hello.

this is based on a true story. yung ibang part lng yung ginawa ko. ang totoo kasi niyan wala pang ending ang kwento nila. and i am hoping na sana sila parin sa huli.
sana mag-enjoy kayo.
[align=center][quote]Saan nga ba kami nag-umpisa? Hindi ba sa isang tuksuhan lang? hindi naman sinasadya ang lahat eh, pero sadyang tinakda lamang iyon ng tadhana.
Kay heto ako ngayon, hindi ko alam ang nararamdaman ko, mahirap sabihin. Walang ibang salita ang pwedeng ihambing para sa nararamdaman ko. I walked slowly towards the aisle. He was there at the end. I was praying solemnly. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil naroon siya, o maiiyak dahil hindi niya tinupad ang pangako niya. Ang pangakong binitawan niya nung gabing ibinulong ko sa Diyos ang isang hiling.
Pero mas mabuti na ito, at least he was here at my wedding day.
“Don’t cry, you’ll ruin your make up. “ bulong ng nanay ko. she was walking with me holding my left hand.
“Relax, “ bulong naman ng tatay ko. Lalo kong nais maiyak. I never really thought that this day would happen. Matapos ang ilang taon, I am here today with my tatay na kahit kalian ay aakalain kong magaganap.
Isa na lang ang kulang at perfect na ang lahat. Ang maramdaman ang mahigpit na paghawak sa kamay ko ng taong sa umpisa pa lang ay mahal na mahal ko na.
Sa tototo lang hindi ako yung taong hindi mabilis maubos ang pasensya. Pero sa tingin ko malapit ng sumagad sa dulo ng walng hanggan ang pasensya ko dahil sa lalaking sunod ng sunod sa akin.
Hinarap ko siya. “hindi ka ba titigil?”
Ngumit ito, “hindi.”
Napapadyak ako sa inis. First day na first day ng school may nan-de-demonyo ng araw ko. hayan! Eto ang napala ko, ang lalaking sunod ng sunod sa akin. At kung hindi ako nagkakamali, ka-klase ko siya.
“bakit?”
nangunot ang noo ko, “nagtanong ka pa!? pwede ba, kung pwede lang naman, sana lubayan mo na ako!”
“ayoko nga. Unless…”
sa halip na sagutin ay tinalikuran ko siya at pinabilis ang paglalakad ko.
“ sandali, Therese gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo eh. “
“gusto mong makipagkaibigan?”
“oo, pwede ba?”
“kaya ka ba sunod ng sunod sa akin?”
“oo eh, “ nagkamot ito ng batok.
Nag-isip ako ng sandali. Siguro hindi rin naman masama eh diba? “pwede, basta tigilan mo na ang pagsunod-sunod mo sa`kin. Nakakainis eh. “
“Anthony, “ nilahad niya ang kanyang kamay sa `kin sabay ngiti.
Tinanggap ko iyon,” Therese. “
“magkaibigan na tayo ha?”
ako si Therese, isang first year student. Self supporting student ako, kaya kailangan ko mag-aral ng maigi, at sa edad kong ito, wala pa sa isip ko ang tinatawag nialng love, crush lang. oo yun, alam ko yun. Crush is paghanga, pero sa ngayon wala pa ako nun.
ngunit ang araw na tinanggap ko ang pakikipagkaibigan ni Anthony, ay ang araw na babago ng buong buhay ko.
naka-upo ako sa library at nagbabasa ng libro, ng may umupo sa tabi ko. noong una’y hindi ko pinansin iyon. Natural lang naman na may umupo sa tabi ko, public library naman ito. Ngunit, tumikhim ito at tila sadyang kinukuha ang atensyon ko.
nag-anagt ako ng tingin at nakita ko siayng nakangiti sa akin.
“hi!”
“ikaw na naman? Hindi baa g sabi ko sayo, tigilan mo ang pags-“
“hep, sandali! `diba magkaibigan natayo? E`di ibig sabihin eh pwede kitang samahan dito.”
“ makulit ka rin ano?”
“sayo lang ako naging ganito.”
“ nagbabasa ako, `wag kang maingay. “ sabi ko nalang para itago ang pagnginig ng aking tinig. Ano ba kasi pinagsasabi nito?
