[font=Papyrus][size=7][b]Chapter One.[/b][/size][/font]
[spoiler][b][size=3][font=Curlz MT]CHAPTER 1: Artemis[/font][/size][/b]
[font=Papyrus][size=2]"WHO are you?" tanong ng isang baritonong boses kay Artemis habang siya ay nag-aayos ng kanyang mga gamit. "What are you doing?"
"Who are you, Mister?" balik-tanong ni Artemis pag-katapos punasan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Inaayos ko mga gamit ko. Can't you see?"
"I'm Nash, kiddo," sagot ng lalaking nagpakilalang Nash. "What I mean is, what are you doing here?"
Pinagmasdan muna ni Artemis ang lalaki. From his clean cut brown hair, expressive chocolate brown eyes matching thick eye lashes and eye brows, a well-chiseled nose and pink lips. Surprisingly, bumagay dito ang pink lips nito na madalang lang bumagay sa mga lalaki. Nash wore a signature blue t-shirt and blue jeans. Nakasuot naman ito ng Havaianas na tsinelas. Sigurado siyang may kaya ito sa buhay.
"Bahay ko 'to," sabi ni Artemis habang tinutupi ang mga damit niya. "So, Mr. Nash. Where is my brother named Hermes a.k.a. God of Thieves and Medicine?"
Tumawa ito ng pagkalakas. "Kuya mo si Hermes? Why didn't you told me earlier? Ang alam ko kasi, si Artemis ang darating. Pero pang-babae ang Artemis. She's the Goddess of Moon and Hunters, right?"
Tumango si Artemis. "Right. I'm Ar─"
"Anyway, buti na lang at hindi si Artemis ang dumating," pakli ni Nash sa kanya. Ang weird ng lalaking to! nasabi na lang ni Artemis sa sarili. "Secret lang natin ito, ha, kiddo? Allergic kasi ako sa mga girls." bumulong pa ito kunwari kay Artemis. Napukaw iyon ang interes ni Artemis. "Kaya baka hindi ko siya maharapan ng maayos."
"Why?" kunot-noong tanong niya.
Nash shrugged. "You're too young to understand. How old are you? Fifteen?" tanong nito at tinulungan siya sa pagtatabi ng mga maleta niya.
"Excuse me, Mister Nash, I'm already twenty-four years old." irap niya rito at lumabas na ng kwarto niya.
Nash look shocked. "What the heck? Are you kidding me, kiddo?"
"Nope. I'm serious, mister," sabi ni Artemis. "So, bakit ka allergic sa mga girls?"
"It's a private matter, kid. Anyway, bumili lang ng makakain si Hermes," wika nito. "Magse-celebrate daw tayo kasi umuwi ka. Saka meeting ng band."
Tumango siya. "I see. By the way, mister, I'm A─"
"I'm home!" sigaw ng isang lalaki at pumasok sa bahay. "Utol! Welcome home!" yakap nito kay Artemis pagkabitaw sa dalang pagkain.
Tinugon naman ni Artemis ang mainit na yakap ng kanyang kuya. How she missed him. "Kuya! I missed you!" she smiled ngunit bumulong. "We gotta talk."
Ngunit bago makasagot ang kanyang kuya, may pumasok na apat pang kalalakihan sa bahay nila. "Nash! Pare!" sabi ng isang lalaki na mukhang seryoso sa buhay at walang alam kundi magtrabaho.
"Eric!" bati naman ni Nash. Nagbatian narin ang iba kaya hinila na lang ni Artemis si Hermes.
"Kuya, bakit allergic si Nash sa mga girls?" bulong niya rito.
Hermes sighed. "It's personal, Artemis. And, why are you cross-dressed? Bakit ka naka-sports bra? What's with that hair cut? Kabuhok mo 'yung babae sa Coffee Prince." tukoy nito sa paboritong comedy series ni Artemis.
"Yeah. Sure. Wag mo nang pakialaman ang looks ko. Kuya, favor naman, oh?" pagpapa-cute ni Artemis. [i]Damn! So hard to fake a smile!
[/i]
Nagtaas ng isang kilay si Hermes. "And, what can I do for you?"
"Don't tell them that I'm a one beautiful girl," she made that puppy dog eyes that she knew her brother can't resist. "Instead, tell them that I'm a cool, handsome guy. Please?"
