[spoiler]di ko makayang di ituloy. hahaha. sorry. basahin nyo nalng kung gusto niyo.

[/spoiler]
[align=center][b]Chapter 2- Friends[/b]
"K!!!" Peste! Nagulat ako. Nagdadrama pa nga ang tao.I sighed. Lumingon ako sa direksyon na pinanggaligan ng sumigaw. Ay, si Nicka lang pala. Bestfriend ko since 1st year. We're inseparable. Well, except kung magsastart na ang klase. Di kasi kami classmates eh.
"O ba't parang nagulat ka?"
"Wala. May iniisip lang nang biglaan kang..... LUMUSOT!" kiniliti ko siya para di niya mapansin na malungkot ako. Makulit pa naman yun.
"So, nakita mo na ba ang FB ni Maken??" Maken? Sino nga yun? Pamilyar yata di ko lang matandaan.
"Uhmmm."
"Wag mong sabihin na nakalimutan mo na naman?" lumaki ang mata ni nicka.
"Okay." Sabi niya eh. Eh di hindi ko sasabihin. O diba. Pilosopa ako.
"Naman! Karlyn Grazelle Oromeo!!! Si Maken Chester Loyola lang naman ang pinakagwapo at pinakamayaman na tao na makikilala mo!" over. ang exagerated naman nitong magsalita.
"Bakit? Magkakilala ba kayo?" nakangisi kong sagot. Sumimangot siya. Naiinis na si Nicka. Ang saya. HAHA. ang sama kong kaibigan.
"Haha. Sorry Nic! Nakakatuwa kasing makita kang naiinis. Promise, titingnan ko ang FB ng pinakagwapo at pinakamayaman na si Maken as soon as I get home."
Ngumiti siya. Ang dali naman pangitiin ng bestfriend ko.
-------KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING------
Sign yan na magsastart na ang klase. Ibig-sabihin kailangan na naming maghiwalay ni Nicka. Niyakap ko siya at nagpaalam na. Ayokong malate.
SUPER boring ng buhay ko. Walang love life(syempre di ko gusto baka matulad sa mommy ko. masakit yun.). Walang thrill. Walang excitement. Puro problema lang. mabuti pang di ko nalang isipin ang problema. Dagdag sakit sa ulo eh.
Aral-Kain-Tulog-Kain lang ang routine ko araw-araw. Oo. Dalawa ang kain, anong magagawa ko, palagi
akong gutom eh.
Dismissal time na. I need to go home. Hinanap ko lang si Nicka at nagpaalam. When i reached home, naabutan ko si kuya na kinakain ang share ko sa biscuits. Aba! Ang walang-hiya!!!
"Kuyaaaa!! Pagkain ko yan!!!!!! Di mo ba nakita na may pangalan ko to?!!"
Oo, nilalagyan ko ng pangalan ang pagkain ko. What can I do? Matakaw si kuya. Di kumikilala ng ownership basta gutom. Magnanakaw pa. At ang nakakainis pa ay di ito tumataba! Grrr! Kainis. May abs pa! Ang buhay talaga, unfair. Pero at least maganda ako. O diba ang kapal ko.

)
"Ha? Wala ah!" Nakangisi niyang sagot. Walang hiya talaga!
"Akin yan eh!! Isusumbong talaga kita kay mommy!" and yes, palaban ako sa mommy.
"Sumbong mo! Bleh!" batang isip talaga tong kuya ko. Isusumbong ko talaga!
"Mooooooooooooooooommy!"
"Di nalang kayo nahiya! nandito ang Tita Eve at Tito Leo niyo oh!" sita ni mommy. oooops. Di namin napansin. Waaaa! Nakakahiya. Si Tita Eve At Tito Leo ang close family friend namin. Roommate kasi ni mommy si Tita eve noong college pa sila.
"A-ahh. Sorry tito, tita." naku! nakakahiya talaga. I glared at my brother. Na masayang kinakain ang biscuits ko. Grrrr.

"Same as always talaga kayo ni Drew." natutuwang sabi ni tita eve. Tiningnan ko siya at napansin na mayroong siyang katabi.
"Uuy! Karlyn!!!!!" sigaw ni Leone.
[b]It's been a long time na.
[/b]
[/align]