“okay. “
ang akal ko ay aalis na siya, ngunit hindi pala. Tahimik lang ito.
Hindi na rin ako makapag-concentrate sa binabasa ko, kayat isinara ko na lamang ang libro.
“tapos ka na?”
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. It’s like I am struck by something hard inside, pero hindi ko nakikita kung ano ito. It was something invisible, but can be felt.
“oo, “tumayo ako at binitbit ang mga libro ko.
“akin na yan, “ kinuha niya ang mga libro ko.
“`wag na. ayos lang. “
“ako na. magkaibigan naman tayo diba?” ngumiti pa ito. Ito pa ang kakaiba, hindi ko alam kung ano ang meron sa ngiti niya, basta may kakaibang hindi maipaliwanag.
“okay lang talaga, Anthony. `wag ka ng mag-abala.”
Ngunit, likas na siguro talaga dito ang pagiging makulit. Kinuha parin niya ang mga libro ko at siya ang nagbitbit.
“ang sarap pala pakinggan ng pangalan ko, kapag ikaw ang nagsabi. “
pinigilan ko ang mpangiti, hindi dapat ako maapektohan. Pero hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Lumipas ang mga araw, lagin kaming magkasama ni Anthony. Sa recess at lunch, magkasabay kami, pati na sa pagpunta ko sa library, kasama ko siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya habang ako ay tahimik na nagbabasa. Minsan naiisip ko na ring baka naiinip ito kapag kasama niya ako, ngunit hindi naman ito nagrereklamo.
“uuuyy, siguro crush mo si therese ano?” tukso ng isang ka-klase ko kay Anthony ng mapansin ng mga ito na nagkakamabutihan na kami. Nasa loob kami ng classroom at wala pa ang teacher namin.
“oo bakit, aangal ka?”
hindik na napatingin ako kay Anthony sa narinig ko. ako, crush ni Anthony?
“uyy, therese ooh, crush ka daw ni Anthony. Yes, kakakilig naman.”
Laking pasasalamat ko at pumasok na ang teacher namin.
Nang tumunog ang bell na hudyat ng uwian, mabilis akong tumalilis palabas n gaming classroom. Ayoko siyang maka-usap o makaharap. Ayoko.
“uy. Therese, sandali lang. hintayin mo ako. “ narinig kong sabi niya. Ngunit walng lingon lingon akong umalis.
Hindi ako alam kung ilang beses na akong nagpaikot ikot sa kama ko. hindi ako makatulog.
Paano kung ang sinabi ni Anthony kanina, eh joke lang?
Eh, paano kung totoo?
Nakakainis naman eh! Gusto ko ng matulog ngnuit sat wing pipikit ako, yung kakaibnag ngiti niya ang nakikta ko.
Hindi kaya, crush ko rin si Anthony?
Hindi! Hindi pwede! Bata pa ako!
Pero, heh! Ewan ko. basta iiwasan ko nalang siya.
Maaga akong natapos kumain ng lunch kaya dumiretso ako sa libray para magbasa. O baka para iwasan si…
Buong araw kasing dikit ito ng dikit sa akin, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ko siya pinapansin, hanggang sa kusa na rin itong tumigil.
Nainis ako ng tigilan niya ako. hindi ko alam kung bakit, eh ito naman ang gusto ko. masyado ka lang nadadala sa sitwasyon therese.
Pagbuklat ko ng libro ko, may nahulog na sobre. Putting sobre. Pinulot ko iyon, at binuksan.
Sorry na kung anuman ang nagawa ko sayo. peace na tayo.
Hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ang mga korni mong jokes. Nasasaktan ako kapag iniirapan mo ako.
Sorry na, pwede ba? :]
Itiniklop ko ang puting papel, nagulat nalang ako ng mapalitan iyon ng isang pulang rosas.
Si Anthony ang may hawak ng rosas, seryoso ang mukha nito. “sorry na oh. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko, basta sorry parin. Hindi ko kasi kayang hindi tayo nagpapansinan eh. “
Natigagal ako, ngunit agad ding nakabawi, “e-ewan ko sayo. “ wala na rin akong masabi. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya, lumuhod siya sa harap ko. ano ba ito?
Buti na lamang at nasa may likurang bahagi kami ng library. “sorry na oh. Please. “
“tumayo ka riyan.”
