[quote][align=center]Nagdadalawang-isip ako dito. Feeling ko, hindi s'ya maganda eh.

[/align][/quote]
[align=center][b]06 -- Childhood Friend[/b][/align]
Inabot ni Hanna ang alarm clock.
“Hay. Alas-singko palang.” Bulong n’ya.

Tiningnan n’ya si Gina sa kanyang tabi na himbing na himbing pa. Ang aga naman kasi n’yang magising. Ah, no, hindi naman talaga s’ya nakatulog ng maayos. Kapag pumipikit kasi s’ya ay nagfa-flashback ang nangyari sa
Ferris Wheel. Nang ngitian s’ya nito at nung… muntik nang magdikit ang kanilang mga labi.

Naramdaman nanaman n’ya ang pamumula ng kanyang pisngi. Inilagay n’ya ang kanyang mga palad sa
kanyang mukha. Those beautiful eyes, nose and those pinkish firm lips.

[i]Aaaaay, ang gwapo. Sheet![/i]

Kesa naman tumunganga nalang s’ya doon at pagpantasyahan si Harold, napagdesisyunan n’yang mag-jogging nalang. First time n’ya yun gagawin. Hindi naman kasi s’ya katulad ng ibang babae na masyadong conscious sa
katawan.

Naghilamos, nag-toothbrush, nagsuklay, nagbihis.. Ipinony tail n’ya ang kanyang buhok.

Now, she’s ready. Dahan-dahan s’yang lumabas ng bahay dahil ayaw naman n’yang magising ang pamilya nila Gina.
Nagsimula na nga s’yang mag-jogging. Matapos ang 3 ikot sa subdivision, nakaramdam na s’ya ng pagod. Umupo s’ya sa swing sa may park.

May karamihan din pala ang nagja-jogging doon tuwing umaga.
“Hey,” napatingin s’ya sa nagsalita.
[i]Woaaaah.[/i]

What she saw knocked her breathless. Her heart skipped a beat. He must be the most gorgeous guy her eyes
ever laid on.
[i]I’m sorry Harold. Nagsasabi lang ng totoo. My God! Ilan pang gwapong lalaki meron sa lugar na ‘to? Hindi na ako kakain, busog na ako![/i]

Lalo ata s’yang hindi makahinga nang ngitian s’ya nito. Ang singkit na mga mata nito ay tila naging kasinliit ng butas ng alkansya dahil sa pagngiti nito.

“Hanna Villavicencio?” tanong nito.
Tumango s’ya.

[i]Kilala ako nito?[/i]
“Hannaaaaaa!” yumakap ito sa kanya. “Ang tagal na nating hindi nagkita!”

“Sandali, sandali..” hinawakan n’ya ang braso nito at inilayo sa kanya.
[i]May maskels paa! Uhhhm.. Yummeeeey. Hahaha.[/i]

“Sorry,” nahihiyang sabi nito.

Umupo ito sa isa pang swing.
“Uhm, it’s okay. Sino ka ba? Bakit mo ako kilala?”
“Naexcite lang ako nang makita kita ditto sa swing. Hindi mo na ba ako natatandaan? Rex?”
[i]Rex? Uhmm.[/i]
“Rex?”
“Rextor de Cordova. We’re childhood friends,” sabi nito.
“Ah, Rextor! Yung may kakambal.. Si.. Uhmmm.”
Napakamot ito sa batok.

“Ran.. Randolf de Cordova.”
“Oh, yes. Natatandaan ko na. Sorry. Ang laki kasi ng pinagbago mo, lalo kang gumwapo.” Na totoo naman.
He laughed.Ang sarap pakinggan ng tawa nito.

“Ikaw din. Lalo kang gumanda,” nakatingin ito sa kanya.
She laughed. “Itsura lang pala ang nagbago sa’yo. Bolero ka parin. Haha. Ang bata pa natin dati, bolero ka na e.”

“Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo.”
Hindi inaalis nito ang pagkakatingin sa kanya. Nakaka-ilang.
“Kamusta na nga pala kakambal mo?”
Tiningnan nalang n’ya ang kanyang sapatos. Nakaka-ilang kasi talaga ang tingin nito.
[i]Naku. Konti nalang maniniwala na akong maganda ako.[/i]

Napaka-close nilang tatlo noong mga bata pa sila. Laging ang kambal na ito ang nagtatanggol sa kanya kapag may nang-aaway sa kanya. Sila ang lagging magkakasama kapag naglalaro sila sa subdivision. Hindi kasi masyadong palalabas si Gina noon e. Si Nathan naman ay may kalayuan ang bahay sa kanilang subdivision.
“Ayun, masungit pa rin. Masyadong focused sa pag-aaral.”
“Dati naman nang ganun yun,” she chuckled.

Baliktad kasi ang ugali ng kambal na ito. Kung gaano katahimik ng kakambal nito ay s’ya namang ingay ng kakambal.
“Haha, tama. Kelan pa kayo bumalik?”
“Actually, ako lang ang nandito. Naglayas ako,” halos pabulong na n’yang sabi.
“Oww. Hanggang kalian ka rito?”
“Ngayong summer lang. Kayo ba? Dito na kayo?”
Umalis din kasi ito noong mga bata palang sila.
“Ngayong summber lang din.”
“Ah.”
Napansin n’yang nagliliwanag na. Tiningnan n’ya ang wrist watch n’ya. Hindi pala n’ya nasuot.
“Uhm, Rex, anong oras na?” tanong n’ya.
“6: 30 na.” sagot nito.
“Thank you,”
[i]Maaga pa. Mamaya pa magigising ang mga tao sa bahay.[/i]
“Uhmm, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ni Rex.
“Wala naman. Bakit?”
Nilingon n’ya ito at nginitian.

[b][i]Namumula si Rex?[/i][/b]
Last edited by --sweety10 (2010-11-04 03:13:13)