang kissing scene. Leading lady niya si Veronica Valdez, isa sa mga pinaka-sexy stars ngayon, at pwedeng pang-cover ng men's magazine. Grabe, siguradong marami ang naiinggit dito kay Miss VV kung tawagin.
"I love you, Wendy. Please, please. I can't live without you." sabi ni Drew kay Miss VV.
Lumingon si Miss VV at hinawakan ni Drew ang kanyang mga braso. Nagulat si Miss VV at pilit tatakbo, pero pinigilan siya ni Drew at tinitigan siya nang mabuti.
"Tell me that you don't love me, and I will let you go." Hindi niyo ba napansin na puro ingles? Haha.
"But.. I love you." sabi naman ni Miss VV. And ayun, nag-kiss sila under the rain effect and sumigaw ang direktor ng classical na "CUUUUUUUUUUUUUUUUUUTTTT!" at natapos na ang shooting. Grabe, ang galing talaga nila umarte.
Nagsisi-uwian na ang mga artista nang makasalubong ko si Drew. Nagulat siya sa akin, pati rin ako sa kanya.
"Oh, hihingi ka nga autograph? Kung oo, ayoko." sabi niya. Aba, ang yabang.
"Hindi. May tatanong lang ako."
"Ano yun?" tanong niya. Kahit na nakakahiya, sinabi kong, "Saan yung CR?"
[hr]
"Ayun. Salamat ah." sabi ko at napunta na rin sa wakas sa banyo. Grabe, magkakasakit na ata ako sa bato neto. Naghugas ako ng kamay tapos pagkalabas ko, nagulat ako nang nasa labas pa siya ng CR.
"Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Hatid na kita. Muka kasing wala kang pamasahe." sabi niya.
Oo, concern, nice. Pero, mayabang? A no-no.
"Huwag na. At saka, FYI, I'm not one of your fans, okay?" I said. Nakakainis na 'to ah.
"Alam ko. Pero ikaw na nga lang ang tutulungan, kung ayaw mo, edi huwag."
Paalis na siya nang pinigilan ko. "TEKAAAA! O sige na nga." At ayon, nakasakay ako sa magara niyang kotse!
[hr]
"Salamat sa paghatid." sabi ko. Binaba niya ako dito sa restaurant na mahilig kong kainan, malapit lang sa bahay namin.
Tapos paalis na siya nang kumatok ako sa bintana ng kotse niya. "Oy, gusto mong kumain, treat ko na."
Patingin-tingin sa lugar si Drew at halata na first time niya dito. Nakasuot siya ng shades at cap for disguise.
"Huwag kang mag-alala, hindi ka nila makikilala." sabi ko. Umupo na kami at nag-order. Nag-order ako ng noodles at pati na rin siya, tapos binayaran ko na.
Pag dating ng pagkain, tinitigan niya lang ito, at tumingin sa akin habang sumubo ako sa noodles ko.
"Huwag kang mag-alala, malinis yan. Since nung bata pa ako dito na ako kumakain, at never pang sumakit ang tiyan ko tapos kumain dito."
"Hmm.." sabi niya at sumubo na rin, sa tingin ko ay sarap na sarap siya, naubos niya na agad.
"Ang bilis mo ah.. hindi halatang gusto mo."
Wala siyang sinabi at kumain lang kami doon, tapos nun, paalis na kami nang sabi ko ay mag-CR muna ako. Ewan ko ba, ihi ako nang ihi eh.
Pagkabalik ko, ang dami ng tao doon. Bakit kaya? May promo? Tapos, ayun pala, may nakilala na kay Drew.
"DREWWWWWW!" sigawan nila at kumukuha ng pictures, pero tinatakpan ni Drew yung mukha niya. Ang sikip, pero nakalusot ako. Nag-isip ng paraan. Tapos, sinigaw ko na, "OYYYY! NANDOON ANG SUPER JUNIOR OHH!" tapos lahat sila tumingin, at tyempo na nakatakas na kami ni Drew. Nakakatawa nga eh, Super Junior dito? Hahaha.
Nakapunta na kami sa kotse at umalis. Tapos ayun, hinatid niya na ako sa bahay namin, pero di na siya bumaba. Papasok na ako ng binuksan niya yung bintana ng kotse niya, at pinapalapit ako.
Lumapit naman ako at grabe, sobrang lapit ah.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Artista ka ba? Para kasing pamilyar ka." tanong niya.
"Haha, muka lang akong artistahin no." tapos, bigla-bigla, lumapit ang mukha niya sa akin and then..
BOOOOOO! Doon na nga nangyari yaon. He stole my first kiss sa isang saglit lang.
[spoiler][quote=yhentot;#3643142;1277878322]Off topic
@Author: Mind to ask? Ikaw po ba si ate Kristine aka oniongirl? Hahahha! Just a guess[/quote]
Hmm? Sino po yun?

[/spoiler]
Last edited by CHINTIN. (2010-06-30 05:08:04)