Chapter 3
“i-is that safe?” they wanted me to ride in a bicycle like ride kaso de motor, (kaya nga motor bike eh)

“pwede ba, ang arte mo, kung gusto mo maglakad ka!” ang sungit talga ni Kristof. >.<
“llan-” tawag ko with my puppy dog eyes, pano ba namn kasi sila sasakay sa koste ako sa motorbike ni Kristof..
“ang daya, kayo nalang dito” turo ko.
“pasensya namn. di pwede, pagtatawanan kami ng mga tao pag nakita nila na dalwang lalaki ang nakasakay dyan” paliwanag nito
“dalhin nalang natin yung bigay na kotse ni papa sayo” please Kristof. >.<
“ayoko nga, baka magasgas, bago plang yun eh” ang sungit mo! Ako gagasgas dun eh..

nilapitan na ako ni nanny, sabi niya sakin na ok lang namn na sumakay ako sa motor ng lalaking yun.. ligtas namn daw, so aun, sumakay na ako..
“ang dami pa kasing satsat eh” grr.. this guy.. bkit ba?! XP
Pinaandar na niya then pinatakbo ng mabilis. “KRISTOF!” sigaw ko sa kanya. Muntik na akong mahulog.
Natatawa siya sakin “kumapit ka lang diyan” sabi niya then tumawa ulit. Napatingin lang ako sa kanya.. Hay..
We are going to a Mall, sabi nila I can buy clothes there. Well,I’ve never been to a mall, and pinapatahi kasi clothes ko..
Yung dress na suot ko ngaun, bigay lang ni tito.

kaya bibili pa kami ngaun.
Maya maya, huminto na siya, hay sawakas.. >.<
Wala pa sila Llan, nakasingit kasi kami sa traffic eh, sila Llan hindi dahil naka car sila.
bumaba ako kaagad, nanginginig tuhod ko. SOBRA!
Narinig ko siyang tumawa ulit kaya napatingin ako sa kanya kaya pinigilan niya pagtawa niya, pero nakangiti pa rin siya
“may cute ka pag nakangiti ka” then ngumiti din ako
“tigilan mo nga ako!” ayy nagalit.. tinalikuran tuloy ako.. haha, nag blush ksi siya eh.
“ayee, nag blush siya” tapos tinutusok ko pisngi niya inis ko sa kanya, gaganti sa pagpapatakbo niya ng mabilis no.

haha, ang cute niya
“isa pa talga, malalagot ka sakin!” kinuha niya kamay ko at linapit mukha niya sakin.. galit na siya..

“anu ginagawa niyo?” sila Llan pala dumating na
Tumakbo ako kaagad sa kanya
“tara, pasok na tayo”

hinila ko na sila papasok
Ayon, nagshopping kami, ngaun lang ako nakapasok kya manghang mangha ako. Natatawa nga sila Llan eh, anu ba magagawa ko dib a?

Ang daming tao kaya medyo nakakahilo. Pero Masaya mamili ng damit, sila lahat namili since wala akong alam sa style nila. Puro dress at short binili nila for me, nakakailang nga eh sabi ko ayaw ko nun pero ganun daw uso.

bumili rin kami ng shoes na gagamitin ko sa school at mga gamit. Then kumain kami. Haha. Tahimik lang si Kristof. Si Llan, kumukaha lagi ng pictures, sila Xyrel naman nangungulit. Nakakatuwa sila kasama.

After sa mall, sabi nila papasyal kami. Punta daw kami sa EK.. Enchanted Kingdom. Maganda daw dun at maraming rides. Kaya go ako. Wala namang paki sa Kristof so ok.

)
Pagdating dun, sympre namangha nanaman si ako. Mukha tuloy akong sira.

)
Pero ang ganda talga. Nauna nanaman kami ni Kristof naaatat na akong sumakay.
“Kristof, sakay na tayo” hila ko sa kanya
“magisa ka!” hmp. Sungit
“sige ka, sasabihin ko kay daddy bawiin kotse mo”banta ko
“sasakay na nga tayo eh” sabay tayo niya.

)
Lumibot kami sa halos lahat. First time ko sa ganitong lugar ang saya talga.
Maya maya, dumating ng sila Llan, kaya binilin na ako sakanila ni Kristof. Ayaw na daw niya ako kasama.
As if namn ako gusto ko.
Sumakay pa kami sa iba pang rides, si Mr. Sunget(aka kristof) nanunuod lang.
Nung mag gagabi na, sabi ko last ride nalng. Niyaya ko si Kristof sa ferris wheel, sabi ksi nila Kevin nung tinanung ko kung anung dapt kong gawin para di na siya magalit sakin.
Ayaw pa niya nun una e pero sumama rin, nagbanta ulit ako eh.

) IM GOOD >

Walang nagsasalita nung nakasakay na kmi.
“awkward” bulong ko.
“sana kasi, sila Llan o Icco nalng sinama mo, di pa sana ako nagulo” pagdadahilan niya
“ayoko nga”
“at bakit?”
“kasi may tatanong ako sayo” sabi ko then lumapit ako sa tabi niya
“bakit ba ang sungit mo sakin?” di niya ako tinitignan.
“wala ka na dun” eh?
“bakit namn? Anu bang ibig mong sabihin nung sinabi mong ayaw mo sakin e ngaun lang namn tayo nagkakilala ah--”
“mali ka, oo nga’t ngaun lang tayo nagkita pero matagal na kitang kilala, mula nung araw na niligtas ng papa ko ang papa mo naging magkaibigan na sila, pero dahil dun madalas na ang punta ni papa sa bansa niyo. Minsan na nga lang umuwi si papa eh, pano ba naman ksi napagkasunduan nila na tutulong si papa sa pagprotekta sayo!” tumigil siya sandali, galit na galit siya, nakikita ko sa mata niya kahit na madilim na ng paligid at mga munting ilaw lang na mula sa labas ang meron. Nandun ako nakaupo sa harap niya, hindi makapag salita, unti unting napupuno ng luha ang mata ko.
“ha! At hindi lang yun, nung araw na manganganak si mama kay Gabriel, tinatawag ni mama ang pangalan ni Papa, pero hindi siya makakarating, dahil busy siya sayo! Ngaun ha, naiintindihan mo na?!”
Tumigil na ang ferris wheel.“sorry, hindi ko namn alam” :’( pagkabukas nung pinto nung ride, tumakbo ako palabas, hindi ko alam pano ko siya haharapin,tumakbo ako hanggang sa may nakabungo na ako at natumba nalng ako.. umiyak lang ako ng umiyak tinanong ako ng mga dumadaan pero di ko sila pinapansin. Tumayo ako at umupo dun sa mga Dinosaur egg chair, at umiyak ulit.. kaya pala siya galit. Ang laki ng kasalanan namin sa kanya at sa pamilya niya. Maya maya my naririnig akong fireworks, tumigil na rin ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.. lumabas ako, may fireworks display pla, naiwan ko yung bag ko sa ferris wheel, hay.. anung gagawin ko. >.<
sorry, short update. mamaya ulit.
nahhirapan akong mag type eh, namamaga mata ko.
oh well, tinatype ko na yung kasunod, sana basahin niyo pa rin to..