“hindi ako tatayo hanggat hindi mo ako pinapatawad. “
nagisip ako, hindi rin naman siguro masama magtanong diba? “bakit sabi mo kahapon, crush mo ako?”
napangiti ito. Sabi ko na nga ba eh! Joke lang yung sinabi niya. “nakakainis ka, Anthony. “tumayo na ako at iiwan siya ng hinawakan niya ang aking kamay.
“ therese, you’re the apple of my eye, mango of my pie, calcium in my kalansay, cure to my ‘aray’, center of my buhay at ang babaeng mamahalin ko for all of my life. “
“a-ano?”
“ hindi ko agad sinabi sayo kasi, alam ko ganito ang magiging reaksiyon mo. Kaya lang hindi ko na kaya pa eh. Nilayuan mo kasi ako, ayan napilitan tuloy akong sabihin sayo. unang beses pa lang kitang makita, nagandahan na ako sayo. kaya nga kita sinusundan eh. Tapos ayun naging close tayo…”
“t-teka, alam mo ba yang mga sinasabi mo?”
“oo naman, kahit pa sabihing first year palang tayo at sobrang bata pa, alam ko dito, “ itinuro nito ang sariling puso. “ditto, mahal na kita. “
natameme ako. ang sabi ng utak ko magalit daw ako, pero bakit ang puso ko nagdidiwang?
“will you be my girlfriend?”
“huh?”
“pwede ba kitang maging nobya?”
hindi ko namalayang may bumalisbis na pala ang luha ko. “okay lang naman kung ayaw mo eh. Friends pa rin tayo. “
sa takot kong bawiin niya ang mga sinabi niya, bigla akong napasabi ng , “oo na!”
hindi dapat talaga yun ang gusto ng utak ko. pero ayaw ko nang bawiin, oo siguro mahal ko na rin siya. Hindi lang crush. Oo, siguro yun nay un. Sabi naman nila kapag nagmamahal ka, masaya ka eh. Masaya naman ako ngayon, masayang masaya. Oo, siguro yun nay un. Sabi naman nila kapag nagmamahal ka, masaya ka eh. Masaya naman ako ngayon, masayang masaya.
Nagliwanag ang mukha ni Anthony, at niyakap akong bigla. “I love you, “ bulong niya sa akin.
Napangiti ako, ang sarap pala pakinggan. “i-I love you too. “
Bahagya niya akong nilayo mula sa pagkakayakap, “wala ng bawian ah. “
Tumango ako, ng may naalala ako. “ako pa korni ha?”
Tumawa ito, “totoo naman eh, korni mo kaya mag joke.”
“huu, sino mas korni sa atin, may pa –“mango of my pie” ka pang nalalaman ah!”
“okay lang maging korni, sinagot mo naman ako eh. “
I smiled shyly. He intertwined our fingers together, a perfect match.
Pinanatili na lamang naming ni Anthony na tago an gaming relasyon, para wala nang masabi ang mga tao. Siguro, saka nalang kapg legal na ang relasyon namin sa aming mga magulang.
Tama pala ang naging dessiyon ko. buti nalang at sinunod ko ang aking puso. Kulang ang salita para masabi kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ko siya.
Araw araw, lalo kong nararamdamang mahal na mahal ko siya. At siya na ang lalaking gusto kong pakasalan pagdating ng panahon.
“ang ganda pala ng daliri mo ano?” sabi ni Anthony habang hawak ang kamay ko. nasa library ulit kami. Ito lang kasi ang tanging lugar kung saan kami pwede magholdingn hands ng walang makakapansin sa amin.
“huwag yang kamay ko ang atupagin mo, itong assignment natin. “
“o sige, “ pero naramdaman kong may isinuot siya sa daliri ko.
“ano to?”
“ha? Yan, singsing. “
“alam ko. para saan to?”
“tanda ng pag-ibig ko. “
“korni mo talaga. “ sabay tawa ko.
“huwag mong pagtawanan yan, pinaghirapan kong gawin yan.”
Gawa sa string na kulay puti ang singsing at may pink na heart sa gitna.
“oo na, sorry. “
“huwag mong iwawalan yan ha?”
“opo, promise.”