"Why the heck would I do that?"
"Because you're handsome, cool and you'll do anything to make me happy," tugon ni Artemis na may halong pa-cute.
Sinilip muna ni Hermes ang barkada niya. "Cut the crap, Artemis."
Lumabi si Artemis na parang bata. "Then, I have no choice but to show everybody your picture when you cross-dressed and wore make-up," kumaway pa siya. "Bye-bye beautiful, sexy girls."
Nagulantang si Hermes sa sinabi ni Artemis. "No, you won't. Do whatever you like. You can pretend that you're a guy but don't you show my picture." tumalikod ito ngunit humarap muli. "But remember, dear sister. I've got my eyes and ears on you."
"Eyes and ears talaga? Haha!" Artemis jumped up and down then pinuntahan na nila ang barkada ng kanyang kuya.
"Guys, unfortunately, hindi naka-uwi si Artemis," Hermes glared at her but she just ignored him. "Instead, si─"
"Apollo." bulong ni Artemis sa pagkatangkad-tangkad niyang kuya.
"Apollo ang umuwi. Be nice to... Him." patuloy ni Hermes.
"Hi guys! I'm Apollo. Twin brother ni Artemis. Nice meeting to all of you." bati niya sa mga ito. Pinakilala ng kanyang kuya ang mga ito sa kanya.
"This is Eric; the serious one. Then, si Justin; the silent one. Jasper; the "kuripot" guy. Ian; the funny guy. And, of course, Nash; the--" turo ni Hermes sa mga ito at kapag sinasabi ang pangalan ay kinakawayan o kinikindatan siya.
"Playboy," pakli ni Ian at tumawa sila.
"Ian naman," reklamo ni Nash. "Playboy ba ako eh allergic na nga ako sa mga babae? Si Hermes ang playboy, ano!"
Tumawa muna si Ian at umupo na sila. Nagkwentuhan ang mga ito ng kung anu-ano at mukhang masayang-masaya ang mga ito. At dahil siya ang bagong dating, sa kanya ang spot light.
"Seriously 'tol. Hindi kaya ampon ka?" biro ni Ian sa kanya. "Kita mo, 'tol. Pagkalaking tao ni Hermes. Hindi na nga makapasok doon sa tree house sa labas."
Artemis, or rather Apollo laughed. "Nagmana kasi si kuya kay papa. While me, I mean, us ni Artemis, kay mama nagmana ng height."
"Nakita na namin si Tita Cindy, normal lang ang height niya," tumagay muna si Nash ng beer bago nagsalita ulit. "But, bakit ikaw, mukhang bata?"
Nagsitawanan muna lahat, pati si Eric at kuya niya ay tumatawa. "Ito naman, pinagdidikdikan na mukha akong fifteen years old. Gusto mo yatang maupakan, 'tol?" irap niya kay Nash at tumawa. "What should I do? Eh, baby face talaga ako." dagdag pa niya.
"Anyway, guys," pukaw ni Eric. "Susunod na lang daw sina Ivan. Hindi pa ba nating pag-uusapan 'yung costume party?"
Nagtaas ng isang kilay si Artemis. "Costume party?"
"Yeah," sabi ni Justin. Ngayon lang ito nagsalita simula kanina. "Kasi every month, gumagawa kami ng charity works. Nagkataon naman na birthday ni Ivan sa March 27 tapos nang tanunging namin 'yung mga kids, gusto daw nila ng costume party."
"Ah," tango ni Artemis. "I see. Sama ako, ha?"
Ian laughed. "Sure, Apollo. The more, the merrier!" may inabot itong mga maliliit na nakatuping papel. Magpapalabunutan siguro ang mga ito. "Vocalist, bumunot ka ng theme natin!" he grinned at Hermes.
Kininditan siya ng kanyang kuya bago bumunot. She couldn't help but smile. Masayang kasama ito at ang barkada nito. Walang mga bisyo ito except siguro ang pag-inom, ngunit konti lang. Tig-iisa pa lang ang mga naiinom nitong mga beers at tatlong bote na lang ng mga beers ang natitira. Tumutulong pa ito sa mga kapus-palad. She better join them so she can forget the pain.
"Who the hell wrote "Girl Theme"!?" bulalas ni Hermes at pinakita ang papel kung saan ito nakasulat. Pinagmasdan nila ito maigi.
