• ARCHIVES 
  • » [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

Pages: 1

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

john_619619
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
986
0
1969-12-31

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing annoying things like being hard headed, wierd, crying alone, and this will explain kung bakit nagsusungit sila sa atin, kung bakit mainitin ang ulo nila, kung bakit minsan mahina loob nila, kung minsan hindi tayo nagkakasundo. Iyon pala, may mga hinanakit silang tinatago. At tayo namang mga anak, naiinis lang tayo sa kanila, without even knowing what's happenning to them. Minsan kahit alam nating may karamdaman sila, sige pa rin tayo sa mundo natin. Ang parents natin, kadalasan kinikimkim o sinasarili na lang nila lahat ng masakit at nakakatampong bagay. Lunud na lunod na sila sa pagkalimot natin sa kanila. sawang sawa na sila sa pagiging magisa at pagbalewala natin sa kanila. Ramdam nila, lipas na sila, na hindi na sila kailangan dahil malalaki na tayo. Dumarating sa punto na sinisigawan pa natin sila kapag sinisita nila tayo o kaya nagsungit sila. Tayong mga anak, we're only focused on what we want, pagkauwi ng bahay hawak ang cellphone o kaya magdamag sa computer, nakababad sa tv, o natutulog habang nakikinig ng paboritong tugtog. We even don't bother to ask our parents kung nakakain na ba sila, o kamusta ang pakiramdam nila. Masakit iyon para sa mga magulang natin. Pero hindi natin alam iyon. Naranansan nating magipit. Kadalasan nating solusyon ay humingi sa magulang o mangutang sa kakilala. Ang mga magulang natin, mas madalas silang gipit, at kahit gusto nilang humiram o humingi ng tulong sa atin, hindi na lang nila sinasabi sa atin dahil mas gusto nilang maging okay tayo at hindi magipit. Madalas tayong mamasyal, window shopping at ang laging kasama kung hindi kaibigan, ay ka-ibigan. Mamimili tayo ng mga bagay na nagustuhan natin. We even become thoughtful with our special people...but at the end of the day pag uwi natin, naalala ba natin sila mama at papa na bilhan o uwian man lang ng pasalubong? Alam mo ba, malaking bagay na sa kanila yung maalala mo sila o kahit pasalubungan sila ng siopao...o kahit shorts sa surplus. Hindi naman sila humuhingi ng malalaking bagay o mamahaling regalo. Kuntento na nga lang sila sa simpleng pakikipagkwentuhan sa kanila o kahit mahigpit na yakap mula sa atin. Ang mga magulang natin, nagangarap din tulad nating mga anak. Noong bata pa sila, may kanya kanya silang luho. Nung dumating tayo sa kanila, kinalimutan nila lahat maging ang kanilang sarili. Dahil mas gusto pa nilang ibigay lahat lahat sa atin kesa iyong sa sarili nilang kapakanan. Isa nga sa pinaka magandang pangarap nila sa buhay ay magkaroon ng sarili at maganadang bahay. Pero lam mo ba, mas gusto pa nilang makita na tayo ang magkaroon nun..Iniisip kasi nila mas kailangan natin yun..at sila matanda na.. Nakakaiyak kasi, sa edad kong to, ngayon ko lang narealize mga bagay na to. Palagi kong iniisip sarili ko. Graduate na ako. Nakapagtrabaho na rin ako. Pero pakiramdam ko nakalimutan ko sila. Maraming tao ang dumaan sa buhay ko. Mas pinili ko pang ibuhos ang buong oras at pagmamahal ko sa kanila kesa sa mga magulang ko. Takot pa nga akong mawala sa buhay ko ung mga taong pinakisamahan ko pero ni minsan di ko naisip mga magulang ko. Hindi na rin ako umuuwi sa bahay. .kasi mas gusto kong kasama yung mahal ko. pero mali pala yun. Naisip ko lang, kahit ilang beses kang sabihan na Mahal na mahal ka ng kinakasama mo, o kahit gaano pa nya lambingan ang pagsabing mahal na mahal ka niya, sasaktan at sasaktan ka pa rin nya. ang masakit, pag nagsawa na sya sayo, kahit gaano mo isinuko ang sarili mo sa kanya, iiwan at iiwan ka pa rin nya. PAPALITAN KA NYA. Pero alam mo, ang mga magulang natin, kahit ilang beses natin silang binabalewala, kahit ilang bese tayong nagsisinungaling sa kanilaa, kahit hindi natin sila inaalala at kahit ramdam na ramdam nila iyon, kahit kailan, hindi nila tayo iiwan at hindi nila tayo kayang iwan. and that's beyond unconditional love. Even when time comes, that they need to go, I'm sure, the only love that we won't forget and regret among all the people that we have in our life, is from our parents. Wala silang katumbas.
ino24
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
660
0
1969-12-31

Re: [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

awww... nakakaiyak naman :]
bryekristoff20
» FTalkElite
FTalk Level: zero
7129
0
1969-12-31

Re: [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

^ Waaaaaaahhhhhhhhhh. :crybaby: Grabe naiyak talaga ako dun. Tama.. Malaki ang utang na loob natin sa mga magulang natin kaya hindi natin dapat binabalewala lahat ng paghihirap at sakripisyo nila sa atin. Grabe. natouch ako dun. Well. I admit.. medjo sutil akong anak.. nasasagot ko sila mama at papa and even my grandmom.. pero deep in my heart, mahal na mahal ko sila at handa ko silang alagaan at pagsilbihan sa huling yugto ng kanilang buhay. :cry::cry:
jhaeanne
» FTalker
FTalk Level: zero
165
0
1969-12-31

Re: [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

Naiiyak talaga ako kapag napapanood ko 'to. :no2: :crybaby:
john_619619
» FTalkManiac
FTalk Level: zero
986
0
1969-12-31

Re: [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

^ basahin mo din po ung nakasulat.
  • ARCHIVES 
  • » [youtube]http://www.youtube.com/watch?v=2ms5DlhiSpU[/youtube] A very touching clip about the silent thoughts of our parents. This will help us understand them deeply why sometimes they are doing anno

Pages: 1

Board footer

© 2025 F Talk

Current time is 23:31

[ 10 queries - 0.010 second ]
Privacy Policy