“tara pasok ka, “ binuksan ko ang gate ng bahay namin. Ito ang araw na ipakikilala ko si Anthony sa mga magulang ko at mga kapatid ko. malapit na rin kasing magtapos ang school year at ilang buwan na rin kami ni Anthony, dapat lang naman siguro itong gagawin naming diba?
“salamat, “
“okay ka lang?” tanong ko sa kanya, mukha kasing ninenerbiyos ito.
“oo naman, ako pa. “ tinuro pa nito ang sarili.
Ngumiti din ako para palakasin ang loob niya. Alam ko kasing istrikto si tatay at nanay pero minabuti ko naring ipakilala siya sa mga magulang ko.
“nay, nandito na po ako. “ bati ko kay nanay na nakita kong nakaupo sa sala naming. Kasama niya ang mga maliliit kong kapatid.
Nagmano ako kay nanay, “ kaawanan ka ng Diyos. “ nakita nito si Anthony. “sino yang kasama mo?”
“ako po si Anthony. Magandang hapon po. “
tumango lamang si nanay.
“halika, maupo ka rito.” Anyaya ko kay Anthony.
Napalingon kaming lahat sa bulto ng aking tatay mula sa hagdan. “andito ka na pala therese.” Agad akong lumapit at nagmano kay tatay. “sino iyang kasama mo?”
“si Anthony po `tay. “
“umakyat kayong lahat sa taas.maiwan ka therese.” Baritono ang tinig ni tatay na naguutos. Eto na, diyos ko po!
“magandang hapon po.” Bati ni Anthony kay tatay.
“maupo ka, “ pinagmasdan ni tatay si Anthony mula ulo hanggang paa. Bumaling siya sa`kin. “nobyo mo?”
nagulat ako sa direktang tanong ni tatay. Napatingin ako kay nanay, na seryoso pa rin ang mukha.
“o-opo. “
tahimik na tumngo si tatay. Tila nag-iisip. “kumuha ka ng makakain sa kusina. “
agad akong sumunod. Alam kong sinadya niya iyon para mapaalis ako. kinakabahan ako. hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kay Anthony, kaya’t binilisan ko ang paghahanda ng pagkain.
Papalapit na ako ng tinanong ni tatay kung ano ang buong pangalan ni Anthony.
“Anthony Zamora po.”
“Zamora, ika mo?” gulat na tanong ni nanay.
“opo. “
“ tatay mo si Donato Zamora?” tiim bagang natanong ni tatay. Kinabahan ako, iba na to.
“o-opo. “
“kung gayon, hiwalayan mo ang anak ko!”
nahulog ang hawak kong tray at nagkalat ang basag sa sahig.
“`tay bakit po?”
“hindi kayo pupwedeng magkaroon ng koneksiyon!”
nabakas na rin sa mukha ni Anthony ang kaba, “b-bakit po?”
“ang tatay mo ang dahilan kung bakit na-“ tinikom ni tatay ang kanyang bibig. Wala na siayng balak magsalita pa.
umiiyak akong lumapit kay tatay. “tay, mahal ko po siya. “
“nagsalita na ako ng isa. ihatid mo na siya sa labas. “
“tay, naman. “
“maghiwlay na kayong dalawa, ayoko ng mababalitaan na magkasama pa kayo. “ tumingin siya kay Anthony na nananatiling tahimik lamang. “ makaka-alis ka na. “
noon lamang nag-angat ng tingin si Anthony at nagsalita. “mahal kop o si Therese, higit pa sa buhay ko. “
napapalatak ang tatay niya,”anong mahal ang pinagsasabi ninyo? Ang ba-bata pa ninyo. Hala sige na, kilos. Ihatid mo na siya sa labas Therese. “
binuksan ni tatay ng pinto. Nasundan ko na lamang ng tingin si Anthony na nagpatiuna ng lumabas, “pasensya nap o sa abala. Magandang hapon po. “
sinundan ko siya sa labas, hinawakan ko ang braso niya. “bakit hindi ka lumaban?”
ngumiti ito ng mapakla. “ I guess it’s just better off this way, therese. “
umiling ako. “sabi mo mahal mo ako!”
pinahid niya ang luha ko, “oo, at ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. “
“bakit hinayaan mong hanggang dito nalang?”
“hindi ibig sabihin na hindi kita ipinaglaban ay hindi kita mahal. Sometimes, you have to make this kind of choices para mapatunayan mong mahal mo ng isang tao. “
“pero parehas tayong nasasaktan.”