"Louisa?" sabi ni Artemis.
Tinitigan siya nila Ian. "Paano mo nalaman?" tanong ng kanyang kuya.
Artemis rolled her eyes before she answered. "Itapat niyo sa mirror para ma-decipher niyo." and they did. Hinarap nga nila sa salamin.
"You're incredible, Apollo!" Ian grinned at her.
"It's nothing." Artemis also known as Apollo grinned back to the cute, tall, funny guy named Ian. "Ginamit ko na dati 'yang coding na iyan. Ang alam ko, may gumamit na dati n'yan. 'Di ko lang alam kung si da Vinci nga ba iyon. Or Nicholas Flamel? I forgot. Sorry."
Bago nakasagot si Ian ay may lalaking pumasok sa bahay nila Artemis. "Ivan!" bati nila Nash. "Tagal mo, 'tol."
"Sa'n 'yung buwisit mong best friend?" tanong ni Hermes rito.
Tumawa muna ito bago siya tinitigan. "You must be...?"
"Apollo." Artemis shook his hands which was waiting for her.
"I'm Ivan."
"The nice guy!" singit ni Ian.
Ivan smiled. "So, Hermes. Anong kalokohan ang ginawa ni Louise? Hayun at pinapakialaman niya ang kotse ko. Walang magawa sa buhay. Susunod daw siya dito."
"See this?" pinakita ni Hermes ang nabunot niyang papel. "What are we going to do?"
Si Jasper ang sumagot. "Cross-dress. Duh."
"But--" simula ng kuya niya.
"Nasa rules natin na kung ano man ang mabunot mong theme sa mga party natin, iyon ang theme." sigaw ng isang boses babae sa may pintuan nila. Halatang nakikinig. "Hi, Artemis!" bati sa kanya nito.
She saw her brother tensed. "Uh. He's not Artemis, Louisa," sabi ni Nash. "He's Apollo. Twin brother ni Artemis."
"He?" Louisa said. "But..." she looked at Hermes questioningly. Their eyes talked. "Oh. My bad. Sorry, Artemis! Oops! I mean Apollo!"
Artemis smiled. "It's okay, Louisa."
"Guys, request ako ng songs," wika ni Louisa. "Gusto ko mga songs ni Taylor Swift."
"Sinong magkakanta? Hindi naman pwedeng ako," reklamo ng kanyang kuya.
"Ako." irap ni Louisa sa kanyang kuya Hermes. "Gawin na rin nating fund raiser 'yung concert. Nag-enjoy na 'yung mga bata, may madodonate pa tayo."
Dahil mukha namang hindi siya kailangan sa pinag-uusapan, tumayo na si Artemis sa kinauupuan. "Guys, excuse me. Aayusin ko pa 'yung iba kong gamit." paalam niya sa mga ito. Tango lang ang tinuran ng kanyang kuya. Kumaway naman si Ivan at Ian.
Pagpasok ni Artemis sa kwarto niya, ay humiga siya sa kanyang kama at pinatugtog sa kanyang iPod ang mga kanta ni Taylor Swift. Paborito niya si Taylor Swift. Gustong-gusto niya ang mga kanta nito. Kahit gusto niyang magprisinta na maging vocalist pag kinanta ang mga kanta ni Taylor Swift, hindi maaari. Walang lalaking mahilig sa mga pambabaeng kanta.
"Breaking down and coming undone, it's a roller coaster kinda rush." awit niya sa paboritong kanta na pinamagatang The Way I Loved You ni Taylor Swift. "I never knew I could feel that much. And that's the way I loved you..."
"God. You've got a golden voice!" wika ng isang boses. Napabalikwas si Artemis dahil sa gulat.
"Oh, Louisa. You nearly gave me a heart attack." sabi niya kay Louisa.
Umupo ito sa kanyang kama. "Konti na lang, ka-voice mo na si Taylor Swift, Artemis! Would you please be the vocalist sa fund raising? Please? Ayaw kasi nila akong pag-vocalist. Hindi kasi kasama sa mga talents na nasalo ko ang singing."
"Al--" biglang napatitig si Artemis kay Louisa. "I'm Apollo."
"Hm. Dapat pang dagdagan ang pagiging rough ng kilos mo." pangangaral ni Louisa na animo'y isang director. "Tapos laliman mo pa ang boses mo kapag nagsasalita."
