Re: Ayt! Akala ko pa naman si Niko yung nakakita ng house nila Jenny, yun pala si Jason!
Update na po! Ang cute na ate :">.
[b]026[/b]
"J-jason.." Isasara ko na sana yung pintuan nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"I finally found you.." sabi niya. "After five years, nandito ka lang pala."
"Let go of me.. bakit ka ba nandito?"
"Tapos mo kong iwanan.. tatanungin mo kung bakit ako nandito? I should be the one asking you that, Jenny. Bakit ka nandito? Why did you ran away that day.. our wedding day?" His voice is stern and cold, at alam kong galit na siya.
"Jason.. I'm so sorry.."
"Sorry? After cheating on me, after humiliating me.. yun lang ang sasabihin mo?" he tighten his grip.
"Nasasaktan na ako Jason.. let go of me."
"Baba?" I heard Nick's voice in the kitchen. No.. no, Jason can't see him. Not now.
"Jason.. just leave now. Please.."
"Fine. Pero babalik ako bukas to talk to you, Jenny. I'll come back. May aasikasuhin lang ako. And, if you try to run away again, you know me.. Jenny. I can locate you, hindi ka na makakatakas sa akin. Kahit saan ka pa pumunta."
He let go of my hand and turned his back to me. And he started to walk away.
Tears started to form in my eyes. Knowing Jason.. I know na kahit saan pa ako magtago, he'll come and find for me. Ano pa ba? He's powerful. He can do everything, he has lots of connection with different people.
"Baba.. kain na ko baba.." Niyakap ni Nick ang isa kong hita. I looked down at him. "Iyak.. bat ka iyak Baba.."
I smiled at him. "Baby, wala 'to.. kain na tayo."
There is only one way to solve this. And that is.. to face Jason.
[hr]
"Please, Ate Jenny.." sabi ni Enrico, my cousin. Enrico's younger than me by 2 years, pero mas mukha pa siyang mas matanda sa akin. LOL.
"Eh bakit naman kasi nawala si Dinah kung kaylan rehearsal? Hala, baka iiwan ka na nyan."
"Hindi ah.. mahal ako nun eh.. may emergency lang talaga, nagkasakit Mama niya. Please, ikaw na lang muna."
OH GREAT. My cousin is asking me to act the bride's role doon sa rehearsal ng kasal nila.
"Okay, oo na."
"YES! Thanks Ate Jenny!"
I sighed. "Basta lilibre mo si Nick ng bibingka ah."
"Yes, I promise."
"Okay, halika na?"
"Thanks talaga."
[hr]
[b]Niko's POV[/b]
"Pabili pong tubig." sabi ko sa tindera at binigay yung bayad ko. Ha, ang init. Summer talaga.
Uminom na ako ng tubig at nagtanong-tanong kung saan ang bahay ni Jenny. Buti at nagbigyan naman ako ng directions, at papunta na ako doon. Ah.. na-eexcite na ako.
"Dito na ata yun.." sabi ko at bumaba na ng kotse. I cleared my throat. Gwapo na ba ako? Hmm. Inayos ko yung buhok ko nang kaunti and kumatok na ako ng pintuan.
Wala. Kaya kumatok pa ulit ako.
Wala pa rin. Ah, ang tagal.
"Hm, bakit ho?" may narinig akong nagsabi sa likuran ko. I turned and saw a woman na siguro in her mid-50's.
"Uhm, dito po ba nakatira si Jenny Salvador?"
"Dito nga. Anong kaylangan mo sa pamangkin ko?"
"Uhm.. ano po, ako po si Niko Vargas. Katrabaho ko ho siya dati."
"Ganun ba? Wala siya eh, nasa simbahan."
"Ganun po? Sige, salamat." Agad na akong pumunta ng kotse diretso sa San Julian Norte Church. Then, nung narating ko na, ang bilis ng kabog ng puso ko. Kinakabahan ako. Ano bang sasabihin ko sa kanya?
Nang papasok na ako, napansin kong may nangyayari sa loob ng simbahan. Hm, tunog ng kampana yun ah.. kapag kinakasal. Baka may kinakasal ngayon dito, at guest si Jenny.
I entered the church and took a deep breath. At.. nagulat sa nakita ko.
Jenny, wearing a wedding gown.. together with a man.
"Kung meron mang tumututol sa kasalan na ito, magsalita na."
Jenny.. no..
"ITIGIL ANG KASAL!" I shouted, which is my loudest shout.. and they all turned to face me.