“tandaan mo therese, hindi liligaya ang isang tao kung hindi niya mararanasan ang masaktan. “
“I don’t understand. “
“I know, you won’t understand it now, but I know someday you will. “
ayoko. Yan ang dapat kong sasabihin ngunit hindi ko maisatinig. Niyakap ko siya ng mahigpit, telling him I won’t let go of him.
“kung ganito ang mangyayari sa`tin, magmamadre nalang ako. “
ngumiti ito, but it didn’t even reach his eyes. “ayan na naman yung mga joke mong korni ha?”
“hindi ako nagbibiro. “ sumisigoksigok kong wika.
“huwag, therese. Ayokong masayang ang buhay mo. Gusto kong sumaya ka, kahit hindi na sa piling …ko. “
maraming luha pa ang bumalisbis sa pisngi ko.
“at para mapatunayan ko sayong ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko, ako nalang therese. “
“mag-pa-pari ka?”
tumango ito. Niyakap niya ako ang mahigpit. Yakap ng pamamaalam.
“pasok ka na sa loob, baka mahamugan ka. “
“Anthony…”
“I love you Therese…forever.”
Those were his last words. At umalis na siya.
That night, I didn’t slept at all. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam na sa ganitong paraan pala kami matatapos ni Anthony. Sa ganito lang? naghiwalay kami sa hindi malamang dahilan?
I knew, he was the one I wanted my whole life. But he was the one I couldn’t have.
I can’t take it. Mahal na mahal ko si Anthony, hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kapag wala siya. Hindi ko na yata alam kung paano mabuhay.
Years had passed, I knew saw Anthony again. I graduated highschool, pero ni anino man lang niya hindi ko nakita.
I entered college, at nag-aral ng malayo sa lugar namin. Ayoko na siyang maalala. Hindi nga niya ako naalala eh.
I grew more distant with tatay dahil sa ginawa niya. He was a cold hearted man for me.
Patuloy parin ako sa pagiging self supporting student ko. gusto ko sanang kunin ang kursong nursing ngunit hindi kaya ng budget ko, kaya’t education nalang ang kinuha ko.
Nakapagtapos ako sa sariling pwis at dugo ko, buong pagmamalaki kong ihaharap sa kahit sino ang diplomang hawak ko.
“congratualations sa`tin! “ untag sa akin ni Karen. Ka-batch ko siya at kahit papano’y isa siya sa mga pinakamalalapit kong kaibigan.
Kinalabit naman ako ni Jeny, “Tere, andyan si Johnny oh. “
Johnny, was my suitor for a long time now. Masugid na masugid ito sa panliligaw sa `kin. At malapit ko na sigurong sagutin ito. siguro.
Nagkaroon din ako ng iba pang mga nobyo. Ngunit hindi rin kami nagtatagal. Ewan. Hindi ko alam. Gusto kasi ng mga ito ay laging sila ang inuuna. Hindi nila kayang intindihin ang ugali ko. buti pa si…
“hi!” bati ni Johnny ng ganap na itong makalapit sa amin.
“hi!” bati ko rin. Ang dalawang katabi ko ay halatang kinikilig.
“congratulations, graduate na kayo.” Ngumiti ito ng matamis, pero sa tingin ko ang ngiti niya ay mapakla. Clear your thoughts therese, masama ang bad vibes ngayon!
Niyaya ako ni Johnny na magdinner, ngunit tumanggi ako. mas gusto kong magpahinga sa bahay na inuupahan ko.
Pagkasara ng pinto, agad akong nahiga sa kama ko. nakatingin lang ako sa kisame. Maraming bagay ang tumatakbo sa utak ko.
Parang kahapon lang. ilang taon na nga ba ang nakalilipas? Pero bakit hanggang ngayon, ang kakaibang ngiti parin niya ang hinahanap ko. siya parin ang hinahanap ko. siya parin ang mahal ko.
Galit ako sa kanya, sino nga ba ang hindi? Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maintindihan kung bakit bigla nalang siyang sumuko. Agad niya akong isinuko ng ganon-ganon nalang. It was unfair.
But aside from the fact that I hate him, mahal ko parin siya. And I don’t think that will ever change.