Bumulong si Artemis dito. "You knew?"
Louisa rolled her dark brown eyes. "Duh. Unang kita ko pa lang kaya sa iyo, alam ko na." Louisa smiled. "And, walang guy na addicted kay Taylor Swift."
"So," simula ni Ivan pagkatapos isara ang pinto. "My guess was right. You are a girl."
Nanlumo si Artemis sa narinig. Unang araw pa lang niya sa pagpapanggap, dalawa na ang nakabisto sa kanya!
"Oh. Don't worry. Whatever your reason is, we'll help you keep your secret." ani ni Ivan.
Tumango naman si Louisa. "We promise."
"Thanks, guys." she smiled.
"So, magkakanta ka na sa fund raising A.K.A. birthday ni Ivan?" tanong ni Louisa. Tinaas-baba ang mga kilay.
She couldn't help but laugh. "Sure!" sagot niya. "Paano niyo pala nalaman?"
Si Ivan ang sumagot. "Oh, it's because of our work."
"Ano ba ang trabaho niyo?" tanong pa ni Artemis.
"Well, I'm a photographer while Ivan is a doctor," ani ni Louisa. "Pero minsan nagmo-model din sa akin si Ivan." dagdag pa nito. Ivan grinned.
"Then?" Artemis grinned back.
"Sabi nga sa Hana Kimi, photographers are like detectives, Artemis. Or rather, Apollo. You see, I took a shot when you weren't looking," explained Louisa. "Nasa may bintana ako. I took the opportunity to record the making of his birthday." turo nito kay Ivan na kinakalikot ang dalang digital camera ni Louisa. "Eh, alam naman ni Ivan na hindi ako nagkakamali pagdating sa tao at personalities."
"You see here, Artemis?" pagtukoy ni Ivan sa litrato na pinakita sa kanya. "That's your womanly charm. Mahirap itago kung hindi ka member ng third gender. Bakit di mo sinabi na ikaw talaga si Artemis and not Apollo?"
Bakit nga ba? Pati siya ay hindi alam kung bakit. Basta nang malaman niyang allergic sa girls si Nash, nagpanggap agad siya. Hindi man lang niya itinama ng mapagkamalan siyang lalaki. "I don't know. I just did. Ang akala kasi ni Nash, lalaki ako. Then, it started." ani niya sa dalawa. "Maybe I'm desperate to have friends here." [i]And desperate to forget my supposed-to-be husband.
[/i]
Nagkatinginan ang dalawa na parang nag-uusap ang mga mata. "Anyway, naka-sports bra ka ba?"
"Yeah. Why?"
"Good gracious!" bulalas ni Ivan habang nakatitig sa family picture na nakalagay sa tabi ng computer niya.
Umirap si Louisa. "What?"
Namula ang pisngi ni Ivan which was hilarious. "Uh. N-nothing."
"Oh, c'mon. What is it?" pilit ni Louisa. Natawa na si Artemis dahil sobrang pula ng pisngi ni Ivan. Mestizo pa naman ito. "You won't blush like that if it's nothing."
"Wala sabi eh." sabi ni Ivan habang iniiwas ang tingin sa kanilang dalawa.
"Darn. I'll make you say it." anas ni Louisa at kinuhanan ito ng litrato. "Ahh..."
"What is it, Louisa?" tawa ni Artemis.
"Someone's in L-O-V-E with Y-O-U, Artemis." said Louisa teasingly.
"Huh?" sumakay na lamang si Artemis. "Who?" she laughed out loud.
"Hm.. Let me see." tinuro pa nito ang noo at pinikit ang mga mata na parang nag-iisip. "His name starts with letter I. Hm.. Got it! Ivan..."
Lalong namula si Ivan. "Hey! I am not!" tanggi nito ngunit pulang-pula na ang buong mukha.
"Yeah, fine." Louisa playfully tapped her camera.
Ivan groaned. "I really AM not!"
I joined the laughing Louisa. Nakakahawa ang tawa niya. "Sure. But, please, Ivan. Iwan mo muna kaya kami. We need a girl talk here."
Nagnakaw muna ng tingin si Ivan sa kanya bago lumabas ng kanyang kwarto.[/font][/size][/spoiler]
Last edited by nHice garcia (2010-09-18 06:11:43)