Kakatapos ko lang maglaba ng magtext sa`kin si Karen, nailabas na raw ang resulta ng board examination para sa mga teachers.
Ilang araw na rin akong nagdadasal na sana ay makapasa ako. malaking bagay ito sa kin. Siguro kapag nakapasa na ako sa board, maririnig ko na sa mga magulang ko ang nais kong marinig sa kanila, mula pa noong nagtapos ako sa highschool at college. Somethinig that would make me cry because of happiness.
Tumunog muli ang message alert ng cellphone ko, si Johnny naman ang nagtext, nobyo ko na nga pala s Johnny.
“Congrats! You passed the board examination!”
kulang na lang ay mapalundag ako sa tuwa.
“Teacher, salamat po sa lahat. “ ani ng mga estudyante ko habang nagsisi-iyakan. Graduating na kasi ang mga ito at hindi mapatid ang mga luha.
Pinipilit naman niyang hindi maiyak, kailangan niyang maging matatag. Ito na rin kasi ang huling batch ng mga estudyanteng hahawakan niya sa paaralang iyon, dahl magsasara na ito.
“sapat ng thank you sa akin ang mag-aral kayo ng maigi, at huwag ninyo akong kalililmutan ha?”
dalawang taon na rin akong nagtuturo sa pribadong paaralang ito, at napamahal na sa`kin ang mga estudyante ko.
Disyembre na naman, mabilis talaga ang panahon. Napagdesisyunan kong umuwi sa amin at doon magdiwang ng pasko. Isa pa ay na mimiss ko na rin ang mga kapatid ko.
Pagpasok ko sa bahay, ay sinalubong ako ng mga nakababata kong kapatid. Samantalang ang tatay, tila isang hangin lamang ang tingin sa akin.
Walang pinagbago ang buong bahay, ganito parin ang ayos nito.
“ate, magsimbang gabi tayo!” yaya sa akin ng mga kapatid ko.
“oo nga. Sabi ni nanay kapag nakumpleto mo raw iyong siyam na gabi, pwede kang magwish, at matutupad yon. “ sabat naman ng isa niyang kapatid.
“wow talaga? Ate magsimba tayo. “
“oo, sige. “ sagot ko.
isang hiling.
Siyam na gabi lang naman, para sa Panginoon. Siguro hindi na rin masama kung magsisimba ako.
Ika huli at pang siyam na gabi na ng simbang gabi. Habang ang mga kapatid ko’y antok na antok na sa kinauupuan nila, hindi naman ako mapakali.
Wala sa loob na nilaro ko sa aking mga daliri ang putting singsing na may pulang puso sa gitna. Kinakabahan ako na hindi maintindihan.
“ating ihanda ang mga sarili sa pagtanggap ng banal na komunyon,” ani ng tagapagsalita.
Diyos ko, isang hiling lang.
Pumila ako sa mga mangungumunyon. Hindi ko alam kung bakit abot abot ang kaba ko. mahigpt ang hawak ko sa singsing at taimtim akong nagdarasal.
Isang bagay lang po ang hinilihing ko sa inyo. Isang hiling lang po diyos ko.
“katawan ni Kristo,” nabigla pa ako ng marinig ko ang tinig na iyon. Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako. nag-angat ako ng tingin sa susubo sa akin ng oscha.
Tila huminto ang paginog ng daigdig. Matapos ang maraming taon, heto at nakatayo siya sa harap ko. ang taong hiningi ko sa isang hiling ko.
Kusang namasa ang aking mga mata. Anthony.
“ A-amen.” Tinanggap ko ang oscha at dalidaling tumalikod. Ayokong makita niya ang pag-iyak ko.
dumiretso ako sa labas ng simbahan at doon umiyak, sigurado naman akong walang makaririnig sa akin. Umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko.
Bakit hanggang ngayon, siya parin? Bakit? Bakit? Bakit?
Bigalng may humawak sa balikat ko. awtomatikong nag-angat ako ng tingin. Akala ko ay nananaginip lamang ako.
“Therese…”
It was him. The man that still owns my heart. Kahit ilang taon pa siguro ang lumipas.
“Anthony…”
umupo siya sa harap ko. “bakit naririto ka? Hindi ba dapat nasa loob ka? Hindi pa tapos ang pangungumunyon. “
“mas kailangan mo ako rito. At isa pa, siguro naman ay maiintindihan Niya ako, kung bakit pansamantalang iniwan ko ang tungkulin ko. “
Kahit Malabo ang nakikita ko dahil sa luha, nakikita kong nakasuot siya ng puti. Hindi pa ito, ganap na pari. Maraming taon pa ang gugugulin nito sa semenaryo bago maging pari.
Hinaplos niya ang pisngi ko. “ang laki na ng pinagbago mo. “ may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita, basta nakatitig lang ako sa kanya habang umiiyak.
Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. Wala sa loob na tinggap ko iyon. Ang pamilyar na init ng kanyang mga palad ang naramdaman ko ng hawakan ko ang kamay niya.
Now we are standing close to each other. Nakatitig lamang kami sa isa’t isa. wala namang salitan lumalabas sa mga bibig naming.
Ngumiti siya. Ang ngiting ilang taon ko nang hinahanp hanap. Ang ngiting siya lang ang nagtataglay. He tucked a loose hair on my ear. “bakit hanggang ngayon, umiiyak ka parin therese?”
Sinampal ko siya. Oo, sinampal ko siya. Ngunit humarap siya sa aking nakangiti. “hindi mo nagawa sa kin yan noon. And I think I deserve it. “
Nakakainis, bakit ako iyak ng iyak samantalang ito naman ay nananatiling nakangiti?
“b-bakit hanggang ngayon Anthony?”
umiling ito. “hindi ko alam ang sagot tanong mo therese, o sa iba mo pang mga tanong. Pero ang alam ko, lahat ng ito ay itinakda Niya. “
isinubsob ko ang aking mukha sa palad ko. umiyak ako ng todo, wala akong paki-alam kung nasa harp ko man siya. Kulang ang salita para ilarawan ang sakit na aking nararamdaman, mula ng isuko niya ako hanggang ngayon. Hanggang ngayon na siya parin ang mahal ko samantalang siya ay kinalimutan nalang ako.
hinarap ko siya, “ganoon na lang ba ako kabilis kalimutan?”
walang nakakatawa sa sinabi ko ngunit tumawa ito. “therese, you’re the apple of my eye, mango of my pie, calcium in my kalansay, cure to my ‘aray’, center of my buhay at… ang babaeng mamahalin ko for all of my life.” Ngumiti ito. “hindi ka mabilis kalimutan therese, hindi nga kita makalimutan eh. Parang ikaw pa nga ang nakalimot sa pangako ko sa yo. “
hindi ako nagsasalita, hindi ko rin alam kung totoo ang mga sinasabi nito. At masaklap pa ay parang inuulit pa nito ang kahapon.
“hindi ba ang pangako ko sayo wala na akong ibang babaing mamahalin, bukod sayo? kaya nga ito ang pinili kong landas.”
Lalo akong napaiyak. Hindi ko na alam ang sasabihin.
Iwan mo na lang yan, bumalik na tayo sa dati. Kabaliwan nga siguro ang naiisip ko, ngunit iyon ang nararamdaman ko. handa akong ibalik ang lahat sa dati.
Ngunit, ano nga ba ang laban ko sa Kanya? Siya na naging sandigan ko sa lahat ng oras, Siya na dahilan kung bakit ako naririto? Sino ba ako para agawin ang lalaking mahal ko sa Kanya?
Sa aking pagkabigla, niyakap ako ni Anthony. Mahigpit. Niyakap ko rin siya. Right there in his arms, I felt I was home. I wished na sana ganito nalang, pero hindi maaari. And before I knew, it ended. It was too soon.
May kinuha ito mula sa bulsa ng pantalon nito. Isang panyo. Puting panyo. Pinahid niya ang luha ko. “gusto ko, ako ang magkakasal sa inyo…ng lalaking pipiliin mo balang araw.”
Taon na ang lumipas, marami ng nagbago. Hindi ako kalianman nagalit sa Diyos, dahil inagaw Niya ang mahal ko, sa halip ay lalo kong minahal ang Panginoon, dahil sabi nga niya, “ang lahat ay nakatakda. “
Sa isang bagong paaralan na rin ako nagtuturo at may nobyo na rin ako. matagal na rin ang relasyon namin.
Pero isang araw, nagulat ako sa sinabi niya. “Tere, siya parin ba?”
Natatawang nilingon ko siya, “ ano?”
“siya parin hindi ba?”
“ano ba yang pinagsasabi mo?”
“si…Anthony?”
nagiwas ako ng tingin, kahit pa sabhing ilang taon ang lumipas, siguro hindi na siya mawawala sa puso ko.
“ano, tama ba?” pangungulit parin niya.
“bakit mo ba naitanong yan?”
“kasi handa akong magsakripisyo, kung siya talaga ang mahal mo. “
sakripisyo. Yun nga siguro ang pilit na pinaiintindi sa akin ni Anthony noon. Kailangang may isang tao na masasaktan para sa kaligayahan at kabutihan ng isa. isinakripisyo ni Anthony ang kaligayahan niya, para sa akin.
Tiningnan ko ang nobyo ko. “hindi ko alam ang sasabihin.”
“just say, you love him. I’ll let you go. Mahal kita eh. “ ngumiti ito ng mapakla.
Niyakap ko siya. “mahal ko siya, pero hindi siya magiging akin kalian man. Salamat sayo.“
Natigil lang ang aming pag-dadrama ng tumunog ang cellphone ko.
Agad akong umuwi sa amin pagkatapos ko matanggap ang tawag ng nakatatanda kong kaptid.. Inatake sa puso ang aking tatay. Nakaratay na ito sa ospital ng datnan ko.
May ulirat pa ito at tila hinang hina na. lumapit ako dito. “`tay…”
“therese, ikaw bay an?”
“o-opo.” Napakagat labi ako upang pigilan ang luha.
“anak.” Unang beses niyang marinig na tinawag siyang anak ng tatay niya. “patawarin mo ako sa kasalanan ko sa iyo. Lalo na ng paghiwalayin ko kayo ni Anthony. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko, patawarin mo ako, anak. “
“gusto ko ring sabihin sayo na, ipinagmamalaki kita. Nakapagtapos ka at may marangal na trabaho dahil sa sikap mo. Isang pagkakamali nga siguro na hindi ko nasabi ito sa iyo noon. Sa inyong lahat, na mahal ko kayo at kayo ang dahilan ko upang mabuhay. “
hindi ko na napigilan ang umiyak.may bunga rin pala ang ilang taon kong paghihirap at pagsusumikap.
Biglang tumunog ang makina sa tabi ni tatay, nataranta ako ng Makita ko ang flat line.
HE SMILED. Narating ko na ang altar. He held my hand.
Lahat ay perfect na wala na akong mahihiling pa.
Nakasurvived si tatay sa mga nangyari sa kanya sa ospital noon. At pagkatapos noon, naramdaman ko na kami ay isang one big happy family.
Matapos naman makipagkalas ng nobyo ko sa akin ay hinanap nito si Anthony.
At itong Anthony namang ito, matapos pala ng engkwentro naming sa simbahan noong simbang gabi ay tumiwalag na siya sa semenaryo. hindi na niya kinayang harapin ang kalungkutan at hinanap niya ako.
Hindi siya nagsisisi, sabi niya. Dahil lahat daw ng ito ay itinakda. Lahat ng ito ay nasa kagustuhan niya.
Nagkayos si tatay at si Anthony, pati na ang aming mga pamilya.
Sinubukan kong tanungin si tatay kung ano ang dahilan ng pinag-awayan ng pamilya naming at ng mga Zamora. Ngunit tumanggi ito, dapat daw ibaon na lamang iyon sa limot.
Ngumiti ako bilang ganti. He entertwined our fingers, at naupo na kami sa kabisera. I looked up to God, thank you.
Ayos lang naman siguro kung hindi na tinupad ni Anthony ang pangako niyang siya ang magkakasal sa akin, basta ang mahalaga, siya ang pinakasalan ko.
Habang nagmimisa panay ang bulong sa akin ni Anthony ng mga kakornihan niya. “you’re the apple of my eye, mango of my pie, calcium in my kalansay, cure to my ‘aray’, center of my buhay at… ang babaeng mamahalin ko for all of my life.”
---THE END--[/quote]
[/align]
[align=center]i hoped it touched your heart the way it touched mine.

at sana ipray natin, na may miracle na mangayri dahil sa isng hiling. [/align]